Chapter Fourteen

11.1K 265 82
                                    

Beatriz



Jho made a list of the things she says she wants to do with me. She even called them the 'JhoBea: Together Lets... Bucketlist'. It's funny that she came up with the term 'JhoBea'. Sabi nya combination daw ng mga names namin. Well, it is very obvious. I just can't believe she would come up with that idea.


The things is I don't like the idea of bucket-lists. For me kasi, ang bucket-list is like a list of things you wanna do before you die and people make it when they know they're going to die soon. I know ang morbid ng idea ko about bucket-lists. Jho laughed it off when I told her that. She told me na hindi naman porket gumawa ang isang tao ng bucket-list ay mamatay na to. Some people do it to make their life more memorable. In our case daw, to make our relationship really a memorable one. I shouldn't think that just because a bucket-list was created, one has to die soon daw. Ang sabi ko naman sa kanya, it's not like we will have any other relationships but with each other lang naman talaga so why bother? But still I obliged and tried to change my perception about those lists.


She came up with 24 things to do and we need to do one item a month. Mathematically speaking, we will be able to finish the list in 2 years. Kung ako ang tatanungin ay masyadong konti ang 24 things na iyon. Definitely we have more than 2 years to be together. I don't want to think na maghihiwalay pa kami ever unless mamatay siguro ang isa sa amin. Pero ang sabi nya sa akin ay kumpletuhin muna daw namin yung 24 na yun at tsaka na lang dagdagan ulit kapag tapos na.


Nagawa na namin yung una at yun ay ang pumunta sa isang museum. We went to Pinto Art Museum in Antipolo. Jho really wanted to take Fine Arts pero hindi pumayag yung Mom nya dahil wala daw pera sa ganun. Kaya napilitan sya na mag-Accountancy na lang. In the long run ay nagustuhan naman na din daw nya ang course na yun but still, may malaki paring puwang sa puso nya ang pagpipinta.


It is such a joy watching Jho admire the paintings. Merong nakikita ang mga mata nya na di nakikita ng iba kapag tumingin na sya sa isang painting. Kahit ako na walang interes sa mga iyon ay naaamaze kapag nagsimula na syang ipaliwanag sakin kung anong dinedepict ng bawat painting na nakita namin at kung ano ang possible mood nung painter nung ginawa nya yung painting nya. Somehow, naramdaman ko rin kung anong saya yung nararamdaman nya when surrounded by these things.


She wanted to take a souvenir picture of every item in the bucketlist na magagawa namin kaya nagpicture kami kasama ang mga paintings at iba pang artworks doon.


"Oh ayan, one item off our bucket-list na!" Excited nyang sinabi.


"You know we could do some of the things listed in it on the same day, right?", tanong ko sa kanya. It is true naman talaga. Yung iba kasi dun sa bucketlist ay mga simpleng item lang naman at pwede magawa sa loob ng isang araw ng sabay sabay.


"Ah basta. Dapat one bucket-list item a month. Para every month my memories." Sagot nya habang tinitignan ang picture naming dalawa.


"We can always make memories everyday. Kahit walang bucket-list." Hindi ko talaga makuha ang sense ng bucket-list na ito. Tumingin sya sakin at inirapan na ako. Naiinis na ito for sure.

GravityWhere stories live. Discover now