Chapter Twenty-Six

3.7K 152 25
                                    

"Chapter Twenty-Six: Operation: Get Shinah's Heart"

[Seulgi's POV]

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench ng bakuran nila. Nakatingin lang ako kay Jimin habang siya'y ikinikwento niya ang kanyang nakaraan.

"February 14... yun yung araw na sinagot niya ako. Nakakatawa pero siya yung pinakaunang naging girlfriend ko." malungkot niyang sabi pero may halong inis.

Nalungkot din ako. Nagkagirlfriend siya nang dahil lang sa pustahan na 'yun at yung naging gf pa niya ay mamamatay tao.

---

2 years ago. February 14, 2014.

[Jimin's POV]

"Okay na ba 'to?" tanong ko sa mga kasamahan ko na kasalukuyang hinahanda yung mga simpleng decoration at mga bagay-bagay na gagamitin ngayong 'liligawan' ko kuno yung Shinah na yun. Bwesit talaga 'tong si Hoseok hyung.

"JIMIN-AH~!" tawag ng isang kabayong mukhang mangga.

Sinamaan ko lang naman siya ng tingin at ipinagpatuloy yung preparasyon para sa gagawin ko mamaya.

Madaling araw pa lang, andito na ako. Siguro mga around 5 am. Siguro, nananaginip pa ako ngayon kung 'di lang sumang-ayon ako dun sa pustahan ni Hoseok hyung. Bwesit talaga. Nakakaasar grr!

"Wow! Ganda ng preparasyon natin diyan ah." ingay pa nung kabayong nasa tabi ko ngayon habang kinakalikot yung mga gamit na inihanda ko ngayon para kay Shinah. Bwesit.

Tinabig ko yung kamay niya at sinamaan ulit ng tingin. "Alis nga dyan. Pahamak ka talaga hyung."

Natawa naman siya. "Pasalamat ka nga nagkaroon ka ng first ever gf. Diba?! Tas okay lang naman yung Shi... Shin...-"

"Shinah." pangongoreksyon ko at sinamaan ulit siya ng tingin.

"Ahh! Ayun! Shinah. Okay lang naman siya ah. Mabait naman siguro yun, athlete pa, maganda, cute, tas alam mo... gamer din yun?"

Nilingon ko siya at binigyan ng 'confusing look'.

Gamer?

Parang sang-ayon naman ako kasi pangalawang beses ko na yata siyang nakita dun sa comshop.

"Huh! Wala akong pake dun. So annoying kaya nun."

Napatigil kami sa mga ginagawa namin nang may biglang sumigaw sa 'di kalayuan.

"Guys, guys! Andyan na si Kwon Shinah."

Dali-dali naman kaming nag-ayos at pumunta na sa kanya-kanyang pwesto namin. Magpeperform kami ng Bangtan sa stage. Di ko maalis yung excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi dahil para kay Shinah kung 'di dahil makakaperform ulit ako sa stage tas maraming manonood.

Naghanda na kami at nakita ko namang dala-dala ng isang kasamahan namin si Shinah na nakablindfold ngayon. Nakikita ko sa mukha niya yung excitement at pagtataka. Asa ka namang totohanan ko ito. Ul*l.

"3... 2... 1... GO!"

Pagkasabi nun ay sumabog yung confetti kasabay ng pagtanggal ng blindfold sa mga mata ni Shinah. Pagkatanggal nun ay bakas sa mukha niya ang pagkagulat sa nakita niya sa harapan niya.

Maraming estudyante ang nagsilapit at nanood sa performance namin ngayon. Kahit kulang kami ng isa ay maganda pa rin yung naging resulta ng performance namin.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now