Chapter Six

5.8K 310 49
                                    

"Chapter Six: Bangungot Part 2"

[Seulgi's POV]

Nagising ako bigla. Nakatulog pala ako sa office. Tinignan ko yung mga ginawa ko kanina. The letters were blurry so I rubbed my eyes para luminaw paningin ko. Malabo pa rin paningin ko. Ah, baka dahil sa stress at antok lang to.

Tinignan ko yung orasan. Hala, alas 3 pa pala ng madaling araw? Hays. Ligpitin ko na nga lang tong mga papeles.

Niligpit ko na yung mga papeles at niorganize ang iba sa desk nang biglang nagring yung telepono.

*kring* *kring*

Sino kaya to?

*kring* kring*

"Hello?"

Sinagot ko yung tawag pero wala namang sumasagot. Parang hangin lang yung naririnig ko ganun.

Binaba ko na yung telepono at bumalik sa ginagawa ko.

*kring* *kring*

Boset. Ano trip nitong lokong to? Sa ganitong oras nantitrip!

"Problema mo po?" cold kong sagot.

"[Tulungan mo ko...]" sumagot ang isang boses ng lalaki na humahagulhol. "[T-Tulungan mo ko...]"

Binaba ko nang napakalas ang telepono na halos masira na ito. T-t*ngina... S-Sino yun?

*kring* *kring*

...

*kring* kring*

"T*NGINA TIGILAN MO NA KO!" sumigaw ako habang napatakip sa tenga.

The air filled with sobs - hagulhol ng isang lalaking nagmamakaawang tulungan siya. I cried because I was scared. Scared to death. Wala akong kasama dito. Nakauwi na sila Sehun. Ako na lang mag-isa... Tama! Yung guard! Alam kong nasa labas pa siya at nagbabantay ngayon.

I ran towards the door but the desks and chairs blocked my way. I froze, scared to death. I really am scared.

"TULONG!!!" I screamed at the top of my lungs but seems like no one heard me. Umiyak na lang ako. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Tulungan mo ko..." may nagsalita sa likuran ko. Sht. M-may nagsasalita... sa likod ko...

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ang isang lalaking sunog yung buong katawan. As in nakakatakot. Yung mata niya halos malaglag na sa eye socket niya at yung balat niya, lutong luto.

"AHH!!!" I screamed pero wala talagang nakakarinig sa akin. I screamed for help pero wala. Palapit ng palapit yung lalaki sa akin hanggang sa napakalapit na namin.

---

"SEULGI!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko. Nakatulog pala ako... sa desk ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Sehun sa akin.

So, panaginip lang pala yun?

"Ah- ano bang nangyari?" inosente kong tanong.

"Nagsisigaw ka kasi tas parang nagwawala ka. Binangungot ka yata. Nakatulog ka kasi kanina habang ginagawa mo documentary mo."

Right. Isa lang na bangungot yun.

I sighed in relief. Di ko talaga maexplain anong klaseng panaginip yun. Napapadalas na kasi yung nightmares ko at worst, nangyayari pa sa totoong buhay. Ayoko din namang ikwento kay Sehun o di kaya kay Joohyun unnie kasi alam ko namang di sila naniniwala sa akin.

"Okay lang ako Sehun. Salamat." nginitian ko lang siya.

"Gusto mo iuwi na kita sa dorm mo? Alas 3 pa kasi ng madaling araw."

Nanlaki mga mata ko. Alas 3 din nangyari yung nasa panaginip ko!

"WAG!" I gripped into his arm. "I mean... wag na muna. Ayoko. Gusto ko munang magpahangin. Pwede mo ba akong samahan?"

Tumango naman siya, "Sige. Sasamahan kita."

---

Andito kami ngayon sa isang park medyo malapit sa hospital. Medyo madilim pa kaya madilim dito sa park. Malamig ang hangin. Nakasuot lang ako ng scrubs ngayon. Nagmamadali kasi akong lumabas sa hospital. Natatakot talaga ako. Di ko na talaga alam kung ano nang nangyayari sa buhay kong ito. Naging miserable bigla.

Nakaupo kami sa isang bench. Ni isa sa amin walang nagsasalita.

"Nilalamig ka ba?" Sehun broke the silence. Napansin yata niya na nanginginig ako sa lamig. I simply nodded.

Hinubad niya yung jacket na suot niya at pinasuot sa akin. I thanked him and smiled at him.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong niya ulit.

"Oo. Ang sama lang talaga ng panaginip ko."

"Mind sharing it to me?"

Lumingon ako sa kanya na nagdadalawang isip kung ikwento ko sa kanya.

"Nah. Wag na. Isa lang namang panaginip yun. Masamang panaginip."

"Dreams can be sometimes a memory that actually happened from the past." 

"Posible?" I frowned.

"Oo."

"How do you say so?"

"Well, marami na kong nakikitang case niyan sa mga pasyente sa Seoul Mental Hospital. Karamihan sa kanila binabangungot. Alam mo yung mapapakwento sila sa napanaginipan nila ganun hahaha."

"So, there's a possibility na past memory yun?

"Probably." he smiled.

"Pero wala namang connect yung napanaginipan ko sa past ko..." napatigil ako sandali habang nag-iisip ng kahit anong clue na dadaan sa isipan ko.

He looked at me with curiosity. "Ano ba kasi napanaginipan mo?"

"May isang lalaki. Sunog yung balat niya na parang sinunog siya ng buhay. Yung mata niya halos malalaglag na. Kadiri talaga yung hitsura niya tas nakakatakot. He was asking for help." kinwento ko sa kanya yung napanaginipan ko pagkatapos.

"Sure ka bang walang nangyaring ganyan sa past mo?"

"Sure na sure. Wala talaga."

Napaisip kaming dalawa. A long silence filled the air again. I looked at Sehun's wristwatch and it's nearly 5 in the morning.

"Teka." he broke the silence once again. "Nabalitaan ko kay Ms. Bae na binangungot ka daw nung nakaraang araw."

"Oo. Bakit?" I asked without looking at him.

"Ano nga yung napanaginipan mo last time?"

Inaalala ko ulit yung napanaginipan ko.

"May anim na lalaki tas nakakatakot itsura nila. Basta nakakatakot. They're asking for help. Ang creepy talaga-"

"Wait." pinutol niya ko. "Di kaya konektado yan sa panaginip mo last time?"

"What do you mean?" I looked at him in confusion.

"Look. Yung isa ba sa anim na nasa panaginip mo ay kaparehas nung nasa napanaginipan mo kanina?"

Nanlaki mga mata ko. Tumpak! Oo nga ano? Sht. So maaaring...

"So maaaring... konektado to kay Jimin?"


Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now