Chapter Twenty-Four

10.7K 295 78
                                    


Jhoana




Many weeks have passed at unti-unti ko nang nararamdaman ang panghihina ng katawan ko. I am not sure if Bea have noticed it pero as much as possible ay hindi ko ito ipinapakita sa kanya. She already decided to live with me para daw may kasama ako sa apartment. I was against it but knowing Bea, she won't stop at nothing. It was hard hiding the pain caused by the cancer to her. Kapag sumusumpong ang sakit ng ulo ko when she's around, I would usually go to the comfort room and there, I would silently scream. Halos iuntog ko na ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang sakit. Minsan din naiisip ko na mas mabuti pang mamatay na ako dahil halos hindi ko na makayanan ang sakit pero kapag naiisip ko si Bea at ang katotohanang hindi pa sya handa na mawala ako ay pinipilit kong lumaban at tinitiis ang sakit kahit halos ikamatay ko na. Kakayanin ko para sa kanya. Kailangan kong maging malakas para sa kanya.


Just like what Bea wanted, ipinagpatuloy namin ang pagkumpleto sa bucket list. Kaya naman kapag weekend at walang pasok si Bea ay doon namin ginagawa ang mga ito. The items are just simple. Just last week, we joined a color run. Noong una ayaw pa nga ni Bea dahil baka makasama sa akin. But I really wanted to join kaya naman ang tagal namin natapos dahil we would stop every now and then. We ran while holding hands. Siguro nagtataka na yung mga nakakita samin kung bakit pa kami sumali doon kung ganun lang ang gagawin namin.


We also baked cupcakes na napaka-fail dahil nasunog namin. Nakalimutan naming hanguin sa oven dahil we uhm...got busy with other things while waiting. If you know what I mean. We also read a book together. We picked a book in the bookstore without checking out the synopsis first. Para may thrill. It's "Me Before You" by Jojo Moyes. So we literally had no idea what the book is all about nung sinimulan namin basahin. Nung nakakarami na kami ng pages, tsaka lang namin narealize kung anong klaseng novel sya. Bea wanted to throw it away at wag na lang namin tapusin. But I loved the book so much kaya pinilit ko syang tapusin namin. After we finished the book, our both eyes were already puffy because of crying. She made me promise not to do what Will did.


We also did a lot of other thing like getting matching tattoos na halos ikahimatay ko dahil ang sakit pala talaga. Bea got worried pero I really wanted to have one noon pa kaya tiniis ko na lang din. Yung halos parang binibiyak na sakit ng ulo nga eh nakakaya ko, ito pa kaya. We had them placed on our ankles. Mine is "To Infinity" at kay Bea naman ay "And Beyond". We also went ice skating and we really enjoyed it. Bea fell a lot of times kaya naman ang sakit ng katawan nya pagkatapos. We also carved our names on the tree sa Tagaytay kung saan nya ako tinanggap ulit. We rode a bike and toured around the village, went to a concert, watched fireworks, rode a Ferris Wheel, went on a star gazing, had a movie marathon of Harry Potter. We even wore matching outfits during a date. Ang simple lang ng mga bagay na to pero masaya ako kasi nagawa ko sya with Bea.


So today is an extra special day dahil we will get to cross out another item in our bucket list which is one of my favorites. We are going to adopt a dog! One of Bea's clients has a dog that recently gave birth and he decided to give Bea one of the pups. We don't know yet kung anong breed nung dog but nevertheless, excited parin kami dahil may bago kaming makakasama sa apartment. When we arrived at the place kung saan namin imi-meet yung client ni Bea para ibigay sa amin yung aso ay hindi ko na maitago ang excitement ko. Bea is so amused of my reaction kaya naman tuwang tuwa din sya. Habang nag hihintay kami ay iniisip na namin kung ano ang ipapangalan namin. We both agreed to name it George. It will be a nice name for a girl or a boy pup. Hindi pa din kasi namin alam kung anong gender nung ibibigay sa amin. After minutes of waiting ay dumating na ang hinhintay namin. Naagaw kaagad ang atensyon ko nang tutang dala ng client ni Bea. It is a Corgi! And it's the most lovable thing I've ever seen. It was love at first sight. Iniabot ito sa akin ni Bea at agad ko naman itong niyakap at nilaro habang si Bea ay nagpapasalamat sa client nya.

GravityWhere stories live. Discover now