Chapter Fourteen

4.7K 271 125
                                    

"Chapter Fourteen: Apartment"

[Seulgi's POV]

I woke up from a nightmare. Grabe yung kabog ng dibdib ko, yung patak ng pawis ko, at yung pag-agos ng luha ko. Damn. Ba't parang totoo yung napanaginip ko. Why is it so vivid? Am I lucid dreaming?

"Okay ka lang ba?"

Lumingon ako sa nagsalita.

"J-Jimin?"

"Ne. You collapsed earlier and I think you were having a nightmare."

Di ko mapigilan yung sarili ko at umiyak. Niyakap niya ko at niyakap ko rin siya nang mahigpit. Di ko talaga alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

Ilang minuto lang ay tumahan na ako. Magaling pala 'tong magcomfort si Jimin. And speaking of Jimin,

"Nakakapagsalita ka na nang maayos..." sambit ko.

Nginitian niya ako, "Oo. Thanks to you."

Pansin kong suot-suot niya yung pinamili kong damit. Yun nga lang di ko siya nabilhan ng sapatos. Pero teka asan kami?

"Nandito tayo sa apartment ng kaibigan ko." sambit niya habang nakangiting pinagmasdan yung paligid. Tinignan ko siya sa mga mata.

"Yoongi?" mahina kong tanong. Napatitig siya sa akin at para bang tinatanong kung paano ko nalaman.

"I dreamed about him, you, Jungkook..." sabi ko. "And Shinah."

Napatayo siya sa kinauupuan niya. "S-Shinah?"

"Do you know her?" tanong ko.

Di siya sumagot at ganun pa rin yung expression niya. Gulat na gulat. Hala. Baka bumalik na naman PTSD niya.

"I-I'm s-sorry for mentioning her." sabi ko tas yumuko. Naramdaman kong umupo siya sa kama at huminga ng malalim.

"It's okay. Siya kasi yung dahilan bakit kami nagkakaganito." mahinang sabi niya. Tinignan ko siya na ngayo'y nakayuko at nilalaro yung mga darili.

"Mind sharing it with me?" tanong ko. He looked at me and smiled lightly.

"Sasabihin ko sa'yo 'pag nasa Busan tayo. Namiss ko na dun." sagot niya.

Nginitian ko naman siya. "Sige."

"Nga pala Jimin, ba't andito tayo?"

"Ahh. Binili ko 'to." sagot niya.

"Huh? Paano?"

Huminga muna siya ng malalim saka sumagot. "I borrowed your 10,000 won for a while."

Napatayo ako sa kinauupuan. Hu-what!?

"Sorry."

"Jimin naman eh! Wala akong sapat na pera. Saka wala pa naman akong bank account para maihulog ko yung savings ko. Paano na yung pang-abroad ko? Kasi eh..." pagmamaktol ko.

"Iiwan mo ko?" out of the blue niyang tanong. Napatingin ako sa kanya. Nakikita ko sa mga mata niya yung lungkot at galit. Nagiguilty tuloy ako.

"J-Jimin, hindi naman sa ganun-"

"Ge. Dyan naman kayo magaling eh. Ang mang-iwan." sabi niya saka nagwalk out. Nakaramdam tuloy ako ng guilt at lungkot. Oo, pangarap ko na talagang mag-abroad para makakita ako ng malaking pera at makagawa ng sariling bahay at maginhawang pamilya pero ang inaaalala ko ngayon ay si Jimin. Nalulungkot ako 'pag dadating ang oras na iiwan ko na siya. Nangako ako sa sarili ko na andyan ako para sa kanya pero parang sinisira ko yung pangako ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now