Kabanata Dalawamput Apat

602 37 4
                                    

Naghanda na rin ang pamilya ni Rafael. Suot ng mga ito ang bagong mga sapatos. Tila naman taas noong nakangiting naglalakad si zyron dahil napasarap sa pakiramdam nito ang may maayos na sapin sa paa.

" Handa ka na ba hon na aminin talaga sa lahat?"

" Handa na ako! Hindi tayo dapat mangamba dahil may patnubay ako ng mga diyos ng panahon sa ngalan ng anito at ng manlalakbay ng panahon. Makakabuti ito marahil sa lahat. Tandaan lang ninyo na tayong pamilya lang nakakaalam na si Zyron ang itinakda sa panahong ito. Maging ang kanyang mga kapatid ay hindi pa dapat makaalam. Maaga pa sa edad nila na malaman ang kaugnayan nila sa mga manlalakbay ng panahon na tulad ko.....higit sa lahat ng aming angkan."

" Tayo na camille, remus!" Si Rafael na nakikinig lang sa dalawang mag-asawa.

Sa isang lugar sa gitna ng komunidad magaganap ang pagpupulong. Makikitang pabilog ito at makikita ang siga na nakapalibot sa buong lugar para magliwanag. Sa gitna ang tila entablado kung saan tumatayo ang kinikilalang pinuno ng komunidad na si Rafael. Sa baba ng entablado ay naroon ang lahat ng bagay na nakuha ng grupong naglakbay pata maipamahagi ang mga iyon sa mamamayan. Nakapalibot naman doon ang mga batang tila sabik na makita ang laman ng mga sakong naroon. Sa paglakad ng pamilya ni rafael papunta sa ebtablado ay mas lalo pang nagdagsaan na ang mga taong nasa labas pa. Nakangiti namang umupo sa entablado si Zyron habang pinagmamasdan ang mga kalarong naroon.

Hanggang sa nagsalita na si Rafael.

" Mga kasama! Ipagpaumanhin ninyo ang muli kong pagpapatawag ng pulong sa gabing ito dahil may mahalagang bagay akong sasabihin sa inyong lahat! Alam ko na nakilala nyo ng lahat ang mga dayong nanunuluyan ngayon sa amin. Sa nagdaang araw na sila ay nasa aming tahanan ay may mga ipinagtapat sila sa aming mga bagay na hindi lang sila dayo sa lugar na ito kundi dayo sila mula sa ibang panahon......"

Naguluhan ang ibang mga taong naroon....maririnig ang ibang bulungan dahil hindi nila maunawaan ang bagay na sinabi ni Rafael.

" Ipaliwanag mong mabuti Pinunong Rafael ang ibig mong sabihin na dayo sila mula sa ibang panahon!" Sigaw ng isang lalaking kaedad lang ni Rafael.

Sa narinig ay hinawakan ni Camille si Rafael sa balikat na naunawaan naman nito. Umatras bahagya ito at si camille na ang humarap sa lahat ng mamamayan na naroon.

" Mga kasama! Alam kong maari kayong mabigla sa aking ipagtatapat sa inyong lahat! Pero hindi ko na maaring patagalin pa ang lahat ng ito! Totoo ang sinasabi ni Rafael na kami ng aking asawa ay galing sa ibang panahon! Panahon bago maganap ang delubyo kung saan hindi pa magulo ang mundo at hindi pa sinisira ng pag-abuso sa pag-gamit ng siyensya at teknolohiya!"

Nagbulungan ang mga taong naroon na tila hindi pa kumbinsido. Maliban sa mga kalalakihang nakakaalam na.

Hanggang sa tumayo si Zyron sa pagkakaupo sa lupa.

" Ate camille! Ano pong ibig ninyong sabihin na galing kayo sa ibang panahon? Hindi ko po maintindihan."

Bagamat nagulat si camille at napatingin sa asawa at kay rafael, inilibot niya ang paningin sa mga naroon at nakangiti itong tumugon sa katanungan ni zyron

" ISA AKONG MANLALAKBAY NG PANAHON! AT ANG PANAHONG PINANGGALINGAN KO AY ANG PANAHON KUNG SAAN MAAYOS AT MAGANDA PA ANG MUNDO!"

Humakbang ng ilang hakbang si camille paabante at inilahad niya ang dalawang palad at katulad ng dati ay isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas dito at binalot nito ang kanyang buong katawan para masilaw at mapatakip ng mata ang ilan...pero hindi si zyron na tila sabik sa nagaganap na para sa kanya ay isang mahika o kababalaghan. Agad nawala ang liwanag at ang anyong manlalakbay ng panahon na ni camille ang nakita ng lahat.

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now