Chapter Twenty-Two

4K 162 45
                                    

"Chapter Twenty-Two: New Classmate"

[Jimin's POV]

"Hoy, Jimin! Gising!"

Isang nakakag*gong tunog na narinig ko at ito'y nagpagising sa 'kin.

Teka. Di naman ganito tunog ng alarm clock ng phone ko ah?

Nimulat ko ang mga mata ko at bumungad sa 'kin ang isang demonyong nakapatong sa 'kin ngayon. Bakla ba 'to? P*ta ha.

"Alis!" tinulak ko siya at nahulog naman siya sa kama. Buti nga sa'yo unggoy.

"Ba't mo ginawa yun?!" tanong ni Taehyung sa 'kin na ngayo'y nakalatay sa sahig at namimilipit sa sakit mula sa pagkahulog.

"'Cause why not?" sarkastiko kong sagot. Inirapan lang ako ng mokong at tumayo na upang mag-ayos.

Ginawa na namin ang morning routines namin saka pumasok na sa klase.

Habang naglalakad kami ay may nakabangga sa 'kin na dahilan sa pagkahulog ng mga gamit nito.

"Ano ba?!" sigaw ko sa nakabangga sa 'kin.

"S-Sorry... Di ko sinasadya." nagbow yung babae at pinulot niya yung mga gamit niyang nahulog. Di ito tumitingin sa 'kin. Nakayuko lang siya kumbaga.

Pero teka ba't ang pamilyar niya? Nakita ko na ba 'to dati?

Duh. Pake ko?

"Tingin-tingin din sa dinadaan 'pag may time." masungit kong sabi at lumakad na papalayo. Ako lang yung umalis kasi tinulungan ni Taehyung yung babae at siya na yung humihingi ng patawad. Wow. Nagpapakagentleman ang g*go.

Nakasalubong ko naman si Namjoon hyung at Hoseok hyung.

"Hyung!" tawag ko sa kanila at sumabay na sa kanilang paglalakad. Nilingon nila ako at nginitian.

"Oy! How you does?" nakakanosebleed na sagot ni Hoseok hyung. Aral pa, bobo naman.

"T*ngina mo. Wag mo kong i-english english. Puro naman wrong grammer." sagot ko sa kanya na pasigaw. Tumawa naman itong si Namjoon hyung. Utot. Magaling kaya ako mag-english.

"You really not good at English. I'm gooder than you. You is not even feet on mine." maangas kong sagot sa kanya. Ha! Sabi na nga bang magaling akong mag-english. Napahawak naman itong si Hoseok hyung sa ilong niya na kunyare dumudugo yung ilong niya habang ito naman si Namjoon hyung tumawa ng napakalakas. Oh, oh, baka malamon mo kami?

"You two guys are really ridiculous. Why am I friends with you?" sambit ni Namjoon hyung. Napanganga na lang kami sa english niya. Pu... ta...

"Uh, guys... Alis na ako may pasok pa kasi ako." sambit ni Hoseok hyung at naunang umalis.

"Hoy! Sabay na tayo!" tawag ni Namjoon hyung at nang marinig ni Hoseok hyung yun tumakbo ito papalayo. Hinabol naman siya ni Namjoon hyung habang tinatawag ito. Buti na lang at wala na ang dalawa. Nastress na nga ako dun sa babae, pati ba naman sa kanila? Jusko.

"Uy." tawag ng isang boses mula sa likod habang kinakalabit ako.

"Oh Taehyung. Tapos ka na dun?" sarkastiko kong tanong.

"Grabe ka naman. Babae yun. Dapat 'di mo ginaganun." sabi niya. Wala akong pake.

"'Di sana siya magkakaganun kung 'di siya paharang-harang sa dinadaanan ko." galit kong sagot sa kanya.

Tumawa siya, "Hanggang ngayon, 'di ka pa rin nagbabago. Tsk, tsk."

Di ko na siya pinakinggan at pumasok na sa classroom namin.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now