Kabanata Dalawamput Tatlo

647 35 10
                                    

" Papadaliin ko ang paglalakbay natin!"

Nanlaki ang mata ng lahat sa narinig at nagpalakpakan. Agad nilang sinunod si camille at inihanda na nito ang kamay para sa madaliang paglalakbay. Magkakalapit na lahat at magkakapit. Inilahad ni camille ang kamay at agad nagkaroon ito ng dalawang bolang liwanag na kanya itinapon sa taas na nagsalpukan saka mabilis na bumaba ito at binalot ang lahat ng liwanag at mabilis na sabay-sabay na naglaho.
.
.
.
Hanggang sa liwanag na ang bumalot sa lahat na tila walang katapusan hindi na nila makita ang nasa paligid at ang isat-isa hanggang sa agad itong nawala at tumambad sa kanila ang babang bahagi ng burol papasok sa komunidad. Agad silang nagyakapan at nagpalakpakan at itinuloy paglalakad kung saan nakita na sila ng mga mandirigma ng komunidad sa entrada at agad pinatunog ang isang tila malaking batingaw tanda na dumating na ang mga naglakbay na mandirigma at mangangaso.

Mabilis na naglakad ang grupo patungo sa entrada ng komunidad. Agaw ang liwanag at dilim sa bahaging iyon kung saan nagkukulay kahel ang kapaligiran dahil sa papalubog na araw na makikita sa mga  kabundukan sa hilagang bahagi.

Agad na sumalubong ang ilang mga tao at higit sa lahat ang mga kabataan at isa na roon si Zyron na pilit lumalapit sa amang naglalakad na dahil may kumuha na ng dala nitong kabayo. Pasan nito ang sakong tila puno ng mga bagay para sa pamilya. Maging sina camille at remus ay may dala na rin. Ang mga kalesa at mga bagay na nakuha ng mga manlalakbay ay dinala na ng mga tagapangasiwa ng mga bagay na dapat ay pantay na maipapamahagi sa mga mamamayan. Dinala iyon sa isang lugar kung saan iniimbak ang mga gamit, pagkain o anumang bagay. Ang mga huling hayop naman ay dadalhin naman ng mga tagapangasiwa nito kung saan doon pinaparami at inaalagaan. Masaya ang lahat dahil makikitang bawat kalalakihang naglakbay ay may bagay na dala sa pamilya nila.

" Papa!"

Agad lumuhod sa lupa si Rafael nang makitang papalapit ni Zyron. Ibinaba ang sakong pasan at niyakap ang bunsong anak. Napangiti namang nakatingin si camille at remus sa mag-ama.

Hawak ang kamay ng anak ay tinungo na ng apat ang burol kung nasaan ang kuwebang kanilang tirahan. Masayang kinakain na ni Zyron ang Mansanitas sa nasa isang sisidlan. Tuwang- tuwa ito sa dahilang ngayon lang siya noon nakakain. Agad sumalubong pababa si roma at zon. Magiliw naman itong binigyan ni zyron ng kinakain ang dalawang kapatid. Agad nang kinuha ni zon ang dala ng ama pati ng magasawang camille at remus at umakyat na sila paakyat sa bukana ng kuweba kung saan naroon si Rava at lolo julius.

Nagmano sa matanda ang tatlo at humalik si Rafael sa asawa.

Sa isang mesang malapad na bato ay doon na inilatag ni zon ang dala ng ama at agad na itong inilabas ni rafael kung saan nanabik ang tatlong anak na makita ang dala ng ama.

" Huwaaaaawwww! Papa ang gaganda! Sapatos po yan!" Si zyron na nanlalaki ang mga mata at agad hinawakan mga ito at naghanap ng kakasya sa kanyang mga paa. Maging si Roma at Zon ay gayundin ginawa. Kumuha naman ng mas malaking sapatos si Rafael at ibinigay kay lolo julius ang isa ay para naman sa asawang si Rava.

" Alam mo zyron, sa tingin ko mas lagi ka ng maglalakwatsa dahil sa bagong sapatos na iyan. Mas matibay at komportable sa paa." Pagbibiro ni camille sa batang si zyron.

" Naku! Ate hindi po....iingatan ko ito dahil baka pag naglakad po ako ay baka masira agad!" Sagot ni Zyron.

