Chapter Forty-Six

2.5K 143 73
                                    

"Chapter Forty-Six: Kidnapped"

[Seulgi's POV]

Inidilat ko ang mga mata ko at bumangad sa akin ang nakakasilaw na ilaw mula sa kisame ng isang madilim na kwarto. Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong ito at narealize kong wala pala ako sa kwarto ko man lang o sa tinitirhan ni Jimin. Naramdaman kong hindi ako magalaw at nakagapos pala ang mga binti at mga kamay ko. Nakatakip pa mga bibig ko.

Nang malaman ko yun ay sumigaw ako ng tulong pero tanging ungol lamang ang lumalabas sa bibig ko dahil na rin sa pagkatakip ng bibig ko.

"Gising ka na pala." isang malalim na boses ang biglang nagsalita sa malapitan.

Pakawalan mo ko!

Sumigaw ulit ako pero ganun pa rin ang lumalabas sa bibig ko.

"Sorry pero sabi ni boss ay hindi ka papakawalan." sabi pa nung lalaking nasa paahan ng kamang hinihigaan ko ngayon.

Humagulgol na lang ako dahil wala akong magawa kundi ang maghintay ng tulong. Lumapit yung lalaki sa akin at umupo sa gilid kama. Umatras ako at napasandal sa pader. Lumapit pa siya at hinihimas ang buhok at mukha ko.

"Shh. Wag ka ng umiyak. Maganda ka pa naman." sambit nung lalaki saka manyak na tumawa. Inilayo ko yung mukha ko mula sa mga hawak niya. Nagulat siya konti saka hinimas niya ulit mukha ko.

"Shh..." saka tumawa ulit.

"Ilayo mo yang kamay mo kung ayaw mong putulin ko yan pati bayag mo."

Lumingon kami sa nagsalita at nagulat kami pareho sa nakita namin.

Sehun?

"Sorry boss." sabi nung lalaki saka alarmang tumayo. Tinignan ng masama ni Sehun yung lalaki saka lumapit sa 'kin. Umatras ako at di ko mapigilang humagulgol.

"Sorry kung kailangan ko pang gawin 'to sa'yo." sabi ni Sehun saka tinanggal niya yung telang nakatakip sa bibig ko.

"Pakawalan mo na ko, Sehun. Please..." pagmamakaawa ko. Tinignan lang niya ako saka nag-iba kaunti yung expression ng mukha niya.

"Pag papakawalan kita, alam kong babalik ka kay Jimin." mapait na sagot ni Sehun. Niyuko ko yung ulo ko saka umiyak.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa 'kin 'to, Sehun?" tanong ko. Rinig kong huminga siya nang malalim bago sumagot.

"Kasi ayokong maattach ka kay Jimin. Delikado siya, Seulgi." sagot niya saka hinihimas ang ulo ko. Marahas na inilayo ko yung mukha ko sa kanya saka tinignan siya nang masama.

"Hindi siya masama, okay?! Mabait siya, Sehun!" sigaw ko sa kanya at idiniin ko pa yung word na 'mabait'.

Hindi ko talaga matukoy kung bakit ba ayaw na ayaw ni Sehun kay Jimin. Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Jimin?!"

"Kasi masama siya!" sigaw ni Sehun na siyang ikinagulat ko. "Siya ang pumatay sa sarili niyang mga kaibigan, Seulgi!"

Mas lalo akong nagulat sa idinugtong niya pero imposible! Ikinuwento niya lahat ng nangyari sa kanya 3 years ago!

"Hindi totoo yan, Sehun!" sagot ko sa kanya.

"Yun ang totoo, Seulgi! Bulag ka kasi sa pagmamahal mo sa kanya kaya hindi mo nalalaman ang buong kwento niya! Kung ano man yung past niya ay isa lang yung NAPAKALAKING KASINUNGALINGAN!" this time ay malakas na inihampas ni Sehun yung mga kamay niya sa kama na siyang ikinagulat ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now