Kabanata Walo

857 42 1
                                    

Bago sumikat ang araw ay magkakasunod namang nagising ang tatlong magkakapatid.

" Magandang umaga po sa inyong lahat." Bati ni zyron na pupungas pa at nagkukusot ng mata.

" Anak maghilamos kana at magmumog nauna nang mga kapatid mo."

" Opo mama, si papa po hindi na naman nagpaalam sakin." Maktol ni zyron sa ina.

" Ano ka ba naman anak, naglalaway ka pa sa kahimbingan ng umalis ang tatay mo hindi ka na nasanay."

" Dapat kasi ginigising niya ako eh."

" Maliit ka pa kaya dapat mahaba ang tulog mo zyron." Nakangiting bungad ni camille sa bata.

" Sana nga ate camille tumanda na ako para makasama na ako sa kanya sa pangangaso." Nakangusong sagot ni zyron.

" Hahaha patawa ka bunso, ako nga matanda pa sayo hindi pa sinasama ni papa."

" Eh kuya, kelan ba ako tatangkad at magiging binata?"

" Pag tinuli ka na. Tutal malapit ka ng magsampu maari ka nang patuli. Pero ngayon kumain ka na muna ng kumain ng kamote para lumaki ka na."

" Eh utot lang lumalaki lalo sa akin kuya pag nasobrahan niyan eh hahahaha."

Natatawa naman si remus sa lokohan ng magkapatid.

" Zyron gusto mo na bang magpatuli?"

" Opo! Ipapakausap ko nga si papa kay mang damian yun kasi marunong dito."

" Ako zyron marunong, nurse ako kasi."

Nanlaki naman ang mata ng ina at lolo ni zyron.

" Nurse??!!"

" Ah eh gusto ko pong sabihin ay, sa lugar namin ay may itinuturing na mga nurse at doktor. Mga nakaligtas din sila sa delubyo at ang mga natutunan nila ay naipasa nila sa sumunod na henerasyon. At isa na po ako, hindi pinagaralan sa sinasabing eskuwelahan kundi aktuwal naming natutunan."

" Kung ganun iho, may alam ka tungkol sa mga panggagamot at mga manganganak?"

" Hindi po masyado pero magagawa ko po." May pagkukunwaring sagot ni remus sa matanda para hindi na magtaka pang lalo. " Sa katunayan po may ilang gamot kaming dala kung sakali mang may mga magkakasakit sa aming mapupuntahan."

" Marahil ang mga gamot na iyong dala ay noong mga panahon pa nagawa. Salamat at nakapagdala ka pa ng mga iyan. Isa sa magandang nagawa ng teknolihiya sa aking kabataan ay ang nagawa nilang patagaling ang bisa ng mga gamot na maaring umabot ng limampung taon. Maging mga pagkaing nakaplastik, bote o delata ay nagawang patagalin ng teknolohiya ang pagkasira nito. Pero teknolohiya din ang sumira sa mundo. Umabuso ang tao sa pag gamit ng mga makabagong teknolohiya na hindi isinaalang alang ang kaligtasan ng kalikasan."

" Huwag po kayong mag alala lolo julius. Malaking tulong po ang aming konting dala para sa ikakabuti ng mamamayan sa komunidad na ito."

" Marami po bang bata sa lugar na ito?" Si zyron ang sumagot kay camille.

" Opo marami ditong mga bata na katulad ko. May mga mas bata, kaedad ko at may mga matatanda din sa akin."

" Gusto ko silang makita sa mga susunod na araw zyron. Gusto ko silang turuan ng aking nalalaman. Isa ako sa mga nagtuturo sa mga batang katulad mo sa aming lugar. Gusto mo ba iyon?"

" Huwaaaaawww! Ate camille opo! Sigurado matutuwa sila na may gurong bata pa dito sa lugar namin. Dalawa na lang kasi ang guro dito mga matatanda na din katulad ng lolo. Palagi na inaantok kapag tinuturuan kami."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now