Chapter Thirty-Eight

3.1K 150 56
                                    

"Chapter Thirty-Eight: The Game Had Just Begun"

1 year ago. June 9, 2015.

[Jin's POV]

Andito kaming lahat sa dorm nina Namjoon. Lahat ng mga estudyante nabulabog nung nalaman nilang may krimeng naganap dito. Hindi namin alam kung paano nakapasok yung murderer kasi mahigpit naman ang seguridad dito. Masyadong matalino 'tong murderer na 'to. Ewan ko kung anong purpose nung pesteng taong iyon. Wala naman siyang ninakaw sa dorm nila Namjoon. Pinatay lang niya si Hoseok.

Sa lahat pa ng patayin niya, ba't si Hoseok pa?

Nag-iiyakan kami ngayon. Halong halo yung nararamdaman namin. Takot, galit, lungkot... lahat ng negative na emotions. Napamahal na namin si Hoseok. Siya yung energizer namin. Kahit nakakabwesit yung kabayong yun, mahal na mahal namin yun. Nawala pa.

'Pag nahuli ka nang mamatay tao ka, ako talaga ang papatay sa'yo.

Idinala na nila si Hoseok sa purinarya. Nilinisan na yung mga dugo na nagkalat sa bathtub, dingding, at sa sahig. Sumunod na kaming lahat papunta sa purinarya.

---

Nang makarating kami doon ay agad kaming nagpahinga at umupo sa labas. Umiiyak pa rin sila. Hindi ko kayang makita ang mga kaibigan kong malungkot. Ako yung nanay at pinakamatanda sa amin pero hindi ko naprotektahan si Hoseok. Napakawalang kwenta kong hyung sa kanila.

"Namjoon." tawag ko kay Namjoon. Lumingon naman ito sa akin na namamaga pa rin yung mga mata niya.

"Bakit hyung?" tanong niya.

"Nung gabing 'yon, anong nangyari?"

[Third Person's POV]  

>>>Flashback<<<

[Third Person's POV]

Pagod lahat ng magtropa nung matapos ang practice nila. Kanya-kanya na silang nagsiuwian sa mga lugar nila. Nang makarating si Namjoon at Hoseok sa dorm nila ay agad namang humiga si Namjoon sa kama niya.

"Oy hyung. Ako na muna yung maligo ah?" sambit ni Hoseok saka pumasok na sa banyo.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin natatapos si Hoseok. Nainip na si Namjoon kakahintay kaya lumapit na siya sa banyo at kinatok ang pintuan nito.

"Hoy Hoseok. Tagal mo dyan!" inis na sabi ni Namjoon mula sa labas ng banyo.

"Teka lang hyung! Malapit na kong matapos." sagot naman nitong si Hoseok.

"Alis na muna ako ah? Nagutom kasi ako bigla. Bili lang ako ng pagkain sa labas ng campus." sambit ni Namjoon.

"Bilhan mo rin ako ah!" sabi ni Hoseok. Umalis na si Namjoon at lumabas na sa campus.

Habang naliligo si Hoseok at humuhuni ng kanta ay nakaramdam siya ng lamig.

"Taena. Ba't lumamig yung tubig?" bulong nito sa sarili. Nagmadali siya maligo dahil ilang minuto na siyang nandon at baka mapagalitan siya ni Namjoon. Baka sirain ni Namjoon ang pinto ng banyo dahil kanina pa yun naiinip.

"Oppa." 

Isang malamig at pambabaeng boses ang narinig niya na tila ba bumubulong sa tenga niya. Napalingon naman siya sa gilid niya. Hindi niya makita yung paligid niya sapagkat nakapikit siya at sumasagabal yung bula ng shampoo sa mga mata niya. Dali-dali niyang tinanggal ito sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig nito mula sa shower head ng banyo. Pagkatanggal nun ay tumingin tingin siya sa paligid ngunit wala namang tao dun. Nakaramdam siya ng takot at kaba. Matatakutin pa naman siya.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora