Kabanata Tatlo

1K 38 3
                                    

Maaga pa at di pa sumisikat ang araw ay maaga nang naghahanda si rafael sa gagawing pagbabalik sa napuntahan nilang nakakalbong bundok at kagubatan.

Inasikaso naman ng kanyang asawa ang mga gamit nito sa pangangaso. Ipinaghanda din siya nito ng makakain at maiinom sa paglalakbay. Napapangiting tinignan niya ang tatlong anak na tulog na tulog pa at namamaluktot sa nararamdamang lamig. Nagpaalam na siya sa kanyang ama at asawa at saka pinuntahan ang ilang kalalakihan ng kanilang komunidad at ang kanyang kapatid na lalaki na kasama niyang nagpupunta kung saan saan para maghanap ng maaring pandugtong ng kanilang pang araw- araw na pangangailangan. Sakay ng kabayo ang ilan ang ilan naman ay sa baka nagsimula na silang maglakbay.

Kung titignang mabuti ang komunidad ay tila nahahati sa dalawa ang kinanalagyan nito. Ang ibang mga tao ay nakatira sa mga natural at artpisyal na kuweba samantalang ang iba ay nasa bandang baba ng kinalalagyan nito na nasa mga tolda naman nakatira. Halos kuwarenta porsyento ng mga taong naninirahan ay kaedad lamang ng ama at ina ni zyron. At ang 25 porsyento ay mga bata at sanggol na ang edad ay hanggang kinse. 25 porsyento mga nasa wastong gulang para magpamilya at 10 porsyento mga matatanda edad 55 pataas.

Masasabing tahimik ang pamumuhay ng mga tao sa kabila ng kahirapan sa lahat ng bagay. Ngunit ang mga bata at mga kaedad ng ama at ina ni zyron ay sanay na sa sitwasyon nila. Hindi tulad ng mga matatanda na buhay na tatlumpong taon ang nakalipas at sila ang henerasyong nakatikim ng buhay bago maganap ang delubyo na kumitil sa halos lahat ng tao sa mundo. Kung dati iniisip noon ng mga matatanda na may darating pang ayuda mula sa pamahalaan o kaya mula sa ibang bansa ay nabigo sila. Ipinagpalagay na lang nila na ang naganap na delubyo ay buong mundo o lahat ng bansa ang nakaranas. Kaya ipinagpatuloy nila ang kanilang buhay malayo sa nakagisnang buhay bago ang delubyo.

Ang mga tao sa komunidad ay hindi mababakasan ng pagkagahaman sa anumang bagay. Lahat ay nagkakaisa, tulong-tulong sa ano mang kailangan gawin. Ang mga kaedad ng ama ni zyron ay silang nakatalaga sa pangangaso o paghahanap ng ikakabuhay ng komunidad. Naiiwan ang mga hindi kayang mangaso kaya sila ang toka sa mga gawain sa komunidad. Sa pag aalaga ng mga hayop na pinaparami at pagpaparami ng mga halamang pagkain. Ang mga bata ay tumutulong na rin sa paghahanap ng maaring pagkain ng mga hayop tulad ng damo na bihira na sa lugar. Nakakaabot sila sa bandang pinakababang parte pa ng patag kung saan may malapit ng matuyong ilog.

Ang mga matatanda naman na lubos na nakakaalam ng lahat ng naganap noon at ang mga bagay na dapat ituro sa mga bata ay sila ang gumagawa

Oups ! Cette image n'est pas conforme à nos directives de contenu. Afin de continuer la publication, veuillez la retirer ou télécharger une autre image.

Ang mga matatanda naman na lubos na nakakaalam ng lahat ng naganap noon at ang mga bagay na dapat ituro sa mga bata ay sila ang gumagawa. Gamit ang mga librong natatagpuan nila sa paglalakbay mula pa noon ay ito ang basehan nila sa pagtuturo sa mga bata sa Pagsusulat at pagbabasa. Minsan hindi maiwasang malungkot ng mga matatanda sa dahilang ang kabataan ngayon ang lubos na nagdurusa sa ginawang pagabuso ng tao noon sa mundo maging sa kapangyarihan.

Isa ang lolo ni zyron sa mga matatandang guro. Sa kanilang komunidad ay mayroon ding tinatawag nilang nars. Si Aling Selma na isang Nurse noon. Siya ang nagpapaanak sa mga nanganganak. Mayroon din silang hilot o albularyo. Hindi maiwasan pero alam ng mga matatanda na bumalik sila sa dating pamumuhay ng mga tao ang mga tao ngayon. Marami na rin silang kasamahang tumanda at namatay na rin sa ganung kalagayan. Ganun pa man ay masaya at nagkakaisa sila.

Ang ipinapangamba lang nila ay baka dumating na ang araw na muli na silang maglalakbay kung ubos na ang biyayang nakukuha nila sa lugar na iyon lilisanin na nila ulit ito na isang taon na din nilang naging komunidad.
------------------------------------------------------

Sa loob ng kuwebang tirahan nina zyron ay siya ang pinakahuling nagising. Sumilip na ang haring araw at muling masisilayan ang lugar na tila paubos na ang natural na yaman. Kulay buhangin o tuyong lupa ang pinaka namamayaning tanawin sa lugar na kung may malakas na hangin ay tinatangay ito at nagiging maalikabok.

" Mama umalis na po si papa?"

" Oo anak, kanina pa at sinusundo na siya ng grupo niya kasama ang tiyo norman mo."

" Ganun po ba."

" Kaya ikaw maghilamos kana muna. O kaya maligo may ipong tubig tayo umulan kagabi. At siguradong itong maghapon na ito ay tirik na naman ang araw. Sana lang tuloy tuloy na ang pagulan. Hindi yung inaabot ng buwan."

Ang lolo naman ni zyron na si lolo julius ay umiinom ng tsaang gawa sa luya na ibinigay ng isang matandang nagtatanim sa patag. Nagawa na nila itong paramihin at napapakinabangan na ng komunidad bilang alternatibo sa kape noon.

" Alam mo anak sa palagay ko sana lang tuloy-tuloy na yang ulan na yan dito sa lugar natin. Ang basehan kong pagtatala ng araw at buwan simula pa noon ay nagsasabing buwan na ng Nobyembre ngayon. Kung tutuusin huli na ang tagulan na dapat ay hunyo pa. Pero magtaka ka, tila nagiiba na naman ang panahon natin. Pati nga kalawakan nakikita na natin ng malinaw hindi tulad noon na balot ng usok."

" Sana nga papa bumalik na sa dati ang lahat katulad ng sinasabi ninyong kalagayan ng mundo bago pa ang tuluyang pagkasira nito."

" Mangyayari yan anak, may awa ang diyos sa mga anak niya. Nangyari man ang mga bagay noon dahil na rin sa tao. Tao din ang magbabalik nito sa tulong ng ating panginoon sa pamamagitan ng kalikasang bigay nito sa atin."

" Lolo, sa palagay ko yung mga nagpunta sa ibang planeta noon, ngayon ay mga patay na."

" Bakit naman zyron?"

" Kasi wala naman silang maaring kainin doon kung ubos na sa tagal ba naman nila doon."

" Maaring tama ang kapatid mo zon. Bagamat noon natuklasan ang ibang planetang maari daw maging tirahan ng tao, ay wala pa ring makakapagpatunay na ligtas talagang tumira doon. Mga balita iyan noon, kasama na yung sinasabing mga spaceship daw ng mga mayayamang bansa na maaring tirahan sa kalawakan. Pagkatapos maganap ang delubyo wala nang nakaalam sa mga nangyari sa mga iyon."

" Hayaan na natin yun lolo, ok naman po na tayo ngayon eh ang importante buhat pa tayo at ang mundo. Tayo na lang mag aalaga ng kalikasan natin."

" Zyro, zon mga apo, ang mabuti pa galaw galaw na at sayang ang oras habang hindi pa kasagsagan ng init ng araw. Mag almusal na kayo, may natira pang ulam ang mama nyo kagabi at kamote. Para maayos ang pakiramdam nyo sa mga gawain."

Agad na tumalima ang magkapatid at ilang saglit naman ay naligo sila gamit ang naipong ulan kagabi.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant