Chapter Fifteen

9.8K 224 20
                                    

Jhoana



I am so nervous right now. Paano ba naman kasi, ipapakilala daw ako ni Bea sa parents nya. Uuwi daw kasi para sa nalalapit na kasal ni Maddie. Hindi ko na alam yung gagawin ko. What if they don't like me? For sure alam nila kung ano yung nagawa ko noon. Alam nilang nasaktan ko si Bea. Paano kung dahil doon ay hindi na nila ako gusto para sa anak nila?


"Huy, Jho. Kanina ka pa nakatitig jan sa laptop mo. Hindi mo naman ginagalaw yung FS na naka-open jan ngayon. Yung totoo? Hindi yan matatapos nang tititigan mo lang." Binato ko lang si Marci ng paper clip at tumingin pabalik sa laptop ko. "Yung totoo, Jho, ano ba kasing iniisip mo kanina pa?" Napabuntong hininga ako at pumangalumbaba paharap sa kanya.


"Kinakabahan ako, Marci." Pagkatapos ay sinampal sampal ko ng marahan ang aking mukha at huminga ng malalim sa pagbabakasakaling makatulong iyon para gumaan ang loob ko. Ang kaso lang, mukhang di effective.


"My goodness, huwag mo sabihing mas umiksi ang taning sa buhay mo ng mga doctor?" Tumingin ako kay Marci at inirapan sya. Sa loob ng 3 buwan simula nung nalaman kong may sakit ako ay naging subject of jokes narin namin ang tungkol dito. Hindi naman ako naooffend. Ako na rin naman ang nagsimulang mag-joke tungkol dun. For me, it has been my way of saying sa cancer na ito na 'Cancer ka lang. Jho Maraguinot to. Tatawanan lang kita.'


"Gago. Hindi yun." Binato ko lang sya ulit ng paper clip. Tumingin ako sa kanya at nakita kong naghihintay syang iexplain ko kung bakit ako kinakabahan. "Uuwi ngayon yung parents ni Bea." Tiningnan ko ang reaksyon nya pero nakatingin lang sya sa akin ng walang emosyon.


"O eh ano ngayon? Anong nakakakaba doon?" Ang sarap ibato ng stapler na nasa desk ko ngayon kay Marci.


"Duh? Uuwi yung parents nya? Ibig sabihin makikilala na nila ako, yung nang wasak sa puso ng anak nila noon? Paano kung galit pala sila sa akin?" Inirapan ko ulit sya sinubukang magconcentrate ulit sa trabaho. Ang sakit na ng mata ko kakairap ah. Narinig ko naman ang pagtawa nya.


"You've been thinking too much, Jho, really. Effect ba yan ng tumor?" Tinitigan ko naman sya ng masama ngunit tinawanan nya lang ulit ako. "Seriously, though. You need to stop overthinking about things. Hindi naman porket nagkaroon na kayo ng issue ni Bea noon eh aayawan ka na ng parents nya. Tignan mo nga si Mommy, love na love ka parin kahit na binasted mo ko noon." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Matagal na kasi naming hindi napag-uusapan ang tungkol sa panliligaw nya sa akin noon. Pero tumawa lang sya ulit ang nag peace sign. Napabuntong hininga naman ako sa kanya.


"Magkaiba naman kasi yun, Marci, eh. Yung sayo, may warning naman simula pa lang na may iba na kong mahal diba? Yung kay Bea, basta na lang ako umalis at sinaktan sya. Kahit ako yung magulang, magagalit ako sa gagawa nun sa anak ko eh." Naramdaman ko naman na ako na ang binato ng paper clip ni Marci.


"Alam mo, ang nega mo. Kung narinig yan ni Bea, for sure maooffend yun kasi na-judge mo na yung parents nya. Hindi mo pa nga nami-meet eh." Napatigil naman ako sa sinabi ni Marci. "You know I'm right." Naguilty tuloy ako sa mga naisip ko. Totoo nga na mali na parang pinangunahan ko na kung ano man ang maiisip ng parents ni Bea sa akin samantalang di ko pa naman sila nakikilala. Nakakainis, bakit kasi ang negative ko palagi mag-isip?

GravityWhere stories live. Discover now