Chapter Thirty-Two

2.9K 135 26
                                    

"Chapter Thirty-Two: Seoul"

Present day.

[Seulgi's POV]

Nagluluto kami ngayon ni Mrs. Park para pang-almusal namin. Maaga akong nagising at ganun din si Mrs. Park kaya napag-isipan naming magluto para ngayong umaga. Dahil walang holiday ngayon, may trabahong atutupagin si Mr. at Mrs. Park kaya dapat maaga silang makaalis sa bahay.

"Ilang taon mo nang inaalagan si Jimin, hija?" biglang tanong ni Mrs. Park kaya napalingon ako sa kanya na kasalukuyang nilalapag ang mga plato sa hapag-kainan.

Ngumiti muna ako bago ako sumagot, "Ilang buwan pa lamang po."

"Ilang buwan pa lang? Eh, parang ilang taon na rin kayong magkasama." sabi niya at natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

Ilang buwan pa lang pero parang ilang taon na rin kaming magkakilala. Ganito siguro kalakas ang tama ko kay Jimin. Napagkatiwalaan ko siya agad. Sabagay, ako naman yung tagapag-alaga sa kanya kaya siguro napalapit ako nang husto sa kanya.

At minahal ko na rin siya.

May narinig kaming footsteps mula sa sala.

"Oh? Good morning, hon." bati ni Mrs. Park sa mister niya. Lumapit si Mr. Park sa misis niya at niyakap ito saka hinalikan.

"Ang aga niyo ah." sambit ni Mr. Park. Nginitian ko lang siya nung tumingin siya sa 'kin.

"Hoy, may pasok kaya tayo ngayon." sabi ni Mrs. Park at mahinang hinampas yung braso niya. Kumunot yung noo ng mister niya.

"Ano bang petsa ngayon?" tanong niya.

"December 30." sagot naman ng misis niya. December 30 na pala. Hindi ko na namalayang malapit na palang magtapos ang taong ito.

"December 30 ngayon?"

Napalingon kami sa nagsalita.

"Oh, Jimin. Gising ka na pala. Halika na. Kumain na tayo." sabi ni Mrs. Park. Umupo na kami.

"Tulog pa yung kapatid mo?"

"Opo. Gigisingin ko na lang po yun mamaya. Tulog mantika yun eh." sagot ni Jimin.

Nagdasal muna kami saka nagsimulang kumain. Tahimik lang akong kumakain at ganun din si Jimin samantalang nag-uusap ang parents niya. Napatingin sila sa amin na parang napansin nilang ang tahimik naming dalawa.

"Oh? Ba't ang tahimik niyo?" tanong ni Mrs. Park. Tumingin kami sa kanya at umiling ako.

"Wala po. May iniisip lang." sagot ko. Tumango na lang siya saka bumalik sa pagkain.

Natapos na kaming kumain at ganun pa rin kami, ang tahimik. Inaalala ko lang kasi yung trabaho ko dun sa Seoul saka namimiss ko na rin si Joohyun unnie. Kamusta na kaya sila dun at yung hospital?

"Seulgi-sshi." tawag sa 'kin ni Mrs. Park. Napalingon naman ako sa kanya. Tinaas ko yung dalawang kilay ko na tinatanong kung ano yung sasabihin niya.

"Pwede bang dalhin mo tong food tray sa kwarto ni Jihyun? Ang tagal niya kasing bumaba saka nagmamadali kami ng asawa ko kaya kayo na ang bahala sa bahay ha?" tanong ni Mrs. Park.

"A-ahh s-sige po... Ingat po kayo." sagot ko. Nakipagbeso muna si Mrs. Park saka nagpaalam na rin pati kay Jimin na ngayo'y nanonood ng TV. Dinala ko na yung tray sa taas at saka kumatok sa kwarto ni Jihyun.

"Jihyun?"

Walang sumasagot kaya pinihit ko na lang yung door knob at bukas naman pala. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin ang natutulog na Jihyun. Napangiti ako sa nakita ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now