Chapter Thirty-Seven

2.9K 141 43
                                    

"Chapter Thirty-Seven: Threats"

1 year ago. June 8, 2015.

[Jimin's POV]

Monday ngayon at limang na araw na lang ay anniversary na ng Bangtan. Excited na ko kasi magdadalawang taon na kaming magkakaibigan. Kahit ang daming nangyari sa loob ng dalawang taon, masaya man o malungkot, ay hindi pa rin napuputol yung samahan namin. Masaya ako kasi kahit ganito, magkakasama pa rin kami.

Pumunta na ako sa locker ko para kunin yung mga gamit na kinakailangan para sa susunod na subject. Binuksan ko ito at nagulat na lang ako nang may nahulog na papel saka pinulot.

Jimin

Oh?

Inipit ko na lang iyon sa libro ko at pumasok na.

Nagsimula na yung klase at hindi pa rin ako matinag simula nung papel na nasa locker ko. Gusto ko iyong basahin ngunit kinakabahan ako. Wala naman sigurong mawawala diba?

Binuklat ko na yung libro kung saan ko inipit yung papel. Hindi lang ito basta papel. Liham siya. Handwritten pero 'di ko kilala kung sino yung simulat nito. Unfamiliar eh.

Binuklat ko na yung papel at huminga muna nang malalim bago ito binuksan.

Jimin,

Nagtataka ka siguro kung bakit nakatanggap ka nito ano? Haha. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na mag-iingat ka. Kakasimula lang ng laro. Tanggapin mo ang sorpresa ko para sa'yo.

Pinagpawisan ako sa nabasa ko at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako nang sobra sa bawat salita na sinasabi nitong liham na natanggap ko. Ano kayang ibig sabihin nito? Ano kayang gagawin nitong taong 'to? Masama ba? O sadyang mahilig lang talaga mangtrip ang taong ito?

Sana nantitrip lang 'to.

Inipit ko yung papel pabalik sa libro at huminga ulit ng malalim. Biglang may nahulog sa hita ko. Isang papel.

Na naman.

Jimin

Napatayo ako sa kinauupuan ko. Nagsitinginan na yung mga tao sa akin.

"What's the matter, Mr. Park?" tanong ng History teacher namin.

"I'm sorry, Ma'am but I don't really feel well. May I go to the clinic?" sagot ko. Tumango naman yung teacher ko at kinuha ko na yung mga gamit ko saka umalis.

Pumunta ulit ako sa locker ko para tignan kung meron ulit bang liham na inilagay doon. Pagbukas ko ay hindi ako nagkakamali. Meron nga.

Kinuha ko 'to at ganun din ang nakasulat.

Jimin

Lumingon lingon ako sa paligid ngunit wala akong makitang tao. Kanina lang siguro niya nilagay 'to nung pumasok na ko.

Inilagay ko na yung mga gamit ko maliban sa tatlong papel na hawak ko ngayon.

---

Andito ako ngayon sa abandonadang building na nasa likuran ng gym. Walang pumupunta dito kaya walang makakakita sa akin. Hindi 'to first time na nagcutting ako ngayong nag-aaral ako sa paaralang ito pero ngayon oras na 'to, sadyang seryoso at kababalaghan ang nangyayari ngayon.

Binuksan ko yung pangalawang letter na nahulog sa hita ko kaninang class period.

Jimin,

Hulaan ko. Nabasa mo na yung pinakaunang letter ano? Magaling kasi ito na ang huling babala ko sa'yo. Mag-iingat ka. Hanggang sa maaga pa, bantayan mo ang mga kaibigan mo. Ngayong linggong ito ay ang huling linggo na ng mga kaibigan mo. The day starts today and the time is ticking. Tick tock tick tock.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now