Chapter Eleven

4.9K 297 193
                                    

"Chapter Eleven: What is Love?"

[Seulgi's POV]

Ibinuka ko na yung mga mata ko at nakatitig lamang ako sa isang blankong ceiling. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko since day off naman. 3 araw na ang nakalipas simula nung nagconfess si Sehun sa akin. Di nga ako makapaniwala. Hays.

>>>Flashback<<<

"Seulgi, I like you. I really like you."

Nanlaki yung mga mata ko nung sinabi niya yan pero weh? Baka nagbibiro lang yan si doc hay naku. Wala kang maloloko dito hahaha.

"Sehun, gusto din naman kita. Syempre magkatrabaho tayo eh!" natatawa kong sagot. Tinignan naman niya ako ng napakaseryoso.

"Hindi ako nagbibiro, Seulgi. Gusto kita." aniya.

Di ko alam kung ano yung dapat isasagot ko sa kanya. Actually, I like him... but only as a colleague.

"Okay lang kung wala kang masabi sa ngayon. Haha. Alam kong biglaan 'tong confession ko pero I really do like you. Kaya kong maghintay, Seulgi." sabi niya. Hinila niya ako at biglang niyakap. "Maghihintay ako."

Ganun lang yung position namin hanggang sa tuluyan ng lumubog ang araw at makikita mo na yung mga kumikislap na mga bituin sa langit.

"S-Seulgi? D-Doc?"

Agad kaming kumalas sa pagkayakap at tinignan namin kung sino yung nagsalita.

"U-Unnie..." bulong ko. Nginitian niya lang kami at lumapit na sa amin. Kasama niya ngayon si Jimin.

"Naabala ko ba kayo?" patawang sabi niya. "Oh nga pala, Seulgi. Itong alaga mo hinahanap ka. Naglalakad mag-isa sa hallway. Naku! Baka makalabas 'to at maligaw pa."

Nilapitan ko si Jimin at niyakap. "Jimin naman eh! Wag kang aalis mag-isa sa kwarto mo ah? Buti na lang andyan si Joohyun unnie at nakita ka niya agad. Naku paano na lang 'pag mawala ka. 'Di ko kakayanin..."

"S-Sorry..." yan lang ang tanging maisagot niya. Niyakap niya rin ako. Kumalas na kami sa pagkayakap.

"Wag mo na gagawin sa susunod ulit ha? Pwede mo namang tawagin si Joohyun unnie para papuntahin niya ko sa'yo. Okay?" sabi ko sabay yakap ulit sa kanya. "Saranghae..."

>>>End of flashback<<<

Teka.

Nasabi ko ba talaga kay Jimin na 'saranghae'?

What-

"AHH!"

"Hoy! Ba't ka sumisigaw?!" biglang lumabas si unnie mula sa banyo.

"Ahh... Ehh... Hehe... May ipis kasing lumipad." palusot ko. Tumingin tingin naman siya sa paligid na parang naghahanda baka may lilipad na namang ipis.

"Asan?! Asan!?" sigaw niya tas kinuha yung suot niya tsinelas.

Tang--

"HAHAHA! Wala! Lumipad na sa labas!" sabi ko tas tumawa nang malakas. Inosente niya kong tinignan at sinuot ulit ang kanyang tsinelas na ipanghahampas sana.

"Ah? Ganun ba? Hehe." sambit niya. Susko. Kung di lang ako mabait, binalibag ko na sa kanya 'tong kamang hinihigaan ko.

Napaisip ulit ako at dumaan sa isipan ko si Park Jimin. Teka. Kamusta na kaya siya? Bisitahin ko kaya siya dun?

"Unnie, I want to visit Patient 95." malungkot kong sabi. Nabuga niya yung iniinom niya tubig. Aba.

"Bibisitahin mo siya?!"

"Ay hindi, papakasalan ko siya."

"TALAGA?! OMG!"

"G*ga, bibisitahin lang! OA at slow nito." tinignan niya kong masama.

"Aba't ginaganyan mo na ko ah." sagot niya.

"'Di joke lang, unnie. Hehehe. 'To naman, 'di mabiro."

Inirapan lang naman ako sa bruha. "Oh siya siya, bisitahin mo na yun. Malay mo, siya na ka-forever mo."

Well, sana nga. Hihi.

'Di joke lang.

"Lul hahaha." sagot ko sa kanya.

Ginawa ko na yung morning routine ko at pagkatapos ay pumunta na ko sa hospital para bisitahin si Jimin. Sipag ko ano kahit day off ko? Hehehe.

"Good morning po, Ma'am." bati ni manong guard. "'Di ba day off niyo po ngayon, Ma'am?"

"Ah, oo. Bibisitahin ko lang naman yung pasyente ko." sagot ko sa kanya.

"Naks! Mukhang napalapit na po kayo dyan sa pasyente niyo." sambit niya.

"Hahaha. 'Di naman."

Naglakad na ko papunta sa floor kung saan nandun ang room 95 na kasalukuyang tinitirhan ni Jimin. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Sehun.

"Good morning, Sehun." bati ko sabay bow. Tinignan niya lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Aba't snob ang lolo niyo ah? Tch.

---

Andito na ako ngayon sa tapat ng kwarto ni Jimin. Kumatok muna ako bago nagsalita.

"Jimin? Ako 'to si Seulgi. Pwede ba 'kong pumasok?" tanong ko. May naririnig akong yapak sa loob at bumukas ang pinto.

"Mr. Do?"

"Ms. Kang, ayaw pong kumain ni Patient 95. Pinipilit ko po siyang kumain pero ayaw niya po. Banggit-banggit ka po niya eh." sabi ni Mr. Do, katrabaho ko rin.

"Ah, ako na bahala, Mr. Do. Salamat sa pag-aalaga kay Jimin." sabi ko tas kinuha ko na yung tray na dala-dala niya.

"Sige po. Alis na po ako." sagot niya at umalis na.

Nilapitan ko na si Jimin na hanggang ngayon ay titig na titig pa rin sa 'kin. Bigla namang bumilis yung tibok ng puso ko. Damn.

"Jimin, ba't ayaw mong kumain? Pinag-aalala mo na naman ako." sambit ko at ngumuso.

"A-ako... h-hanap k-ka... M-miss ki-kita..." pautal-utal niya sabi. Naramdaman kong namumula ako ngayon. Shet. Tigilan mo na ko pag-ibig.

Nginitian ko naman siya at niyakap. "Wag ka ng mag-aalala. Andito lang naman ako palagi. 'Di kita iiwan, okay? Mawawala lang ako ngayong araw kasi day off ko. Babalik din naman ako bukas."

"Kumain ka na please?"

Tumango naman ito. Sinubuan ko na siya.

Habang sinusubuan ko siya, pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko. Sa tuwing nasasaksihan ko mga galaw niya, parang may parte sa akin na inaadore yung mga ginagawa niya like he's just so adorable. I felt like I want to hug him so tight and tell him how cute he is. I felt like I want to admire his physical features, his attitudes, and who and what he really is. In my eyes, he's everything.

Am I really in love with this crazy guy?

But I don't know what love really is. Am I in love?

What is LOVE?

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon