Chapter Seventeen

4.5K 226 84
                                    

"Chapter Seventeen: Train To Busan"

[Seulgi's POV]

Andito na kami sa train station. Hinihintay na lang namin yung pagdating ng kapatid ni Jimin. Di ko pa rin maalis sa isipan ko na paano na lang kaya kung maabutan kami ni Sehun? Mahanap kami? Di na muna mahalaga sa 'kin yung trabaho ko. Ang importante, mabigyang diin 'tong kababalaghang bumabalot sa buhay ni Jimin, maging sa buhay ko na rin.

"Jimin hyung!"

May tumatawag na lalaki sa 'min sa di kalayuan at tumatakbo patungo rito. Tumayo si Jimin at nagyakapan silang mahigpit ng lalaking nasa harap namin ngayon.

"Jihyunnie..."

Di ko maiwasang maawa kay Jimin kasi after these years, ngayon lang ulit sila magkikita ng kapatid niya at isang taon na ring hindi sila nakapag-usap. Nalulungkot akong makita si Jimin at yung kapatid niya na umiiyak habang nagyayakapan sila ng mahigpit kaya niyakap ko rin sila at pinatahan.

Kumalas na sila sa pagkayakap.

"Oo nga pala, hyung. May sasabihin ako sa'yo." sabi ni Jihyun at tinignan niya si Jimin sa mata. Parang may aaminin si Jihyun. Nag-aalala tuloy ako.

"A-Ano yun, Jihyun-ah?" tanong ni Jimin.

"Si halmeoni..." yumuko siya bago niya bitawan yung mga masasakit na salita. "Wala na siya... 10 months ago."

Tinignan ko si Jimin. Bakas sa mukha niya yung pagkagulat, pagkalungkot, at yung sakit na naramdaman niya pagkatapos marinig ang mga iyon. Sa tingin ko, magwawala na siya. Sinabunutuan niya yung sarili niya at nagpipigil na sumigaw habang umiiyak. Niyakap ko siya at pinapatahan.

"Jimin, kalma ka lang. Please, di ka pa masyadong magaling."

Nilingon ko si Jihyun at bakas din sa mukha niya yung pag-aalala at pagkagulat.

"Anong nangyayari kay hyung?" tanong niya.

"He's badly traumatized, Jihyun-ah. Recovering pa siya ngayon at hindi pa siya tuluyan na magaling. Dahil sa nangyari sa kanya one year ago, he was sent to Seoul Mental Hospital." pagpaliwanag ko. Lumapit siya sa amin at hinihimas ang likod ni Jimin.

"Anong nangyari sa kanya dati, noona?" tanong niya sa 'kin.

"It's a long story, dongsaeng. Si Jimin na ang magpapaliwanag sa'yo pag nakarating na tayo sa Busan at pag handa na niya sabihin ang lahat. By the way, I'm his psychiatric nurse. I'm Kang Seulgi." pagpapaliwanag ko sa kanya at nginitian siya. Ngumiti rin naman siya sa 'kin.

"Nice to meet you, Seulgi noona." sambit niya. Tumahan na ngayon si Jimin at kumalas na kami sa yakap. 

"Kailangan na nating umalis bago pa tayo mahanap nila Sehun." paalala ko.

"Wag kayong mag-alala ako na ang bahalang magbayad ng ticket para sa inyo." nakangiting sambit ni Jihyun, kapatid ni Jimin.

"Sige Jihyun." at umalis na siya.

Umupo kami saglit habang hinihintay si Jihyun na makabalik. Habang naghihintay kami, nahagip sa mga mata ko ang pamilyar na tatlong lalaki na parang may hinahanap. Nakaramdam ako ng kaba.

"Sht. Andito na sila, Jimin." sabi ko sa katabi ko habang nakapako pa rin yung mga tingin ko sa tatlong lalaki. Lumingon din si Jimin sa direksyon nung mga lalaki at naramdaman kong nagulat din siya.

"Halika na." sabi ni Jimin at hinatak niya ko papalayo sa lugar na yun. Hinanap namin si Jihyun at saktong nakasalubong namin siya. Hindi pa rin naalis yung mga tingin ko sa kanila.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz