Chapter Forty

2.7K 145 24
                                    

"Chapter Forty: Consecutive Deaths"

1 year ago.

[Jimin's POV]

*beep* *beep*

Sari't saring busina ang maririnig dito sa kalsada ng Seoul at ang bigat ng traffic. Isang oras na kaming hindi nagagalaw dito.

"TAENA!" napasigaw na lang si hyung sa inis at pinihit pa ng pinihit ang busina dahil may importante kaming pupuntahan ngayon. Sana andun lang si hyung sa mall at hindi pa siya nakakauwi.

Lumabas si hyung sa bintana ng kotse at sumigaw.

"Hoy taena! Ba't ba ayaw gumalaw ng mga p*ste niyong kotse?!"

Bumalik naman agad siya sa pwesto niya at inis na hinampas ang manobela. 

"Hyung, sa tingin mo, ano kayang nangyayari sa unahan?" tanong ko. Tinignan niya ko ng masama.

"Aba malay ko. Ano ako manghuhula para hulahan kung anong nangyayari doon? Tss." inis na sagot ni hyung sa akin. Aba fishtea.

"Tss." yun na lang ang naisagot ko sa sagot niya at lumabas na ng kotse para tignan kung anong nangyayari sa unahan.

Naglakad na ako papunta doon kung ano ba talaga ang sanhi kung bakit ganito ka traffic. Tinanong ko yung isang tao sa isang kotse kung anong nangyayari.

"Miss, pwedeng magtanong?" tanong ko sa babaeng katabi ng driver ng kotse na pinagtanungan ko ngayon.

"Natatanong ka na." sagot ng babae. "Ano yun?"

"Ano po bang nangyayari sa unahan?" tanong ko.

"Ah. Ano kasi. May aksidente kasing nangyari. May lalake kasing gumagapang sa daan na parang nababaliw o sadyang baliw lang yata. Tas di niya napansin na may 10 wheeler truck na papunta sa direksyon niya kaya nasagasaan siya. Durog nga yung kalahating katawan niya eh." sagot nung babae. Bigla akong kinabahan kaya nagtanong pa ako.

"Pwede niyo po bang idescribe yung hitsura nung lalake?" tanong ko.

Sandali muna siyang nag-isip bago niya ako sagutin. "'Di ko kasi masyadong maaninag yung hitsura ng lalake. Basta naka plain blue T-shirt siya tas naka-ripped jeans tas may kotse din siya na nakapark sa gilid."

"Kung gusto mong makita yung hitsura ng lalake, puntahan mo na lang doon baka kilala mo." dagdag pa niya.

Nanindig yung balahibo ko nung imention niya na baka kilala ko. 'Di na ko nagdadalawang isip na puntahan yung lugar na yun.

Medyo nakikita ko na yung lugar at hindi ko masyadong makita yung tao kasi napapaligiran siya ng maraming tao.

Lumapit pa ako nang lumapit at sumiksik sa scene na yun upang tignan yung lalaki. Nanlaki yung mga mata ko nang makilala ko ang taong iyon.

[Yoongi's POV]

"T*ngina. Inaantok na ko dito." bulong ko sa sarili ko. Labing limang minuto na ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Jimin. Ba't pa ba niya inuna yung nangyayari sa unahan? Napakalaking tsismoso din 'tong pandak na 'to kaya ang liit-liit eh.

Wow. Nagsalita ang hindi.

Gwapo ko pa rin.

"Park Jimin, asan ka nang hinayupak ka? Antok na antok na kita dito baka ikaw kainin ko pagkabalik mo." inis na sambit ko sa sarili. T*ngina nababaliw na ko dito, kinakausap ko sarili ko.

Hoy. Baka iba iniisip niyo sa 'kainin' thingy ah. Yieee.

Napatalon ako nang biglang magring yung phone ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now