Chapter Ten

11K 311 39
                                    

Jhoana



I don't want to see her throw it, if ever wala na syang balak patawarin ako, kaya umalis ako kagad doon at bumalik sa beach house. I'm praying to God na sana kahit papaano ay may natitira pang puwang sa puso ni Bea para sa akin, na mahal parin nya ako para mapatawad nya ako. I know it is too much to ask after what I did, pero gaya nga ng laging sinasabi sakin ng Lola ko noon, wala namang hindi nadadaan sa dasal, hindi ba? Sana katulad ng dati, kung gaano kabilis nya akong minahal, sana ganun din kabilis nya akong mapatawad.


The rest of the night were spent on dinner and drinks. Sinuggest ni Maddie na bukas na lang mag swimming dahil gabi narin naman na. Nagtulungan si Maddie at Marci sa pagluluto ng hapunan namin. Mukha ngang nagkakasundo sila eh habang kaming dalawa naman ni Bea, hindi ko na alam. Hindi ko pa ulit sya nakausap simula kaninang dumating kami. Ewan ko ba kung macoconsider kong pag-uusap yun dahil ako lang naman ang nagsalita habang nakatingin lang sya sa akin. Habang kumakain kami ay ilang beses ko syang nahuhuling nakatingin sakin. Kapag naman nahuhuli ko syang nakatingin ay bigla na lang syang mag-iiwas ng tingin. My heart is a little happy because of this. Ang konting atensyon mula kay Bea na nakukuha ko sa mga panahong ito ay sapat na para sa akin. At least nakakaya nya parin akong tingnan. I'm just wondering what she's thinking.


After naming maghapunan ay nagyaya sila Maddie na mag-stay sa terrace dahil dun mahangin at magandang lugar para mag-inuman. I didn't know that Maddie is a heavy drinker. Halos masabayan na nya si Marci sa daming bote ng beer na naiinom nya. Si Bea naman, kahit halata na kayang kaya nyang uminom ng madami, ay nakontento na sa pakonti-konting inom. Ayoko rin namang uminom ng marami ngayon dahil gusto kong gumising ng maaga kinabukasan para manood ng sunrise. Halos si Maddie at Marci lang ang nag-uusap habang kaming dalawa ni Bea ay nakikinig lang. Hanggang sa nakaramdam na sila ng antok at nagyaya ng matulog. May apat na kwarto dito sa beach house kaya nag-decide kami na kanya kanyang kwarto na lang kami. Bea protested at nagrequest na kung pwede ay magsama na lang sila ni Maddie sa isang kwarto pero ayaw ni Maddie dahil mas gusto daw nyang solo ang kwarto. Kung hindi ko lang alam na engaged na sa iba tong si Maddie ay magseselos talaga ko. Dati kasi, palaging nirerequest ni Bea na samahan ko sya matulog sa kwarto nya. Tuluyan ng natapos ang gabi ng hindi na kami ulit nag-usap ni Bea. Well, Jho, tomorrow is another day.


***


I woke up early the next day para maabutan ko ang pagsikat ng araw. Madilim pa nung lumabas ako at pumunta sa may dalampasigan. I remembered that we used to do this, kami ni Bea, back in Boracay. Dalawa kaming nag-aabang dito habang naka-back hug sya sa akin at habang pataas ng pataas ang sikat ng araw, sasabihin nya sakin na nagpapasalamat sya dahil binigyan ulit sya ng isa pang araw para mahalin ako. Hindi ko napigilan ang pagtakas ng mga luha ko dahil sa mga naalala ko. Noon, mahal nya pa ako. Eh ngayon kaya?


Unti unti kong naramdaman ang lamig. Ang nipis pa naman ng suot kong dress at hindi ako nakapagdala ng jacket manlang. Inisip kong bumalik sa loob para kumuha ng kahit anong pwedeng panglaban sa lamig pero mas minabuti kong huwag na lang dahil ayokong malampasan ang sikat ng araw. Kahit na madilim pa ay ayokong magbakasakali. Baka mamaya ay hindi ko mamalayan na may araw na pala. Tiniis ko ang lamig na nararamdaman at naupo na lang sa buhangin at niyakap ang mga tuhod ko. Kung kasama ko si Bea ngayon at maayos pa kami, hindi sana ako giginawin dahil alam kong yayakapin nya ako.

GravityWhere stories live. Discover now