Epilogue

19.8K 596 404
                                    

Beatriz



"Hi, Love!"


Nagulat ako sa nakikita ko ngayon. Si Jho, nakangiti sya sa akin at buhay na buhay.


"Ano, na-surprise ka no? Hindi mo ba inexpect na makikita mo ulit akong buhay?" Narinig ko ang pagtawa nya na para bang tinutukso ako dahil sa kung anumang ekpresyon ng mukha ko ngayon.


"Syempre, alangan naman na ikaw lang ang may surprise sa akin. Dapat ako din diba? Haaaaay, na-mimiss mo na ba ako, Love?" And just like that, I found myself crying all over again.


"I miss you so much, Love." Iyon lamang ang tanging naituran ko.


"Oh, huwag ka nang umiyak. Please? Tahan na mahal ko. Magiging maayos din ang lahat." Kilala nya talaga ako. She knew. "Alam mo ba, noong una kitang makita sa Boracay, pansamantala akong nasilaw sa liwanag mo. Natatandaan mo na ba? Nasilaw ako pag lingon ko sayo diba?" Natawa ako habang inaalala ko ang sinabi nya. Naalala ko kung paano kumunot ang noo nya at kung paano sya napikit saglit dahil nasilaw sya sa araw.


"Hindi naman dahil sakin yun, Love, dahil sa araw yun."


"Because you are like the sun. You brightened up my dark world. Noong mga panahon na yon, pakiramdam ko ay nag-iisa na lang ako sa mundo. Nag-away kami ni Mama at pinalayas nya ako. Tapos wala na din si Papa na madalas kong kakampi. I had no one. But then, you came. At lumiwanag na ulit ang lahat sa buhay ko. You know what, I'll tell you a secret. Una pa lang, attracted na ako sayo. Ilang beses ko lang dineny sa sarili ko. Hindi kasi ako makapaniwala na talagang maiinlove ako sayo. You are a girl like me, for goodness sake. How can I fall in love with you, right? Pero ewan ko ba. Talagang wala akong kawala sa kamandag mo, Love, eh." Natawa sya sa sinabi nya at patuloy na nagsalita. "At simula noon, hindi na tumigil ang pagmamahal ko sayo. Maaring dumating ang panahon na naduwag ako, umalis, at iniwan ka. Pero hinding hindi mababago noon ang katotohanang hindi tumigil ang puso ko sa pagmamahal sayo. Sorry nga pala ha? Sorry kung may pagkakataong naduwag ako at nasaktan kita. Pero maraming salamat dahil nanatili kang nariyan para sa akin at patuloy mo akong minahal. Napaka-blessed ko talaga. Ano nga bang nagawa kong mabuti para i-deserve ka? Wala talaga akong maalala. Pero since you are a blessing from God ay sino ba naman ako para tumanggi pa diba?"


"You are a good person, Jho. Ikaw lang ata ang hindi may alam."


"Am I a good person? Totoo? I know you would say that. Ganyan mo ako kamahal eh. Hindi ko nga alam kung anong nakita mo sa akin at hindi ka bumitaw hanggang sa huli. Bakit mo nga ba ako minahal ng sobra-sobra?"


"Because you are Jhoana Louisse Maraguinot-De Leon and you deserve all the love in the world."


"I am just Jhoana, wala namang special sa akin. Nagkaroon lang ng espesyal sa akin nang dumating ka sa buhay ko. Pero since minahal mo na ako at wala naman akong balak magreklamo, tatanggapin ko na lang ng buong buo ang pagmamahal mo."

GravityWhere stories live. Discover now