Chapter Twenty-Three

3.9K 176 20
                                    

"Chapter Twenty-Three: June 13th"

Present day.

[Seulgi's POV]

Sa kasalukuyan ay umiiyak ngayon si Jimin. Ikinuwento niya yung mga masasayang nangyari sa kanya doon sa Seoul noong baguhan pa lang siya dun. Hindi niya matanggap na sa kaligayahan niyang meron siya kasama ang kanyang mga kaibigan ay may kapalit na nakakalungkot, nakakatakot na nakakatrauma.

Naawa talaga ako sa kanya. Maliit lang ang pwede kong maitulong sa kanya. Ang pagalingin siya at magmove on. Pero yung buhay na kinuha nung Shinah? Hindi na yun maibabalik. Kinuha na niya lahat ang kaligayahan niya.

Nasa kwarto kami ngayon ni Jimin at pinapatahan siya. Nakayakap siya ngayon sa nanay niya.

"Jimin, tahan na." pagpapatahan ng nanay ni Jimin habang hinihimas-himas yung likuran niya. Patuloy na humagulgol si Jimin.

"Ma'am, ako na po ang bahala kay Jimin. Maghanda na lang po kayo ng maikakain niyo. Gabi na po kasi." sabi ko. Tumango naman sila at umalis na sa kwarto. Kinalas ko ang pagkayakap niya sakin at tinignan siya sa mga mata.

"Magiging okay din ang lahat, arasseo? Mabibigyan din ng hustisya ang pagkamatay nila at matatahimik na rin yang si Shinah." sabi ko. Tumango lang siya pero patuloy pa rin sa pag-iyak.

Ilang minuto na ang nakalipas at pansin kong tumigil na siya sa paghagulgol. Tinignan ko siya at nakatulog pala siya sa kakaiyak. Pinahiga ko na siya at kinumutan.

"I'll help you solve this problem, Jimin-ah. I will always be here for you no matter what. Saranghae." at hinalikan ko siya na noo.

---

3 years ago.

Ito na yung pinakahihintay namin na araw.

These past few days, ang dami naming hinanda para sa debut namin. Stage decorations, sound system, practices, etc. Grabe yung paghahanda namin na halos di na kami natutulog para lang maging maayos at bongga ang debut stage namin which is tumapat sa 2-day Sports Fest namin na isa sa mga big events na naganap dito sa school namin. Oo, dalawang araw magaganap ang event na ito.

"Mic check. 1, 2... 3."

"Ready na ba kayo?"

"Oo."

"Teka, teka. Yung necktie ko."

Medyo maingay na yung palibot at naghahanda na kami onti dito sa dressing room at sa stage. Kami kasi yung unang magpeperform bago yung actual event.

"Kelan mag-e-start?" tanong ko kay Yoongi hyung.

"Mamayang 9." sagot niya. Alas siyete pa kaya maaga maaga pa at makapaghanda pa kami.

"Gutom na ba kayo?" tanong nung isa sa mga staff.

"Ne~" sabay-sabay namin sagot. Gutom na talaga kami. Laki-laki na kaya ng eyebags dahil sa paghahanda nitong event na 'to.

Umalis muna yung staff at bumalik naman agad bitbit yung mga foods and drinks para sa 'min at pati na rin yung iba.

Pagkatapos kong maubos yung pagkain ay lumabas muna ako.

"Oh, sa'n ka pupunta?" tanong ni Taehyung.

"Dyan lang sa labas magpapahangin." sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya.

"Sama ako."

"Dyan ka na nga lang. Magpapahangin lang eh."

"'Kay." inirapan niya ako at umalis na. Lumabas na ako at tinignan ang paligid.

Medyo madami-rami na rin ang mga tao ngayon. Karamihan sa kanila ay mga athletes na kasali sa kompetisyon ngayong araw. May napansin akong nakaupo sa malayo. Tinignan ko ito nang mabuti. Ba't ang pamilyar nung taong nakaupo dun sa may tapat?

 Napansin niya yatang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya ako at kinaway. Inirapan ko lang siya at umiwas ng tingin.

Maya-maya ay lumakad na ko pabalik sa dressing room nang may biglang kumalabit sa 'kin.

"Ano kailangan mo?" cold kong tanong sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Wala lang naman. Gusto ko lang naman itanong kung anong ginagawa mo dito." sagot niya.

"Di ba obvious na magpeperform kami mamaya?" tanong ko ulit. Umiling naman ito. 'Di ba 'to nakikinig ng news?

"Ako at si Taehyung lang naman ang nakuhang bagong members ng Bangtan Sonyeondan." sarkastiko kong paliwanag.

"Alam ko." inosente niyang sabi. Ang annoying talaga ng babaeng ito.

"Ikaw? Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Ako?" tanong niya pabalik at nakangiting tinuro ang kanyang sarili. Hindi bes. Ako. -_-

"Hindi. Ako, ako." pilosopo kong sagot. "Oo ikaw! At wag kang ambisyosa ah. Tinanong lang kita kung ba't andito ka at nambubulabog ng mga tao dito. Wala akong interest sa'yo fyi."

Pabebeng tumawa siya, "Syempre, isa ako sa mga athlete. Long distance runner ako."

"Ahh. Sure akong hindi ka mananalo. Alis na ko. Bye." cold kong sambit saka umalis. Annoying na nga, pabebe at hambog naman. Sarap niyang ihulog dun sa crater ng Mayon volcano.

"Oh, sa'n ka galing, Jimin? 45 minutes na lang, magsisimula na ang event." tanong ni Yoongi hyung.

"Nagpapahangin lang, hyung." sagot ko.

"Sige." huli niyang sinabi bago siya pumunta dun sa backstage.

Nagparetouch lang ako ng konti tas pumunta na sa backstage kasama ang iba.

This is it. Eto na yun.

Nagsimula ng magsalita yung dalawang MCs.

"How are you today, Ms. Seo?"

"I'm perfectly fine, Mr. Bang especially today is the sports fest event and I'm absolutely excited! How about you, Mr. Bang?"

"Same as you, Ms. Seo and you know what? Today is the debut of Bangtan Sonyeondan as 7 members!"

"Oh jeongmalyo?! Uwa! I can't wait to see them perform here on stage!"

"Me, too! So... good morning, ladies and gentlemen. Let's all welcome..."

"Bangtan Sonyeondan!"

Umakyat na kami sa stage. Yung stage pala namin nasa loob ng main gymnasium ng school namin so yeah. At pagkaakyat namin ay umilaw na yung lights at nakatapat ang ilan sa amin. Grabe yung hiyawan nung nagsimula na kaming magperform.

Natapos na rin ang performance namin at naririnig ko pa rin hiyawan at kabog ng dibdib ko. Yung habang nagpeperform ako, yung kanta na piniperform namin at kabog ng dibdib ko lang ang naririnig ko.Hindi ko alam kung maganda ba yung kinalalabasan ng performance ko pero ang alam ko ay masaya ako.

June 13, 2013 is the most beautiful moment in my life and I will never forget this day. The day kung kelan nabuo ang Bangtan Sonyeondan as 7 members.

-------------------------------------------------------------

Another lame update. Mianhae T.T

Pero guys hohoho share ko lang 'to. Top 4.5 ako sa room namin ;-; Wala lang share ko lang. Baba ko ano? HAHAHAHA. First time ko kasing matop ngayong high school hnng.

Don't forget to vote, comment, and share my story, guys. Love lots!

[EDIT] May namali kaya inedit ko hehehhe

~Author Angel-nim

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now