Kabanata Isa

1.6K 50 2
                                    

Mabilis na tumatakbo ang isang batang siyam na taong gulang. Sa kanyang pagtakbo ay di alintana ang mga alikabok at mga bato sa kanyang dinadaanan. Kailangang makarating agad siya sa nais niyang puntahan kapag malapit na ang dapithapon. Hindi niya maipaliwanag sa sarili pero labis ang sayang nararamdaman niya kapag nasisilayan niya sa taas ng isang kalbong burol ang araw na papalubog sa ibabaw ng mga bundok na kanyang natatanaw.

Sa kanyang murang edad ay makikitang tila, sanay siya sa mga takbuhan at lakaran. Ang tanging sapin nya sa paa ay tila makapal na tela na nakatali sa kanyang binti na may isang nakasapin sa ilalim nito ang napakakapal na tila goma na kinorteng sakto sa paa niya na itinali ng isang matibay na panali paikot sa kanyang binti. Suot niya ang kupas na pantalon na may mga butas-butas na at jacket na makapal na tila mas malaki pa sa kanya at pinaglumaan na ng panahon. Sa ulo naman ay nakasaklob ang isang kulay itim na bonnet.

Habang tumatakbo siya ay hindi maitatangging nararamdaman niya ang lamig dahil sa tila usok na lumalabas sa kanyang bibig. Hanggang sa siya ay nakarating sa tuktok ng burol at umupo sa isang malapad na bato. Sumisipol ang hangin sa gawing iyon ng burol ngunit hindi niya alintana. Nakikita niya sa ibaba ang ilang mga tao na kasama nilang naninirahan sa mga natural at ginawang mga yungib at ang iba naman ay nasa tolda sa dahilang iyon na ang nakagisnan sa mahabang panahon. Hanggang sa nagkukulay kahel na ang kalawakan mula sa nilulubugan ng araw. Ilang saglit lang ang kulay kahel naging indigo na at tuluyan nang dumilim at unti-unti ng nakikita sa kalawakan ang mga bituin. May maliliit, malalaki na tila nagpapayabangan sa pagkislap.
Ang mga tanawing iyon ay labis na nagpapamangha pa rin kay zyron sa kabila ng matagal na rin niya itong ginagawa. Hindi niya lubos maisip kung gaano kabuti ang dakilang lumikha ng lahat para may masilayang magandang tanawin ang kanyang mga nilikhang tao. Mga nilikhang tao na sumira din ng kanyang ginawa. Sa alalahaning iyon sa mura niyang edad ay di niya maiwasang malungkot at manghinayang sa lahat. Habang pinagmamasdan ni Zyron ang kalawakan ay humiga siya sa malapad na bato na kanyang inuupuan. Iniunan niya ang dalawang palad. Hanggang sa may narinig siyang tumatawag ng kanyang pangalan.

" Zyron! Zyron anak!"

" Papa!"

" Sabi ko na nga ba andito ka na naman. Hindi ka ba nagsasawang pagmasdan ang kalawakan?!"

Napabuntung hininga si zyron sa sinabi ng ama

" Papa ano kayang nangyari sa mga taong nagpunta sa ibang planeta? Nabuhay kaya sila doon?"

" Hindi ko alam anak. Apatnapung taon na ang nakalipas at wala na kaming naging balita mula noon. Nasira na ang mundo at hindi natin alam kung kelan muling manunumbalik ang dating sigla nito."

Umupo si Rafael para tabihan ang anak at pinagmasdan nilang sabay ang kalawakan.

" Papa siguro ang ganda ng mundo noon?"

" Marahil ay oo anak. Nakikita mo naman sa mga aklat ng lolo mo at sa kanyang mga kuwento."

" Opo, nakakalungkot lang po kasi na tao din ang sumira ng ating mundo. Tuloy sa mga kuweba tayo tumitira, sa mga lugar kung saan tayo abutin ng pagod at mga lugar na puwede nating pagkuhanan ng mga pagkain. Kaso papa ang lungkot talaga ang hirap ng ganitong kalagayan natin. Baka isang araw wala na talaga tayong mapupuntahan at makukuhanan ng pagkain kawawa naman po ang mga kasama natin."

Napangiti si Rafael sa sinabi ng anak dahil sa mura nitong edad at sa sitwasyon na kinalalagyan nila ay nakukuha pa nitong makaramdam ng pagmamalasakit sa kapwa.

" Nakakalungkot talaga anak. Para tayong bumalik sa uri ng pamumuhay ng mga tao noong mga unang panahon daw sabi ng lolo mo."

" Pero huwag kayong mag alala papa, nararamdaman ko na muling babalik sa dati ang ating mundo. Yang mga bundok at kapatagan na yan muling lalago ang mga punot halaman diyan. Sa mga kagubatan ay muling dadami ang mga hayop na gumagala. Sa himpapawid ay muling dadami at magpapaligsahan ang mga ibon sa paglipad. At higit sa lahat muling dadami ang ating puwedeng makain."

Napapangiting ginulo ni Rafael ang buhok ng kanyang bunsong anak.

" Halika na hinahanap na tayo marahil ng mama at mga kapatid mo. Inihahanda na siguro nila ang hapunan natin."

" Sige po papa, ano po ang pagkain natin?"

" Nakahuli kami ng isang malaking baboy ramo doon sa napuntahan naming lugar. Kakaunti na lang ang mga puno doon at halaman naman ay tila hindi na maganda ang tubo. May mga kamoteng kahoy kaming nakita at hinukay namin. Yung baboy ramo nahuli naman. Malaki anak, tatay yata yun. Nahuli namin din yung nanay at may labindalawang biik. Kaya dinala namin para alagaan dito sa komunidad natin."

"Huwaaaawwww! Ang saya po, aalagaan ko yung mga biik!."

" Pinagparte partehan na namin ang baboy kaya makakatikim ka ngayon ng adobo at kamoteng kahoy."

" Huwaaaawww!papa ansarap nun antagal na natin di nakakakain ng ganun."

" Kaya nga halika ka na magmadali tayo at baka inubos na ng kuya at ate mo hahaha."

" Ay ang daya nila pag inubos nila iyon papa! Hindi ko sila iimikin!"

" Kaya nga lika na.Sumakay ka na sa likod ko para madali na tayo."

" Yeheeeyyy! Sige po."

Sa pagbaba nila sa burol ay naabutan nilang ang ibang mga tao ay nasa gitna nang isang ginawang siga para maibsan ang lamig na nararamdaman. Doon ay makikitang ang iba ay may mga iniihaw na kung anong mga huling puwedeng makain.

Ang mga tao ay makikita mong masaya sa kanilang ginagawa. May mga batang naglalaro na balot din ang katawan ng pananggalang sa lamig.

" Alam mo papa, hindi ko talaga maintindihan. Ang lamig sa gabi pero sa maghapon tirik naman ang araw mas mahaba pa ang araw kesa sa gabi. Tapos hindi pa umuulan palagi, minsan lang kaya ayaw tumubo ng mga halaman."

" Sabi ng lolo mo climate change daw ang nangyari kaya ganoon."

" Sabi ni lolo Philippines daw ang pangalan ng bansa natin. At dalawa lang ang panahon natin ang tagaraw at tagulan. Pero ngayon tagaraw, taglamig, may yelo na nga minsan dati doon sa dating lugar natin at bihira ang ulan. Wala na ngang masasabing tagulan."

" Batang ito talaga ang daming alam hehehe."

" Syempre po magaling na guro si lolo."

Nakarating ang mag-ama sa gilid na isang burol kung saan may uka ito na tila ginawang kuwebang tirahan ang ilang butas, samantalang ang kina zyron ay tila natural na yungib ito. Sa may labasan nito ay makikitang naghihintay ang isang babae sa harap ng siga na ina ni zyron si Rada at ang kanyang kuya na si Zon at ate na si Roma. Agad lumapit si zyron sa kanyang mama at nagmano dito.

" Mama si lolo po?"

" Nasa loob na anak, alam mo naman di niya kaya ang lamig. Halika na kakain na tayo. kumain na ang lolo, nagbabasa na lang yata ng libro."

Pumasok si zyron sa loob ng kuweba at makikitang mayroong maliit din na siga sa loob na malapit sa inuupuan ng lolo niya. Sa loob ng kuweba ay may tatlong tila silid at may mga higaan malapad na bato na pinagdikit-dikit. Makikita din ang ilang kagamitang mga luma na marahil ay nahukay, napulot nila sa paglalakbay. May malapad din na mesang bato sa loob na napapatungan ng ilang gamit sa pagluluto. At makikita sa nakasabit sa ilang batong nakausli sa dingding ang mga gamit sa pangangaso. At higit sa lahat ang tila kristal na malaking orasa sa maliit na mesang katabi ng lolo niya. Kung saan ito ang ginagawang basehan ng oras ng pamilya. May tagal na dose oras ang bawat pagtaob nito at kada tanghaling tapat na ang araw ay saktong ubos na ang buhanging nasa loob sa parteng itaas ay saka nila itataob. Tanda na alas dose na ng tanghali. May taas itong isang piye na sabi ng lolo ni zyron ay natagpuan nito sa isang guhong bahay noong naglalakbay ito kasama ang kanyang ama bago pa ipanganak si zyron.
.
.
.
.
.
.
.
Itututuloy.......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now