Kabanata Dalawamput Walo

688 33 6
                                    

Ngunit isang babaeng nasa mga kuwarenta ang edad ang lumabas dito. Kasunod nito ang isang batang lalaki at ng makitang nakaamba ang mga pana at sibat ng mga taong naroon ay nagbadya ang takot sa mata ng mga ito. Agad niyakap ng babae ang kanyang anak, na agad ding tumapang ang itsura nito na may poot na tumingin sa mga dayo sa lugar nila.

" PATAYIN NYO MAN AKO AT ANG MGA ANAK KO, PATI LAHAT NG NARITO PA NA KASAMAHAN KO HINDI NYO MAKUKUHA ANG NAIS NINYO! MGA GAHAMAN KAYO AMIN ANG LUGAR NA ITO!" Buong tapang na sigaw ng babae habang yakap ang anak nito.

Sinenyasan ni Rafael ang mga kasama na ibaba ang mga armas na agad namang tumugon ang mga ito.

" HINDI KAMI ANG MAY GAWA NG NANGYARI SA KOMUNIDAD NINYO. MGA MANGANGASO KAMI AT NAGLALAKBAY MULA SA ISANG KOMUNIDAD MALAYO SA LUGAR NA ITO. NAPADAAN KAMI AT NAKITA NAMING NASUSUNOG ANG LUGAR AT MARAMING MGA PATAY. AKO NGA PALA SI RAFAEL ANG PINUNO NILA. SINO KA?"

Nabigla man ang babae ay pinagmasdan niya ang mga taong naroon na kasama ng nagpakilalang rafael. Ibang-iba ang itsura ng mga ito, makakapal at nakatali ang mga buhok ng mga ito. Hindi mga mukhang bandido ng dagat na kung tawagin nila ay Pirata. Kung titignang mabuti ay mas mga maginoong tignan ang kaharap niya pati ang dalawang babae ay tila pinuno din ng grupo. Samantalang ang mga piratang pumatay at nagnakaw sa komunidad nila ay tila mga demonyo. Walang awang pumatay habang naghahalakhakan. Tinangay pa ang ilang kababaihan sa kanilang komunidad at binihag.

" Ako si Vannah! Ito ang bunso kong anak si Gan! Ako ang nagsilbing pinuno ng komunidad na ito matapos mapatay ng mga pirata sa dagat ang aking asawa noong nakaraang buwan. Paano kayong napadpad sa lugar na ito?"

" Mga mangagaso,mandirigma at manlalakbay kami! Hindi kami masasamang tao na iyong inaakala! Saka na tayo magusap sa mga bagay na nais nating maliwanagan sa bawat isa. Maraming namatay at sugatan sa lugar na ito kaya tutulungan namin kayo na magamot ang lahat ng maari pang makaligtas!" Si Camille na sumali na sa usapan ni Rafael at ng nagpakilalang pinuno ng komunidad na si Vannah.

Agad naglakad si Vannah patungo sa lugar kung saan ginagamot ang mga sugatang nakaligtas. Agad niyang niyakap ang isang lalaking sugatan na kasalukuyang nilalapatan ni Nera ng lunas ang tila hiwa sa kanyang braso.

" Anak ko! Salamat buhay ka!"

" Hindi ako maaring mamatay mama! Papatayin ko ang mga demonyong piratang iyon! Sinira at binaboy nila ang komunidad natin! Papatayin ko silang lahat!!!"

" Anak.....kailangang magpagaling ka....ligtas ang mga kapatid mo nandoon sila sa lugar kung saan nakapagtago kami at ang mga iba nating kasamahan. Ligtas din ang iyong asawa at anak."

" Salamat mama, salamat."

" Salamat sa panggamot mo sa anak ko at sa iba pa naming kasamahan." Pagpansin ni Vannah kay Nera na binebendahan na ang braso ng lalaki."

" Walang anuman po ale....obligasyon po naming tumulong sa mga nangangailangan lalo sa panahong ito.....hindi po masyadong malalim ang sugat niya, sa tulong ng ibibigay kong halamang gamot ay tuluyan pong hihilom ang sugat ng inyong anak sa pagdaan ng mga araw."

Naging abala na ang mga kasama ni Rafael sa pagtulong sa lahat. Walang inaksayang sandali si Camille at Remus na palihim na nagusap para sa panggagamot sa mga sugatan.

" Hon kelangan ko ang tulong mo sa bagay na ito....kelangan ko ng mga gamot na tanging yung sisidlang bigay sayo ng lolo oman mo ang makapagbibigay." Agad hinila ni camille si remus sa isang hindi pa nasunog na bahagi ng isang bahay at doon niya itinanong sa asawa ang kakailanganin nito.

" Susubukan ko kung pahihintulutan ng mga diyos ang ating hiling....nag-aalangan man ako dahil baka magulat ang mga taong ginagamot natin sa uri ng gamutan na gagawin mo pero susubukan ko pa rin."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now