Chapter Eighteen

4.4K 217 98
                                    

"Chapter Eighteen: Three Years Ago"

[Jimin's POV]

Huminga muna ako nang malalim bago ako nagsalita at ikwento sa kanila ang kwento ko tungkol sa past ko. This is it, Jimin. This is the right time para ikwento ko na sa kanila ang nakaraan ko at ang mga kababalaghan nangyayari noon at maging sa ngayon.

"Three years ago..."

---

3 years ago

Hello! Ako nga pala si Park Jimin. 17 years old at kakagraduate lang ng high school. Galing ako sa Busan at dito ako mag-aaral ng college sa Seoul University. Matalino naman talaga ako pero ang reason kung bakit pinag-aral ako ni eomma dito sa Seoul eh para makaiwas ako sa paglalaro ng computer games. Ayokong magcollege kasi masakit na sa kokoro pero pinilit ako nila eomma na pag-aralin ng college. Medyo may kaya naman kami kaya no wonder bakit gusto pa rin nila ako mag-aral ng kolehiyo.

"HOY JIMIN! BUMABA KA NA DYAN AT MAGHANDA KASI ANDITO NA APPA MO. IHAHATID KA NA NIYA SA TRAIN STATION. TIGIL-TIGILAN MO NA YANG PAGLALARO MO NG COMPUTER GAMES!" sigaw ni eomma mula sa baba. Bwesit naman oh. Malapit na kong maglevel up sa nilalaro ko.

Computer addict ako at alam ko yun pero wala naman akong pake. Eto yung kasiyahan ko pero kahit ganito ako hindi ko naman pinapapabayaan pag-aaral ko. Yun nga lang nagkakasakit ako madalas at nauubos na yung time ko sa pamilya ko dahil sa pag-aaral at paglalaro ng computer games.

Eto palang nilalaro ko ay World of Quests XIII at nasa Level 69 na ko. Oo, ang taas na ng level ko at kasali ako sa pinakafamous at pinakamalakas na clan dito sa larong 'to. Galing ko kasi eh. Ganun talaga pag may jams.

"PARK JIMIN!!!"

"OPO! PABABA NA PO!" sigaw ko pabalik. Boset. Beastmode na si mader.

Agad ko namang sinara yung laptop ko at nilagay na to sa bag ko. Bumaba na ko at nakatanggap lang naman ako ng batok, sermon, at nagtatalsikang laway galing kay eomma.

"ABA'T PINAHINTAY MO PA KAMI NG APPA MO NG ILANG MINUTO HA!? BLAH BLAH BLAH..."

Hindi ko na pinakinggan ang mga sermon niya at lumakad na ko papalabas. Andyan na pala yung sasakyan namin at nakatingin ng masama si appa sa 'kin. Eh sa malapit na ko maglevel up!

Bago ako pumasok sa kotse ay hinalikan ko muna si halmeoni sa pisngi at niyakap siya pati na rin ang kapatid ko at si eomma. Actually, hindi talaga ako close kay appa at eomma. Kay Jihyun, na nakababatang kapatid ko, at si halmeoni lang ang close ko sa pamilya ko. Palagi kasi silang nasa trabaho at minsan lang kami nagkakasama pero hindi pa rin naman lumalayo yung loob ko sa kanila.

"Paalam eomma, halmeoni, Jihyun-ah! Mamimiss ko kayo~" pagpapaalam ko sa kanila.

"Mag-iingat ka lagi, apo at pagbubutihin mo ang pag-aaral mo ah?" sabi ni halmeoni.

"Opo!" sagot ko naman.

"Hyung! Wag kang manchichix dun ah? Patangkad ka muna saka hanapin mo muna jams mo!" pagpapaalala ni Jihyun sa 'kin. Aba g*go 'to.

"Hoy! May jams ako at hindi ako pandak! Sadyang matangkad ka lang at hindi ako chicboy pakyu!" sigaw ko pabalik sa kanya saka binato ko siya ng middle finger. Tinawanan lang ako ng mokong.

"Mag-iingat ka, Jimin-ah." sabi rin ni eomma saka ngumiti.

Nginitian ko rin siya, "Opo, eomma."

45 minutes lang ay nakarating na kami sa station. Bumaba na ko sa kotse.

"Jimin-ah, mag-ingat ka lagi. Pagbubutihin mo yang pag-aaral mo. Limitahan mo rin yang paglalaro mo ng computer games. Arasseo?" pagpapaalala ni appa. Nginitian ko siya at tumango bago sumagot.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now