Chapter Forty-Eight

2.5K 154 24
                                    

"Chapter Forty-Eight: To Jimin"

[Jimin's POV]

Ipinark ko na ang sasakyan sa parking lot ng apartment na tinutuluyan namin ni Seulgi. Pinatay ko na ang engine ng sasakyan at naunang bumaba saka pinagbuksan ng pintuan si Seulgi. Bumaba na rin siya at tinulungan niya kong kunin yung mga gamit namin sa likuran.

"Sa wakas ay natapos na rin." biglang sabi ni Seulgi na may ngiti sa kanyang mukha. Napatingin naman ako sa kanya saka ngumiti rin.

"Oo." sambit ko. "Sana nga hanggang dito na lang."

"Seulgi." tawag ko sa kanya.

"Hmm?" she hummed while carrying the things to the rooftop. Sumunod na rin ako sa kanya.

"Tutuloy ka pa rin bang lumisan abroad?" tanong ko. Hindi agad siya nakasagot na tila ba'y iniisip pa rin niya yung tamang desisyon.

"I think so." sagot niya. "If it's okay with you."

Binuksan ko na yung pinto ng rooftop at pinauna siyang pumasok saka sinara. Huminto muna ako saglit at hinintay na lumingon siya sa akin.

Gayun nga ay huminto rin siya at humarap. Tinignan niya ko sa mga mata ko na parang binabasa niya yung isipan ko.

"I think it's okay with me." sambit ko. "As long as you're happy with it. It's your dream, Seul."

Nagkatinginan pa rin kami sa mga mata namin. I was trying my best to show her that I'm serious and I hope she'll get that immediately.

She gave me her genuine smile with her crescent eyes showing. Napangiti rin ako. Parang nagets niya yung pinapahiwatig ko.

"Thank you, Chim." sambit niya.

"Halika na. Pumasok na tayo." yaya ko at sabay na kaming pumasok sa loob.

Nilagay na namin lahat ng mga gamit sa sahig at inayos para hindi makasagabal pag may dumadaan. Tumumba agad si Seulgi sa kama.

"Seul, mauna ka nang maligo. Ako na munang bahala dito." sabi ko. Tumango naman siya at tumungo na sa banyo.

Naalala ko yung binigay ng tita ni Taehyung na flashdrive kanina. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan saglit.

MinTae.

The memories came flashing back and the pain was still there. Masakit pa rin yung mga nangyari sa 'min. Kung ikaw ako, alam ko namang ganun din ang mararamdaman mo lalo na't tinuring mo na rin siyang kapatid.

The most painful part ay yung malalaman mo yung katotohanan sa likod ng mga pangyayaring nangyari few years ago at maging ngayon. I just wanted to know the truth behind all these sh*ts dahil yun lang naman ang kailangan ko para masagutan lahat ng mga katanungang gumagambala sa akin.

Pumunta na sa ako kusina at nilapag sa mesa yung laptop ko saka binuksan. Pagkabukas ay sinalpak ko na yung flashdrive sa usb port ng laptop.

Niclick ko na yung folder at pagkabukas nun ay bumungad ang mga folders na related kay Taehyung at sa aming dalawa pati na rin sa Bangtan.

I clicked one by one. Pictures and videos namin ni Taehyung, pictures niya, pictures din nina Shinah, at pictures din ng Bangtan.

Then something caught my eye.

Isang folder na nasa folder ng BANGTAN folder.

I clicked it and there, shows a video entitled 'To Jimin'. Niclick ko yun at nagplay ang video.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now