Chapter Twenty-Eight

3.4K 148 20
                                    

"Chapter Twenty-Eight: May Gusto si Taehyung???"

2 years ago.

[Shinah's POV]

Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula nung maging kami ni Jimin. Masaya naman ako sa relasyon namin. Minsan nga lang kami nagdedate sapagkat busy yung schedule namin pero palagi naman kaming nagkikita especially pag nagrereview o nag-aadvance study kami. Study buddy ko nga siya eh hahaha.

Noong isang araw lang inannounce ng teacher namin na may birthday party na gaganapin dito sa loob ng school at yun ay ang birthday ng dean namin.

Bukas na pala yun at wala pa kong mahanap na pangsuot. Kailangan maging maganda ako para maging bagay naman kami ni Jimin.

Hays. Kelan kaya ako gaganda? At... ano ba talaga ang nagustuhan ni Jimin sa 'kin eh isa lang naman akong dakilang geek.

"Hahaha! Ms. Geek!"

"Pangit na nga, malandi pa."

"Sa lahat ng lalandiin mo, si Jimin oppa pa! Isa kang b*tch!"

"Ano tawag sa malanding flat-chested? Edi LANDEDE! HAHAHA!"

"Go dig a hole and bury yourself alive, shrimp."

"I hope you'll die, geeksh*t. Di kayo bagay ni Jimin at sa totoo lang, mas maganda pa ko sa'yo!"

"Jusko, ito na ba taste ni Jimin ngayon? Geeks?"

"I wonder kung anong nagustuhan ni oppa diyan. Ew."

Masakit. Masakit isipin na ni isa man sa kanila ay suportado sa relasyon namin. Dahil ba geek ako? Dahil ba pangit ako?

Ni isa nga sa kanila 'di ako tanggap. Maliban kay Jimin at siguro kay Taehyung.

Buong buhay ko nakatago ako sa ekstraordinaryong kapangyarihan ko, ang hindi makita sa iba, invisibility. Lahat ng mga tao nilu-look down ako pati mga kapitbahay ko dun sa apartment na tinirhan ko dun sa Busan maliban kay halmeoni kaso umuwi na siya doon sa Jeju Island kasama mga anak at apo niya. Wala na akong kakampi.

Nga pala, isa din akong game master. May ginawa akong laro na kinaaadikan doon sa Busan tas may ginawa rin akong deep web. Dun ko nilalabas lahat ng kalungkutan ko, kasiyahan ko, galit ko through posting creepy things. Wala lang. I find creepy things cool.

Back to the main topic, dahil dun sa pambubully nila, nagkaroon ako ng depression at anxiety. Oo, naglalaslas ako at madami na rin akong failed suicide attempts. Kung iisipin yun lahat, nakakabigat ng damdamin. Yung tipong gusto ko nang mamatay pero 'di ko kaya sa 'di ko matukoy na dahilan.

'Di ko na pala namalayang tumulo na yung luha ko mula sa kaliwang mata.

"Shinah?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Umiiyak ka ba?"

Agad ko namang pinunasan yung mga luha ko.

"A-ahh... Hi-hindi ah. N-napuwing lang ako a-at nilugod ko yung mata ko kaya nairritate siya." pagsinungaling ko at binigyan siya ng pilit na ngiti. Tumabi sa akin si Jimin at pinunasan niya ang mga luha ko.

"Wag kang magsinungaling. May nambully na naman ba sa'yo?" alalang tanong niya. Sa mga kilos niya, namula agad ako.

Ngumiti lang ako at umiling bilang sagot. Napabuntong hininga na lang siya at nginitian ako.

"May pangsuot ka na ba para bukas?" tanong niya.

"Wala." I pouted. "Maghahanap pa ko mamaya."

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now