Chapter Eighteen

10.1K 235 87
                                    

Jhoana



Parang ayaw ko na matapos ang araw na ito. Kasi alam ko, kapag bumaba na ako dito sa kotse ni Bea, magbabago na ang lahat. Thirty minutes has passed simula nung dumating kami dito sa tapat ng apartment ko pero hindi ako bumababa. If only I could stay in here forever, kasama si Bea.


"Uhm, Love, if you want we can go inside your apartment naman eh. I can stay for the night if you want. Alam ko namang ma-mimiss mo ako kaagad." I just laughed at pinalo ang braso nya kahit na nararamdaman kong anytime soon ay papatak na ang mga luha ko. Kung pwede lang, Bea. Kung pwede lang. Kaya lang ay ayaw ko na syang papasukin dahil baka magbago pa ang isip ko. Baka hindi ko na kayanin na pakawalan sya. It would be a selfish thing to do. Alam ko na masasaktan sya sa gagawin kong to pero mas masasaktan lang sya kapag hindi ko pa sya pinakawalan ngayon. If I continue to act like nothing is wrong with me at hintayin lang na dumating yung time na mamamatay na ako, baka totohanin nya yung sinasabi nyang susundan nya ako. I can't let her do that.


"No, alam ko naman maaga ka pa bukas at pagod ka din. Just...give me fifteen more minutes, okay?" Pagkatapos ay tsaka ko sya niyakap nang sobrang higpit. Pumikit ako at sinulit ang mga sandali na yakap ko sya. For I know this will be the last. Naramdaman ko na niyakap nya din ako ng mahigpit. Pwede bang ganito na lang kami habang buhay?


"My love is being extra sweet and clingy tonight, huh? Is this my reward for being so good at you know..." Napatawa ako ng malakas sa sinabi nya sabay tapik sa kanyang likod.


"Baliw! Gusto lang kitang yakapin, masama ba?" Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya at unti unti nang nag-uunahan ang mga luha ko sa pagpatak. God, why does it have to be this hard? Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya at hinarap sya. Tinitigan ko syang mabuti at isinaulo ang bawat katangian ng mukha nya. Nakatitig lang din sya sa akin at nakangiti. Kitang kita ko kung gaano sya kasaya. Little did she know that I'm about to do something so bad. Pero ayokong isipin yun sa ngayon. I kissed her forehead, her nose, and then her lips. I gave her a soft kiss, letting her know na sya lang ang mahal ko at tanging mamahalin ko. Tumitigil ako sa paghalik sa kanya at pinagdikit ang aming mga noo. "Mahal na mahal kita, Bea. Ikaw lang ang mamahalin ko at wala nang iba. Yun ang palagi mong tatandaan. Kahit ano pang makita at marinig mo sa mga susunod na araw, ang paniwalaan mo lang ay ang mga sinabi ko sayo ngayon. Okay?" Nakita ko na tila naguguluhan na si Bea sa mga pinagsasasabi ko. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.


"Love naman eh, you're scaring me. May problema ba?" Hindi ko na kayang titigan sya kaya yumakap na lang ako sa kanya habang hirap na hirap akong pigilan ang pag-iyak. Natatakot ako na anumang sandali ay masabi ko na sa kanya ang totoo. Pero hindi maari iyon.


"Wala, Love. Alam mo naman na may pagka-weird talaga ako diba?" Pagkatapos ay tumawa na lang ako para maitago ang sakit na nararamdaman ko. Kung meron man akong natutunan simula nung malaman ko na may sakit ako, yun ay ang magkunwaring okay sa harap ni Bea. Unti unti ay bumitaw ako sa kanya. "O, wag ka na bumaba ah. Umuwi ka na. Maaga ka pa bukas." Binuksan ko ang pintuan nang sasakyan nya ngunit bago bumababa ay tiningnan ko sya at tsaka binigyan nang isang mabilis na halik. "Goodbye, my Love." Pagkatapos ay bumaba na ako. Hindi muna ako pumasok sa loob para hintayin na makaalis sya. "Oh, drive na Love. Hindi ako papasok hangga't di ka umaalis. Sige ka." Tumawa lang sya at pagkatapos ay binuhay na ang makina ng kanyang sasakyan. Bago sya umalis ay narinig kong tinawag nya ako.

GravityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora