Kabanata Dalawampu

737 38 13
                                    

Hindi pa sumisikat ang araw ay kumatok na si Rafael sa pintuan ng kuwebang kinaroroonan ni remus at camille. Katulad ng nakagawian gising na ang asawa ni rafael at ang dalawang anak na tumutulong sa gawain ng ina at sa paghahanda ng dadalhin ng ama sa paglalakbay nito at pangangaso.

Naghanda ng almusal at babauning pagkain si Rava para sa asawa at kay remus at camille kung saan nasabihan na siya ng asawa na isasama ang dalawa sa gagawing paglalakbay.

Inihanda na ni camille ang sarili para sa haharaping paglalakbay at pagtulong sa mga taong nasa komunidad kasama ang asawa. Matapos ang magkalaman ang tiyan ay naghanda na ang tatlo bitbit ang mga gamit na kakailanganin ni rafael. Natanaw nila na nasa babang bahagi na ng burol ang mga kalalakihang kasama ni Rafael sa paglalakbay. Kaya agad na silang nagpaalam sa mga naiwan.

" Ate camille....sana po marami kayong madalang pagkain dito sa komunidad. Sana may prutas naman. Puro po kasi kami dito, mais,kamote o kaya karne." Si Zyron na tila malungkot dahil nais din niyang makasama ang ama sa pangangaso nito.

" Hayaan mo zyron.....gagalugarin namin ang aming mapupuntahang lugar kung may mga puwedeng makain o kaya sa mga may mga punong namumunga na maaring may mga prutas na maaring kainin."

" Salamat po ate....hihintayin ko po kayo nina papa mamaya sa pagbalik ninyo." Napangiti si camille at remus. Lumapit din si Zyron sa ama at yumakap.

" Papa ingat po kayo."

" Zyron anak...tumulong ka sa mama mo dito ha. Huwag puro laro. Dapat matuto sa mga gawain."

" Opo papa.....pupunta po pala kami mamaya nina kuya sa ilog baka po makatiyempo ulit kami ng isda para sa hapunan mamaya."

" Sige basta mag iingat kayo. Zon huwag pababayaan si bunso."

" Opo pa."

" Umikot ka rin pala sa kapatagan mamaya. Sabihin mo nagpatawag ako ng pulong."

" Sige po pa isasama ko mga kaibigan ko para madali naming masabihan mga tao."

Sa ibabang bahagi ng burol ay mga kabayo ang dala ng kalalakihan. May dalawang tila kalesa naman na hila ng kabayo ang makikita kung saan dito inilalagay ang mga gamit nila at mga nakukuhang mga bagay o pagkain sa paglalakbay. Makikita sa lahat ng kalalakihan ang pana na nakasabit sa likod at sibat na hawak. Ang iba ay may mga itak naman sa tagiliran.

Hindi na nagtanong ang mga kalalakihan dahil kilala na nila ang magasawang natagpuan nila sa gubat. Isang kabayong kulay brown ang ibinigay ni Rafael kay remus.

" Kaya mo bang magpatakbo ng kabayo?"

" Hindi ako sanay pero alam ko din magpatakbo."

Agad sumampa sa likod ng kabayo si Remus at inalalayan ang asawang makasampa. Mabilis namang nakasampa si camille at nag thumbs up pa sa apong si rafael kaya napangiti na itong sumampa sa kulay itim nitong kabayo. Sinipa ng marahan ang tagiliran ng kabayo at ipiniksi ang lubid na hawak.

" Hooooooo!"

At lumakad na ang kabayo kasunod ang magasawa. Umuna naman ang ilang kalalakihan at nasa gitnang bahagi sina rafael at magasawa. Nasa huling bahagi naman ang tila kalesa. Kung susumahin ay umaabot silang mga mahigit dalawampu. May mga kabayong dalawa ang nakasakay at meron din sa kalesa.

Habang papalabas ng komunidad ang grupo ay sumisilip na ang araw. Kumaway sa mga maglalakbay ang mga maiiwang magbabantay sa komunidad. Sa bungad ay naroon ang mga itinuturing na mandirigma ng komunidad. Kung tutuusin ay halos lahat ng kalalakihang nasa wastong edad na ay sinasanasanay ng maging mandirigma o mangangaso.

" Alam mo hon....kita talaga sa panahong ito na walang naging magandang naidulot ang siyensya at teknolohiya. Halos bumalik sa unang paraan ng pamumuhay ang mga tao.  Wala na silang alam halos sa siyensya at sa nakaraan. Ang tanging alam nila ay maka survived sa pangaraw-araw na buhay nila." Si Remus habang kinakausap si camille.

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now