" Eh ano pang tawag diyan na sapatos, sapin sa paa kung hindi mo gagamitin bunso! Ok lang isuot mo yan saan ka man magpunta. Proteksyon ito sa paa." Pagpapaliwanag ni Zon sa bunsong kapatid.

" Tama ang kuya mo zyron.....yung napuntahan naming guho ay napakaraming ganyan. Hindi nasira ng nagdaang panahon. Sa mga susunod na araw ay babalikan namin yun dahil napakarami pang bagay ang naroon na hindi namin nadala. Maraming sapatos kaming nadala at mamaya sa pulong ay ipapamahagi iyon sa mga tao." Si Rafael habang hinihiwa ang dalawang papaya na nakatalikod sa mga anak na nasa isang mesa.

" Alam mo zyron....yang pangalan ng sapatos mo ay basahin mo nga...." Si remus na nakangiting nagtanong.

" Ni.....ni...ni..ke..nike!"

" Ang tamang pagbigkas ay nayki (nike).

" Ay ganun po ba."

" Sikat na pangalan ng sapatos yan sa panahon namin....meron pang iba. Alam mo bang laro ang basketball zyron?!" Tanong muli ni Remus.

" Ano po yun sabi nyo kuya, sa panahon ninyo?"

Nagkatinginan na lang ang matatanda sa tanong ng bata.

" Malalaman mo maya ang sinasabi ko sa pulong na magaganap...ipapaliwanag ko din sayo yung larong basketball...at tuturuan pa kita ng ibang laro." Si Remus.

" Huwaawww! Sige kuya gusto ko po yun!"

" Itabi na muna iyan at tayoy kakain na....prutas na papaya at sabaw ng buko bilang panghimagas!" Si Rava na inilapag na ang mga pagkain nila sa hapunan. Kamoteng kahoy na dinurog at inihaw na isda na nahuli ni Zon."

" May isda pa din pala talaga doon sa ilog na iyon?" Tanong ni Camille kay zon.

" Opo ate! Minsan po kasi lumalaki ang tubig doon lalo na kung umulan sa mga kabundukang nakapaligid. Inaanod po sila at yun po inaabangan namin. Nakatiyempo po ako ng dalawang malaki kaya sabi ko kay mama ay hapunan natin."

" Ang galeng mo naman pala."

" Opo....kaya nga po gusto ko ng maging bihasa sa pagsasanay sa pangangaso at isang araw sasama na kina papa sa paglalakbay." Buong pagmamalaking sagot ni Zon.

" Darating yun kuya! Hintay ka lang!" Si Zyron na hindi na magkandaugaga sa pagkain ng prutas na papaya. Nagkalat na ito sa pisngi niya kaya natawa na lang ang lahat.

Matapos ang hapunan ay may iilang damit na dala parin si Rafael na ipinakita sa asawa para magawan ng paraan na maisuot lalo na ng mga bata.

Ipinakita fin ni rafael sa asawa iba pang bagay na kanyang nadala na maaring makapagpagaan sa gawaing pangkusina ng asawa. Labis naman itong ikinatuwa ni Rava.

Matapos maiayos ang lahat ay may dumating na lalaki at kinausap si Rafael. Muli itong bumaba sa burol at nagtungo sa kapatagan kung saan maririnig na ang tunog ng tambuli hudyat na tinatawagan na ang mga tao para sa gaganaping pulong sa gitna ng komunidad kung saan  mayroong maningas na siga at pinapalibutan ng mga batang naglalaro at nagtatakbuhan.

Naghanda na rin ang pamilya ni Rafael. Suot ng mga ito ang bagong mga sapatos. Tila naman taas noong nakangiting naglalakad si zyron dahil napasarap sa pakiramdam nito ang may maayos na sapin sa paa.

" Handa ka na ba hon na aminin talaga sa lahat?"

" Handa na ako! Hindi tayo dapat mangamba dahil may patnubay ako ng mga diyos ng panahon sa ngalan ng anito at ng manlalakbay ng panahon. Makakabuti ito marahil sa lahat. Tandaan lang ninyo na tayong pamilya lang nakakaalam na si Zyron ang itinakda sa panahong ito. Maging ang kanyang mga kapatid ay hindi pa dapat makaalam. Maaga pa sa edad nila na malaman ang kaugnayan nila sa mga manlalakbay ng panahon na tulad ko.....higit sa lahat ng aming angkan."

" Tayo na camille, remus!" Si Rafael na nakikinig lang sa dalawang mag-asawa.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
---------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon