Chapter Twenty-Six

11.2K 309 123
                                    

Beatriz



I've never wanted anything in this world but to marry Jho. Kahit noon pa man, noong hindi pa kami naghihiwalay ay alam ko nang sya ang gusto kong pakasalan. Kaya naman hindi ko na papalagpasin pa ang chance na ito, habang kasama ko pa sya. I know that Jho wants to go back to Boracay. Where else could be the perfect venue for our wedding kung hindi doon diba? Hindi ko alam kung papayag na magpakasal sa akin si Jho. I am really gambling a lot on this one. Pero bahala na. This is the only way I could show her how much I love her. That's why I sought the help of Maddie, Cole, and EJ. Tinulungan nila ako para ayusin ang lahat.


But there are battles na kailangan kong harapin mag-isa. Isa na doon ang pagharap sa pamilya ni Jhoana. When the doctor told me that it's already time for her family to know her health condition ay inihanda ko na ang sarili ko sa pagharap sa kanila. Jho couldn't do it. So I am taking the responsibility of letting them know. Hindi naman sa pinangungunahan ko si Jho. But given her current condition ay ayokong may masayang na oras hindi lang para sa aming dalawa kung hindi pati na rin sa kanila ng pamilya nya, lalong lalo na sa mama nya.


Una kong kinausap si Lexie, ang pinsan nya. Kung mayroon mang isang tao mula sa pamilya ni Jhoana na nakakaintindi sa relasyon namin ni Jhoana ay si Lexie iyon. Nagulat sya nang minsan ko syang puntahan isang araw sa pinagtatrabahuhan nya. Hindi ko na naipakilala ang sarili ko dahil pagkakita pa lang nya sa akin ay nginitian nya ako at tinawag nya ako sa pangalan ko. Niyaya ko sya na kumain ng lunch. Doon ko na din sinabi ang lahat lahat sa kanya, ang relasyon namin ni Jhoana, ang pagkakaroon nya ng sakit, at ang balak kong pagpapakasal sa kanya. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nya noong sinabi ko ang tungkol sa sakit ni Jho. Hindi namin nagalaw pareho ang pagkain namin. Sinabi ko rin ang balak kong paghingi ng tulong sa kanya na makausap ang mama ni Jho. Pumayag naman sya pero kailangan daw malaman muna ito ng mama nya, ang Tita Marie ni Jho, dahil sya din daw ang makakatulong sa akin para makausap ang mama ni Jho. Kaya naman kinabukasan ay hinarap ko na din ang Tita ni Jho. Nanlalamig ang mga kamay ko habang hinihintay silang dumating ni Lexie sa isang restaurant kung saan namin napagkasunduan na magkita. Pero laking gulat ko nang naging maayos ang pagtanggap sa akin ng Tita ni Jhoana nang dumating sila ni Lexie. Malungkot ang mga mata nya dahil na rin sinabi na sa kanya ni Lexie ang tungkol sa sakit ni Jhoana. Nagpasalamat sya sa akin dahil daw inaaalagan ko si Jho at dahil na rin daw sinabi ko sa kanila ang tungkol dito. Kilala daw nya si Jho at alam nyang hindi nito ipapaalam sa kanila ang tungkol sa sakit nito kaya mabuti na rin daw na ako na ang nagpaalam sa kanila. Sinabi ko sa kanya ang balak kong pakasalan si Jho. Noong una ay hindi ko mabasa kung anong nasa utak nya matapos kong sabihin iyon pero pagkatapos ng ilang sandal ay niyakap nya na ako. Narinig ko rin ang pag-iyak nya habang humihingi ng tawad at nagpapasalamat. Nangako naman syang tutulungan ako para makausap si Tita Lovel, ang mommy ni Jho.


Kaya heto ako ngayon, nasa labas ng bahay nila at pilit na iniipon ang lakas para harapin ang mama nya. Sinamahan ako nila Tita Marie at Lexie pero sinabi ko na sa kanila na akong mag-isa na lang ang kakausap kay Tita Lovel dahil kagaya nga ng palagi kong sinasabi, may mga laban na kailangan mong harapin ng mag-isa. Huminga ako ng malalim bago ko pindutin ang doorbell. Pagkatapos ng ilang sandali ay may nagbukas na babae. Ito marahil ang kasambahay nila. Nagpakilala ako at sinabi ang sadya ko kaya naman pinapasok na nya ako at pinaupo sa terrace. Pagkalipas ng ilang sandali ay lumabas ang isang babaeng may mahabang buhok at kamukhang kamukha ni Jho. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko.


"Magandang umaga po. Ako nga po pala si B-"


GravityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon