PROLOGO

3.3K 102 7
                                    

Taong 2130

Tatlumpung taon pagkatapos maganap ang lahat sa mundo.

Sakit

Digmaan

Taggutom

Trahedya

Karahasan

Patayan ng bawat tao

Agawan ng kapangyarihan

Pagbagsak ng Asteriod

Pagbabago ng klima

At....

Pinakamatinding kalamidad na ikinasira ng lahat ng bagay sa mundo, pagkamatay ng maraming tao at higit sa lahat pagkawala ng lahat ng bansa at ilang kontinente sa mundo.

Anong magagawa ni Zyron sa mundong meron siya sa kanyang panahon kung ang lahat ng bagay na mayroon noon ay wala na ngayon na siyang dahilan ng paghihirap ng mga taong tulad niya at ng kanyang angkan. Sila at ang kanyang angkan ay hindi mapalad na mapiling manirahan sa ibang planetang sinasabi noon na kawangis ng mundo. Kung saan doon lahat ng tao na napiling manirahan tatlumpong taon na ang nakalipas.

Habang nakaupo sa isang malapad na bato sa taas ng isang kalbong burol at tila disyertong lupain ay malungkot na tinatanaw ni Zyron ang mga bituin at mga planetang kumikislap sa kalawakan. Sa kanyang paningin ay unti-unti nang nakikita ang kalawakan matapos itong mabalot ng mga usok at alikabok matapos ang pangyayaring maituturing na delubyo sa mundo.

------------------------------------------------------

Hello sa lahat ng readers ng The Glasshour Book 1 and 2, heto po ulit ang pagpapatuloy ng kuwento ng mga manlalakbay ng panahon sa kani- kanilang henerasyon at panahon. Sana po ay subaybayan nyo po ulit. :)

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now