Chapter Sixteen

4.7K 247 110
                                    

"Chapter Sixteen: Asan?"

[Seulgi's POV]

Andito ako ngayon sa dorm, namamahinga. Si unnie pumasok na sa trabaho pati na rin si Sehun. Oo, ako lang mag-isa dito.

Ayokong mag-isa~ Nabobored ako.

Binuksan ko na lang yung TV at manonood ng palabas. Hindi ko nagustuhan yung mga palabas ngayon kaya panay lipat ako ng lipat ng channel. Wala talagang magandang palabas.

"Aish! Ano ba yan!" inis kong sabi sa sarili ko. Pinatay ko na lang yung TV.

"Ugh. Ang boring~"

Napagpasyahan kong maligo na lang kasi hindi pala ako nakaligo kanina. Speaking of kanina, ano kaya ang ginagawa ni Jimin ngayon?

Pumasok na ako sa banyo para maligo. Nang magsimula na akong maligo, nakaramdam akong ginaw kaya binilisan kong maligo at para matapos na. Ba't ba ang ginaw eh nakahot shower ako?

Nang makalabas na ako, nakita ko yung TV na naka-on. Teka. Napatay ko ba 'to kanina?

Pinatay ko ulit yung TV. Pumasok ulit ako sa banyo para magtoothbrush. Habang nagtotoothbrush ako, dumaan bigla si Jimin sa isip ko.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Yung napasandal ako sa mesa at muntik na kaming magkahalikan.

Ahh~ Ba't ba?~ Kinikilig ako shet pero muntik na talaga niya makuha first kiss ko~

Nasa kilig portion na sana ako nang biglang tumunog yung TV.

Takte. Panira din 'to ano?

Lumabas ako mula sa banyo at tinitigan yung TV. Teka paanong bumukas ulit 'to? Kakapatay ko lang nito ah?

"Unnie?" nagbabasakali ako baka andyan lang si unnie at pinagtitripan ako.

"Unnie, hindi magandang biro yan ha." sabi ko saka nagpout. Di talaga mawala yung kaba at takot na nararamdaman ko. Matatakutin pa naman ako and I really hate this kind of prank.

"Unnie! Lumabas ka nga dyan. Tsk."

Biglang namatay yung TV.

Nanigas yung katawan ko sa kinatatayuan ko. Sobrang gulat ko at parang nagkaroon ako ng mental blockage. Hindi ko magalaw yung katawan ko sa gulat at takot. Imposible kasi yun. Imposibleng mamatay na lang yung TV na mag-isa. Baka may brownout o nagloko yung TV?

Napabuntong hininga na lang ako. Baka nga nagloko lang yung TV. You know, sa panahong ito hindi lang tao yung nagloloko. Pati rin appliances hehehe.

Lalapit na sana ako sa TV para tanggalin yung pagkapasak nang bumungad sa TV yung mukha ng isang nakakatakot na babaeng multo. Yung nagpapakita sa 'kin lagi.

"AHH!" natumba ako sa gulat at napaatras. T*ngina, t*ngina. Yung puso ko.

Tumakbo ako palabas na nagsisigaw. Hindi ko alam kung sa'n ako dadalhin nitong mga paa ko basta ang alam ko ay makaalis ako sa lugar na yun. May tumatawag pa nga sa 'kin pero hindi ko sila pinansin. Isa lang talaga pumasok sa isip ko ngayon.

Ang puntahan si Park Jimin.

---

[Jimin's POV]

Kasalukuyang nanonood ako ng TV ngayon. Boring kasi at ako lang mag-isa dito. Alam niyo yung feeling na namimiss mo ng maglaro ng computer games? Pero sa tuwing naaalala ko yun, naaalala ko din yung malagim na nangyari sa akin... sa aming pito. Sa lahat ba naman ng mabuhay, ba't ako pa? Sana ako na lang yung namatay kesa sa kanilang anim.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now