Chapter Six

10.6K 298 43
                                    

Jhoana



She pretended na hindi nya ako kilala. Ang sakit. Yan kasi, ang tanga tanga mo. Buti nga sayo. Kulang pa yang lahat ng nararamdaman mo ngayon sa sakit na dinulot mo sa kanya noon. Sasabog na ata itong puso ko. I feel like hindi na ko makahinga. I had to excuse myself to go to the rest room para lang makawala sa lugar na yon.


*A flashback to what happened earlier*


"Guys, this is Bea. My business partner." My stomach's churning. I just can't believe this. Bea, in the flesh.


"Hi Marci! Hi Jho! It's nice to meet you!" What the fuck? Seriously? So this is your game now, Bea? To pretend not to know me? It's either nagka-amnesia sya at hindi nya talaga ko maalala o pwede na syang best actress dahil sobrang galing nya umarte. Tangina.


Feeling ko dinudurog yung puso ko sa pangalawang pagkakataon. Grabe, wala na bang idudurog pa 'to? I felt the tears running down my face. I just can't hold them any longer. Buti na lang umabot ako dito sa rest room bago sila kumawala.


"Ang tanga tanga mo kasi, Jho. Kung hindi mo sana kasi sya iniwan noon. Oh ano, iiyak iyak ka ngayon jan. Anong karapatan mong umiyak ha?" Siguro kung may nakakarinig sakin ngayon, iisipin nila nababaliw na ko. I suddenly remembered what Maddie said earlier na engaged na sya. And she just called Bea "babe". Fuck. Mas lalo lang akong naiyak sa naisip ko. Engaged na sila. Huling huli ka na, Jho. Parang nawalan na ko ng lakas na bumalik sa kanila. Pakiramdam ko din hindi na ko makakapag-present ng maayos. Baka mailaglag ko lang to at magalit pa sakin ang boss ko. Masasayang lang ang pinaghirapan namin ni Marci. Pero kailangan kong bumalik. Hindi pwedeng isipin nyang affected ako. Bakit, sya lang ba dapat ang maging masaya? Pero ang saya nya nga. Parang walang bahid ng sakit na binigay ko sa kanya noon. Hinawakan ko ulit yung kwintas na natatago ng damit ko. Buti na lang hindi to kita. Ayaw kong makita nyang suot suot ko parin to kaya tinanggal ko muna at tinago sa bag ko.


Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Maddie sa loob ng rest room. Shit. May mas isasama pa ba tong araw na to? I immediately wiped my tears away kahit na I think its already too late for that dahil nakita naman na nya ako.


"Are you alright, Jho? Marci's worried so I volunteered na puntahan ka dito." She asked. Crap. Ni hindi ko makuhang magalit sa kanya kahit sya na yung mahal ni Bea dahil ang bait nya. Ano namang laban ko dito?


"Uhm, yeah I'm fine." I answered her then smiled.


"Are you sure? Eh bakit ka umiiyak?" I felt her sincerity at concerned talaga sya sa kung anumang nangyayari sakin.


"Ah..ano kasi, yung friend ko tumawag. Engaged na daw sya. So ayun, I'm just happy for her kaya eto naiyak ako." What the fuck, Jho? Tanga lang maniniwala sayo nyan.


Hindi ko alam kung naniwala sakin si Maddie but she just laughed and answered, "Congratulations sa friend mo. So tara, labas na tayo?"

GravityWhere stories live. Discover now