Chapter Thirty-Three

3.2K 149 62
                                    

"Chapter Thirty-Three: Taehyung's Warning"

[Seulgi's POV]

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung dumalaw kami sa puntod ng kaibigan ni Jimin na si Taehyung at nung nakita namin si Sehun dun sa sementeryo. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung anong ginagawa niya dun. Hindi kaya may kamag-anak siyang dinalaw dun?

O mas higit pa dun?

Di bale na. Basta ang mahalaga ay di niya kami nakita at nakatakas kami mula sa kanya.

Nakabalik agad kami sa Busan at ganun pa rin ang buhay namin dito. Mapayapa at walang ginagawa. Minsan, nabobored ako dito kasi mas sanay akong nagtatrabaho o may ginagawa. Gusto kong bumalik na pero mahalaga din naman si Jimin sa 'kin saka pasyente ko siya at kailangan matulungan ko siyang lutasin ang mga problemang dinadaan niya ngayon.

"Seulgi?"

Pumasok si Jimin sa kwarto ko na may bitbit na pagkain at gamot at inilagay niya ito sa mesa na katabi ng hinihigaan kong kama. Bigla kasi akong nahilo kanina at nahimatay.

"Okay ka na ba?" tanong ni Jimin saka umupo siya sa gilid ng kama. Bumangon ako at kinuha yung gamot at ininom ito.

"Oo. Medyo masama pa rin pakiramdam ko." sagot ko sa kanya. Inilapat niya yung kamay niya sa noo ko at chineck kung nilalagnat pa ba ako. Tinanggal na niya yung kamay niya at huminga nang malalim.

"Mabuti naman." sambit niya saka nginitian ako. Ngumiti din ako pero agad yun nawala.

Napanaginipan ko kasi si Taehyung nun. Basta mag-ingat daw ako lalong-lalo na si Jimin. 'Di ko alam pero baka tinutukoy niya na mag-ingat kami kay Shinah.

Posible kayang si Shinah yung pumatay sa mga kaibigan ni Jimin o sa likod nun ay may taong kinamumuhian sila at may balak na patayin sila at binabalaan lang ni Shinah sila?

Argh. Naguguluhan na ako. Please, tama na. Masakit na ulo ko.

---

Nasa isa akong madilim na lugar. Di naman siya as in na madilim pero para yung tanging umiilaw lang ay yung ilaw na itinapat sa akin. Nakaupo ako sa isang upuan at wala namang tali na nakatali sa buong katawan ko ngunit hindi ako makagalaw.

"Hello? May tao ba dyan?" tawag ko na nagbabakasakaling may taong tutulong sa 'kin pero wala. Tanging boses ko lang ang naririnig kong nag-e-echo sa paligid.

"Hello?"

"Noona." isang boses lalaki na tumawag sa akin na nagmula sa madilim na sulok.

" isang boses lalaki na tumawag sa akin na nagmula sa madilim na sulok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumabas ang isang gwapong lalaki. Malungkot ang mukha niya. Wala namang sugat sa katawan niya pero malungkot itong tumungo papunta sa direksyon ko.

Tumigil siya sa paglalakad at nakatapat siya sa 'kin ngayon.

"Noona." tawag niya ulit.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now