Chapter Thirteen

4.7K 257 68
                                    

"Chapter Thirteen: Vivid Dreams"

[Seulgi's POV]

Nagising ako sa isang malamig na hospital bed. Masakit yung ulo ko at yung katawan ko. Lumingon-lingon ako sa palagid ko pero asan ang mga tao dito? Parang ako lang yata ang andito.

Naglakad-lakad ako sa hospital. Walang tao at medyo madalim ang paligid, yung mga ilaw, patay-sindi pa. Malamig din ang paligid kaya niyakap ko ang sarili ko. Nakakatakot pero gusto kong hanapin ang mga tao dito.

"Jimin?"

Walang sumasagot at ang tanging naririnig ko ay yung echo ng boses ko habang binabanggit ko ang pangalan ni Jimin.

"Unnie?"

Wala pa rin.

"Sehu--"

May naapakan akong bagay. Pinulot ko ito at nagulat ako sa napulot ko.

"Necklace to ni Jimin ah?" bulong ko sa sarili. Tumakbo agad ko sa di ko alam kung saan hanggang sa may nakita akong kwartong bukas yung ilaw.

"Jimin!" lumapit ako sa kwarto at nagsisigaw. Nakita ko dun si Jimin na nakahiga at nakapikit. Pinipilit kong buksan yung pinto pero ayaw nitong bumukas. Kumatok ako ng kumatok ayaw pa rin nitong bumukas.

"Jimin!!!"

Agad na bumukas yung mga mata ni Jimin pero nakatitig lang siya sa ceiling. Matutuwa na sana ako nang may bumungad na nakakatakot na babae sa pinto at nakatapat siya sakin. Siya yung babaeng nakita ko nung panahon na iniligtas ako ni Jimin mula sa kanya.

"AHH!" natumba ako sa gulat at takot at napaatras. Gusto kong tumakbo papalayo pero nanginginig ang buong katawan ko at nawawalan ako ng lakas.

"Hindi mo siya maliligtas."

Napalingon ako sa gilid ko at nakita na naman ang nakakatakot na babae pero ngayon, malapit na siya sa akin at magkatabi pa kami. Sht.

"AHH!!!"

---

Nagising ako bigla. Ay shet. Panaginip lang pala. Pinunasan ko yung luha at pawis ko. Nagpapakita na naman yung babae na yun. Ano ba kasi ang kailangan niya sa 'kin at ano ang kailangan niya kay Jimin? Ano ibig sabihin niyang hindi ko siya maliligtas? Argh. Ang sakit na ng ulo ko kakaisip sa mga tanong na yan na hindi man lang masagutan.

Pero teka, hindi to dorm namin ni Joohyun unnie. Parang nasa ibang dorm ako.

Agad naman akong bumangon mula sa pagkahiga ko. Natulog pala ako sa isang couch? Teka nga ba, asan ba talaga ako?

Biglang may kumatok sa pinto. Tinitigan ko lang ito at nagdadalawang isip kung bubuksan ko yung pinto o hindi. Baka kasi makita ko na naman yung babae na napanaginipan ko.

"Sandali lang." isang husky voice ang narinig ko mula sa kama. T*ngina. May tao pala dyan?! Ba't di ko napansin?!

TF.

SINO 'TO?

BAKA GINALAWAN AKO NITO AH???

Tinignan ko yung katawan ko saka niyakap. Ghad. Drug addict ba 'to o multo? Kasi mukhang bangkay.

Lumakad lang ito papunta sa pinto at binuksan. Bumungad sa pinto ang isang familiar na lalake.

"Jimin?"

"Hyung!" nagbro fist silang dalawa saka nagyakapan. Aba't hindi ako pinansin.

"Hoy Jimin!" nilakasan ko yung boses ko pero hindi niya ako marinig. K. Fine. Walang pansinan pala ha? Hmf!

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now