Chapter Twenty

8.5K 253 74
                                    

Jhoana



Three months. Hindi pa man din ako namamatay ay pakiramdam ko ay araw araw na akong pinapatay simula nung gabing ipagtulakan ko si Bea palayo sa akin. Akala ko mas mahihirapan pa akong kalabanin ang sakit ko. But I was wrong. Mas mahirap palang kalabanin tong puso ko. Araw araw kong pilit na pinipigilan ang sarili ko na puntahan si Bea at sabihin sa kanya ang lahat ng tungkol sa sakit ko. Kasi ganun naman dapat diba? Kung nalaman mo nang mamamatay ka anytime ay dapat wala kang oras na dapat na pinapalagpas para makasama ang taong mahal mo. Pero bakit kabaligtaran yung ginagawa ko?


Minsan hindi ko na rin alam kung dahil parin ba sa sakit ko kaya sumasakit ang ulo ko o dahil na sa kakaisip kung tama ba ang ginawa kong pag iwan kay Bea. Pakiramdam ko ay nagrereflect na rin sa itsura ko yung pinagdaraanan ko ngayon. Hindi nga lang din ako sure kung dahil parin ba sa brain tumor to o dahil sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko.


Three months and all I did was bury myself in work. Ewan ko na din. Siguro binuburo ko na din yung sarili ko sa stress sa trabaho sa pagbabakasakaling kapag ganun ang ginawa ko ay mapapadali na ang pagkamatay ko. At least kapag namatay na ako, hindi ko na mararamdaman ang sakit na dulot ng ginawa kong pag-iwan kay Bea. Minsan hinihiling ko na sana ay magka-amnesia na lang ako para hindi ko na matandaan kung paano nagmakaawa sakin si Bea noon at kung paano ko rin sya tinalikuran. Kasi hindi ko na alam hanggang kailan ko kakayanin yung sakit. Pagod na pagod na akong magpanggap na okay ako sa harap ng ibang tao, sa opisina, sa pamilya ko, pero kapag ako na lang mag-isa ay tsaka ako iiyak.


Ang tagal ko na syang hindi nakikita. Kamusta na kaya sya?


Today was another visit to the hospital. Hindi ko na kasi kinakaya yung pagsakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay kulang na ang mga gamot na iniinom ko dahil mukhang wala nang epekto ang mga ito tulad noon.


"Jho, you have to fight, too. Minsan, kaya hindi umeepekto ang gamot kasi yung tao na mismo ang sumusuko. You used to be so strong. What happened? Pumayag akong hindi ka mag-chemotheraphy dahil I know your willingness to live longer would be enough. Pero bakit parang unti unti ka nang sumusuko?" Ang tanging naisagot ko lang kay Dr. Valdez ay isang malungkot na ngiti. Hindi ko kasi masabi sa kanya kung bakit. Hindi ko masabi na binitawan ko na ang nag-iisang dahilan kung bakit gusto kong mabuhay ng matagal.


Pagkatapos ng check up ko ay dinala ako ni Marci sa isang mall para naman daw kahit papaano ay sumigla naman daw ako. Gusto ko sanang tumanggi. Kaso ay nahihiya ako kay Marci dahil ang dami nan yang pabor na naibigay sa akin kaya pumayag na rin ako. Wala din naman kaming ginawa kundi ang kumain lang. Pauwi na sana kami nung naalala ko na hindi pa namin nabibili ang mga gamot na bagong reseta sa akin. Medyo malayo yung drugstore kaya nag volunteer na si Marci na sya na lang ang bibili at babalikan na lang daw nya ako kaya habang hinihintay sya ay pumasok muna ako sa isang jewelry shop para aliwin ang sarili ko. Sa aking pagtitingin tingin ay may nakita akong isang pamilyar na bagay. Yung kwintas na kahawig ng ibinigay sa akin ni Bea na hanggang ngayon ay suot ko parin. I can't help but think kung nasaan na kaya ang ka-pares nito. Suot parin kaya ni Bea? Iniiwas ko ang mata ko sa mga iyon para na rin kahit papaano ay mawala sa isip ko si Bea kahit saglit lang kaya nagpatuloy ako sa paglalakad lakad at pagtingin sa iba't ibang uri ng mga alahas. Masyado akong naka-focus sa pagtingin nga mga alahas ng may naramdaman akong bumunggo sa akin, dahilan para mailaglag ko ang mga gamit na dala ko. Kinuha nung nakabunggo sa akin ang mga ito at iniabot sa akin.

GravityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant