Chapter Twenty-Five

10.1K 280 83
                                    

Jhoana



I got out of the hospital after two days. I am glad na bumuti na ang pakiramdam ko. I haven't had any attacks since then. I don't know what changed. Siguro dahil na rin sa kadahilanang my will to live is greater now. Kasi ayaw ko na ulit makita si Bea ng ganoon. Yung hirap na hirap, takot na takot. One week nang naka-leave si Bea sa trabaho. She wanted to make sure na okay lang ako. I'm always telling her naman na I'm fine and that is the truth. Siguro it helped din na we already have George now. Ang cute cute niya kaya naman super naaaliw ako sa kanya. Minsan nga, Bea would joke na she's getting jealous of him. Si George na lang daw palagi ang pinapansin ko. But she knows it's hard to ignore a cute puppy like George. She can't get enough of him too kaya.

We are on the last item on our bucket list now and that would be to surprise each other. Honestly, I am finding it hard to think of ways I could surprise her. Ilang araw ko nang iniisip kung ano ang pupwede kong gawin. I know she's preparing for this so well. Minsan kasi ay may mga lakad syang hindi ko alam. Palagi din syang nasa phone at may kausap na hindi ko alam kung sino. Kapag nahuhuli ko syang may kausap ay agad nyang papatayin ito at ngingitian lang ako at sasabihing muntikan ko na naman daw mahuli ang surprise nya sa akin. Buti na lang at aware ako na may surprise sya dahil kung hindi ay iisipin ko na she's cheating on me. Ganoon kasi ang galawan ng mga nagloloko diba? But I know she's not that kind of person and she wouldn't do that. I'm so at loss with what I am going to do for my surprise dahil wala pa nga akong naiisip. Wala naman specific time kung kailan dapat gawin. Hindi rin naman kailangan na sabay kami.

Bea got out of the house today. Ang sabi nya ay kailangan daw kasi sya ngayon sa opisina. Maybe it's a good thing na rin na umalis sya ngayon para mapag-isipan ko na din kung anong surprise ang gagawin ko for her. Pero hindi parin gumana ang utak ko, maybe effect na din tumor. Chos. Kaya naman I ended up watching a Korean series entitled "Operation Proposal" na lang. It's a story about a guy who fell in love with his best friend but haven't got the chance to tell her how he really feels hanggang sa ikasal na ang best friend nya sa iba. But he was given a miracle – that is to go back in time and change everything. Iniisip ko nga eh, kung ako kaya ang nabigyan ng chance para bumalik sa nakaraan, ano ang babaguhin ko? Siguro ay yung pag-iwan ko kay Bea noon. Para masulit namin ang mga oras na magkasama kami. Kasi hindi ko rin naman mababago iyong pagkakaroon ko ng cancer eh. I was already at the second to the last episode of the series when I got the idea of what I will do as surprise for Bea. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko para hanapin ang bagay na iyon and when I found it, I am all smiles. Then I started preparing for my surprise.

~~

The next week, Bea handed me an envelope while we are eating breakfast. I opened it at napanganga ako noong nakita kung ano ang laman nito. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong nakangiti sya.

"We are going home, Love." Agad ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi. I am so happy. Ito na ba ang surprise nya sa akin?

"Oh my God, how did you know that I wanted to go back?" She bought us tickets papuntang Boracay. Where it all started.

"I just know. Because I love you." Pagkasabi nya noon ay agad nya akong ginawaran ng mabilis na halik sa labi. Niyakap ko ulit sya ng mahigpit at ibinaon ang aking mukha sa balikat nya.

"Thank you! Thank you so much for this, Love. You don't know how happy I am." The truth is I really wanted to go back there. Naging saksi ang lugar na iyon sa kung paano nabuo ang pagmamahalan namin ni Bea. It would be really nice to go back bago ko man lang lisanin ang mundong ito. Naramdaman ko ang pagyakap ni Bea sa akin at ang paghagod ng kamay nya sa likod ko.

GravityOn viuen les histories. Descobreix ara