Chapter Twenty-Seven (LAST)

14.3K 360 288
                                    

[A/N: yes, this is the last chapter but there will still be an Epilogue :) and please do not scroll down sa ending ng chapter na to kasi andun na yung sagot sa nag-iisang tanong nyo eh. Hahaha. Thanks for reading!]



Jhoana



Hindi ako makapaniwala na andito ako ngayon at ikinakasal kay Bea. Parang dati lang any naiinggit pa ako kay Maddie noong ikasal sya kay Cole. Buong akala ko kasi ay wala nang pagkakataon para kami naman ang ikasal ni Bea. Pero heto kami ngayon, ikinakasal na. Isinakatuparan ni Bea ang lahat ng ito. Noong sabihin sa akin nila Maddie at EJ na ikakasal ako ngayon ay hindi kaagad ito naproseso ng utak ko. I mean, hindi naman nag-propose sa akin si Bea. Paano mangyayaring ikakasal na ako? Saka lang ako naniwala noong dinala na nila ako sa lugar kung saan ito mangyayari, sa lugar kung saan una kaming nagkakilala. Hindi ko na napigilang umiyak ng marealize ko na totoo nga, totoo ngang ikakasal ako, kami ni Bea.


Nang makita ko si Mama ay gulat na gulat ako. Andito sya. Ibig sabihin alam na nya. At hindi na sya galit sa akin. Mas lalo lang akong napaiyak nang ngitian nya ako at yakapin. Isa lang ang taong naiisip kong dahilan kung bakit andito ngayon si Mama. Walang iba kung hindi si Bea. Hindi ko akalaing maglalakas loob syang magpapakilala kay Mama. Mas lalong hindi ako makapaniwala na napapunta nya si Mama dito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung sinabi na din kaya sa kanya ni Bea ang tungkol sa sakit ko. Pero agad kong iwinaglit sa utak ko ang kaisipang iyon. Dapat ay maging masaya lang ako ngayon. Yung mahal ko, ayun at hinihintay na ako. Nagsimula kaming maglakad ni Mama habang pumapailanlang ang isa sa mga paborito kong kanta. Tumingin ako kay Bea at nakita kong nakatitig lang sya sa akin. Ngumiti ako sa kanya kahit na naiiyak parin ako at kumaway. Doon ko na nakitang nagpahid sya ng mga luha nya. My love is crying. Hindi ko na din napigilang matawa sa naging reaksyon nya. Siguro ay kanina pa sya kinakabahan na hindi ako papayag na magpakasal sa kanya.


I could make you happy, make your dreams come true.

Nothing that I wouldn't do.

Go to the ends of the Earth for you,

To make you feel my love


Habang naglalakad at papalapit kay Bea ay narinig ko ang kantang tugmang tugma sa kung ano ang palaging ginagawa ni Bea para sa akin, para mapasaya lang ako. Halos lahat ay handa syang gawin para lang masigurado na masaya ako, para lang maparamdam nya na mahal nya ako. Hindi ko na nga mabilang kung gaano kadaming beses nya ginawa iyon. Sometimes, I feel bad dahil pakiramdam ko ay wala akong nagagawa para lang maparamdam ko na mahal ko sya. Pero heto parin sya, minamahal parin ako kahit na ang dami kong pagkukulang sa kanya.


Nang makalapit kami kay Bea at sa magulang nya ay nakita kong umiiyak parin sya pero ngayon ay hindi na maalis ang ngiti nya. Niyakap nya si Mama habang ako naman ay yumakap sa mga magulang nya. May ibinulong pa si Mama na hindi ko na narinig at nakita ko na lang na tinanguan sya ni Bea. Pagkatapos ay tumingin sya sa akin at kinuha ang kamay ko. Mabilis nya itong hinalikan.


"Akala ko ay hindi ka na dadating, Love, eh." Tumawa ako at hinawakan nang mahigpit ang kamay nya bago ako sumagot.


"I would never miss the chance of being married to you, Bea. That is the last thing I would do. That's because I love you."

GravityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt