Chapter Nine

5.1K 291 156
                                    

"Chapter Nine: Jungkook pt. 2"

[Third Person's POV]

Patuloy na pinapatahan ni Seulgi si Jimin sa pag-iyak. Samantalang sa kabilang banda, binabantayan ni Sehun sila sa pamamagitan ng CCTV. Maya-maya'y umalis na si Sehun sa opisina niya at umakyat papunta sa room 95 kung saan nakatambay ngayon sina Seulgi, Joohyun, at Jimin.

Bumungad sa pinto si Sehun. "Seulgi."

Napalingon naman ang dalawang babae. "Sehun?/Doc?"

"Seulgi, let's talk." seryosong sabi ni Sehun sabay hila niya kay Seulgi. Bago sila makaalis, binilinan ni Seulgi si Joohyun na bantayan na muna si Jimin habang nasa labas sila. Nagdadalawang isip namang sumang-ayon ang nakatatandang babae.

"Sehun, ano yun?" tanong ni Seulgi. Tinignan siya ni Sehun ng seryoso.

"Seulgi, delikado si Patient 95. I don't want to let him just hurt you." sagot ni Sehun. Kumunot ang noo ni Seulgi na tila ba'y nalilito sa kilos ni Sehun.

"Huh? Hindi magagawa ni Jimin yun. Alam kong gumagaling na siya. Kailangan niya ko Sehun!" sambit ni Seulgi.

"No! We don't even know what's his past. You aren't even sure na gumagaling na ba talaga siya. Hindi ka pa ba natututo sa nangyari sa'yo nung nasa stock room kayo? God, Seulgi! Wake up!" napagtaasan ni Sehun ng boses si Seulgi na siyang ikinagulat ng dalaga. Nagalit si Seulgi sa ikinilos ng binata.

"Sehun! You're a doctor! I know you know that Jimin has a big chance to get back to his normal life. All he need now is care, comfort, love, and guidance!" exclaimed Seulgi. "I'm going to take care of him no matter what!"

"Even if I fired you and lose your job?" dugtong ni Sehun.

Napatigil si Seulgi. Tinitigan niya nang masama ang binata. Nasa parte ni Seulgi ang pagkalungkot kapag nawalan siya ng trabaho pero kailangan niyang tulungan si Jimin.

"Hindi ko to ginagawa para lang magkapera. Ginagawa ko to dahil trabaho kong pagalingin ang mga taong tulad ni Jimin. Matulungan at mapasaya ko man sila at ang kanilang mahal sa buhay, okay na ko." sambit ni Seulgi at pumasok na sa loob.

Napatigil si Sehun. Napaisip siya na may point naman si Seulgi. Bakit nga ba siya nagtatrabaho? Para lang magkapera? Hindi. Kundi ang matulungan ang mga may sakit sa pag-iisip. Hindi kasi sa pagkakaroon ng pera ang pagtatrabaho kundi ang makuha ang kaligayahang hinahangad mo sa trabaho mo at ito'y nagpapasaya sa ibang tao.

"Tumahan na ba si Jimin?" tanong ni Seulgi habang sinasara yung pinto.

"Andyan ka na pala Seulgi." sagot ni Joohyun habang pinapatahan si Jimin. "Eto oh. Iyak pa rin ng iyak. Jusko. Mukha akong nagpapatahan ng isang maliit na batang may sakit."

"Teka ako na." sabi ni Seulgi at siya na yung nagpapatahan kay Jimin. "Jimin~ Shh. Okay lang yan. Everything's gonna be okay. Alam mo ayaw nilang nakikita kang umiiyak o malungkot man kaya nga andito ako para alagaan ka. Makita ka lang nilang masaya, masaya na din sila kaya nga nila ako pinadala para pasayahin ka kasi alam ko, alam mo, alam nilang malayo na sila sa'yo. Kaya tahan na Jimin~"

Tumigil sa paghagulhol si Jimin at tumingin kay Seulgi na kasalukuyang nakayakap at pinapatahan siya. Ngumiti ito at nagsalita. "Gomawo."

Nagulat ang dalawang dalaga sa bigla pagsasalita ni Jimin.

"Oh. My. God. Ang fafa ng boses niya, Seulgi~!" pabulong na tili ni Joohyun. Seulgi just rolled her eyes at her unnie.

"Tch. Akala ko ba narinig mo na boses niya?" tanong ni Seulgi.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon