Chapter Thirty-Six

2.9K 132 17
                                    

Sorry kung ngayon lang ulit nakapag-update huhu. Maraming problems lang saka tinamad akong mag-update dahil sa mga low marks ko sa school huhu T.T Pero support niyo pa rin story koooo.

Play niyo yung video para mas feel na feel niyo yung chapter na 'to hehehe.

Enjoy!

~Author Angel-nim

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Chapter Thirty-Six: Taehyung's Condition"

1 year ago.

[Taehyung's POV]

It's been months simula nung biglang pagkamatay ni Shinah. I've prepared so much that time para ligawan siya pero huli na pala ako.

Wala na siya.

It was hard for me to accept her death even until now. I am currently suffering from depression at ilang buwan na rin. Masakit kasi na yung taong pinakamamahal mo ay bigla na lang nawala, bigla ka na lang iniwan. Yung taong kahit malayo ka sa pamilya mo, siya yung nagpapasaya sa'yo at ipinaramdam ang tunay na pagmamahal. Naramdaman ko yun kay Shinah kaya ko nga siya minahal ng lubos.

Pero wala na siya.

Parang nawalan na rin akong pag-asang mabuhay muli.

Selfish na kung selfish isipin pero ganun talaga. Wala akong pake kung ano yung sasabihin ng iba kasi 'di nila ako naiintindihan at kahit kailan, 'di nila ako maiintindihan. Wala na rin akong pake kung 'di nila ako maintindihan. 'Di ko naman sila kailangan. Ang kailangan ko ay si Shinah.

Lord, pwede bang kunin Niyo lang din ako? 'Di ko kayang mabuhay na hindi siya kasama. Lord, bakit Lord? Bakit siya pa? Bakit sa lahat ng taong pwedeng kunin Mo sa mundong 'to, ba't kasali pa siya? Ba't Niyong hinayaang magpatiwakal siya? Ba't Niyo po siya niligtas?

Lord, bakit?

"Taehyung?"

Rinig kong pagpasok ni Jimin sa kwarto ko.

Andito ako ulit sa hometown ko, ang Daegu. Nag-insist din si Jimin na magstay siya dito habang vacation.

Sana mas tumagal pa yung bakasyon kasi ayokong pumasok. Bumabalik yung sakit. Bumabalik yung mga alaalang nakakapag-alaala sa 'kin tungkol kay Shinah. Ayoko. Sobrang sakit baka mabaliw na ko nang tuluyan.

Lumingon ako konti para malaman niya na napansin ko siya tas lumingon ulit ako sa bintana.

Masaya ka ba dyan sa langit, Shinah? Sana sinama mo na lang ako.

Narinig kong nilapag ni Jimin ang tray na may gamot at tubig sa ibabaw ng mesa katabi ng inuupuan ko ngayong kama.

"Inumin mo muna 'to para gumaling ka." sambit niya saka umupo sa tabi ko.

"Pa'no ka gagaling nyan kung 'di mo iniinum yung gamot mo huh?"

"Ayokong inumin yan. Ayokong gumaling." malamig kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya at kinuha yung baso at gamot saka tinapat sa harap ko.

"Magpagaling ka, Taetae. Magpakatatag ka. Ayaw ni Shinah na maging malungkot ka at nasa ganito kang sitwasyon." sambit niya. Napayuko ako nang marinig ko ang pangalan ni Shinah. Bumabalik na naman yung sakit na nararamdaman ko t*ngina naman.

"Please. Umalis ka na muna, Jimin. Gusto ko munang mapag-isa." sabi ko. Tinignan niya lang ako at hindi kumibo.

"Pero Tae--"

"Umalis ka na!" sigaw ko at tinabig yung gamot at tubig na itinapat niya sa harap ko na siyang natapon at nabasag yung baso. Nagulat naman si Jimin sa akto ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon