Kabanata LabingTatlo

775 37 24
                                    

Hindi akalain ni Rafael na ang babae at lalaking kaharap niya ay kanyang lolo at lola. Naguguluhan siya sa mga narinig na pahayag ni camille. Paanong maging apo siya nito na mas matanda pa siya sa dalawa.

Agad naramdaman ni camille ang pagaalinlangan at pagtataka ni Rafael." Hindi ka namin pipiliting maniwala rafael pero kaya kong patunayan na isa akong manlalakbay ng panahon." Tumayo si camille at lumayo ng konti sa harap ng apat.

Agad inilahad ni camille ang kanyang palad at bigla itong nagliwanag na bumalot sa kanyang buong katawan kaya nasilaw na napatakip ng mata ang kanyang mga kaharap.

Nang mawala ang liwanag ay tumambad ang anyo ni camille bilang isang manlalakbay ng panahon kung saan hawak niya ang isang sibat,nasa leeg niya nakasabit ang isang orasa at nasa likod niya ang isang pana. Nasa tagiliran naman niya ang isang punyal kung saan nagiging isang itak. Kulay ginto at nagliliwanag ang kanyang mga armas.

" Kamangha-mangha anak ang iyong kakayahan! Marahil biyaya ng diyos ang ganyan." Ani ni lolo julius na namamangha. Maging si rafael at rava ay ganundin ngunit nanatili silang mahinahon sa mga natuklasan.

Hanggang sa nagsalita si Rafael na tila tinitignan ang paligid kung may ibang naroon. Sa kabila ng karimlan at lumalamig na ang gabi ay makikita sa ibang panig ng bundok na may kuwebang maliliit na nagsisilbing kanlungan ng mga tao. May mga liwanag ng sulo sa bungad na nagsisilbing liwanag. Maging sa baba sa kapatagan ay may mga sulo sa harap ng bahay kung saan gabi-gabi ay ginagawa ng mga taong naninirahan sa lugar na iyon pangontra sa lamig.

" Nag-aalangan akong tawagin kitang lola camille, dahil mas matanda ako sayo sa ngayon. Pero ako ay naniniwala na totoo ang sinasabi mo sa mga natuklasan namin ngayon. Maging sayo remus na aking lolo ay nag-aalangan akong tawagin kang lolo."

Napangiti si Remus na nagsalita. " Huwag kang mag-alala rafael, ang mahalaga natagpuan ka namin. Ang pagparito namin ng iyong lola ay isang misyon."

" Maari bang sa loob ng kuwebang iyong tinutuluyan tayo mag-usap usap. Baka delikado dito. Isang maselang bagay itong pag-uusapan natin." Si rava na asawa ni rafael na tumayo mula sa pagkakaupo sa isang tipak na bato. " Titignan ko muna ang mga bata at susunod ako sa inyo." Agad pumasok ng kuweba si rava at tinignan ang tatlong anak na natutulog na. Paglabas ay agad siyang tumuloy sa kuwebang tinutuluyan ni Remus at Camille.

Naupo ang tatlo sa isang ginawang upuang mga tipak na bato at si remus ay sa papag na higaan.

" Gusto kong ipakita din sa inyo ang aking kakayahan sa pakikipaglaban pero hindi dito. Sa akmang lugar ay doon lamang. Pero kaya kong ipakita na kaya kong maglaho sa lugar na ito at mapunta sa ibang lugar na agad-agad."

Agad ngang nagpalipat-lipat lugar si camille sa loob ng kuweba hanggang sa nagbago ulit siya ng anyo at pananamit.

" May alam ba kayo sa history ng ating bansa ang Pilipinas?" Tanong ni camille kay rafael at rava pero si lolo julius ang sumagot.

" Ako alam ko apo.....guro ako noong panahon bago ang delubyo."

Napangiti si Camille. " Pareho tayo lolo, sa aking panahon ay isa akong guro....sa katunayan ay bago pa lamang kaming magasawa ni remus. Sa panahon namin ay wala pa kaming anak.....masaya na malaman namin na nagkaroon kami ng mga anak dahil kay lolo oman ang manlalakbay ng panahon bago ako."

" Ngunit paano ninyo nalaman na ako ang apo ninyo sa tuhod?"

" Kay lolo oman din....sa mundo ng Hora ay doon napupunta ang lahat ng angkan ng manlalakbay ng panahon. Kaming mga itinakdang manlalakbay ng panahon ay may kakayahang malaman ang nagaganap. Pero ako ay buhay pa sa panahon ko. Hati pa ang aking responsibilidad. Si lolo oman at ang mga dating mga manlalakbay ng panahon ng ating angkan ang nakakita at nakaalam ng nangyari at kinahantungan ng mundo sa hinaharap at ito na nga iyon."

Tumayo si Rafael sa pagkakaupo at naglakad-lakad..." Kung gayon ano ang inyong misyon sa aming panahon camille?"

" Ang tulungan kayo sa inyong kasalukuyan para sa kinabukasan ng lahing tao."

" Alam mo apo.....noong guro ako ay may nabasa akong libro na nagsasabi na may mga tao o angkan ng mga manlalakbay ng panahon."

" Tama lolo.....kaya nga po tinanong ko kayo sa kasaysayan ng Pilipinas."

" Alam ko apo.....si rafael at ang kapatid niya ay naturuan ko din pero dahil sa kalagayan ng aming pamumuhay ngayon ay hindi lahat ay naituro ko noon sa kanila at maging sa ilang kaedad nila at mga tao sa komunidad na ito."

Lumabas muna si Rava at ng bumalik ay may dala ng mainit na maiinom na salabat. Binigyan niya ng inumin ang lahat at muling nagsalita si camille.

" Lolo, rafael, rava......panahon pa bago ang pananakop ng mga kastila may isa ng manlalakbay ng panahon....si Ma-aram siya ang kauna-unahang manlalakbay ng panahon sa ating angkan rafael."

" Paano mong nalaman na noon pa may manlalakbay na ng panahon?" May tila naguguluhang tanong ni rafael.

" Ang araw na naging isa na akong ganap na manlalakbay ng panahon at nalaman ko na ako ang ika-isandaang manlalakbay ng panahon at nag-iisang buhay ay naglakbay ako pabalik sa nakaraan."
.
.
.
.
At isinalaysay nga ni camille sa tulong ni remus ang lahat ng kaganapan ng maging isa siyang manlalakbay ng panahon.

Labis ang pagkamangha ni Rafael sa mga narinig na salaysay ni camille na kanyang lola.

" Kung ganun camille, kaya ka may mga armas na ganoon dahil kay Ma-aram? Ikaw ang naging parang siya sa panahon mo ng bumalik ang ispirito ni Dawak sa mundo ng tao!"

" Tama rafael......si rafael na iyong lolo ay galing naman sa angkan ng mga babaylan mula sa lahi ni Nera. Ang ina ni Ma-aram na isang dayang ay galing din sa lahing babaylan kaya marahil ay may kakaibang katangian si Prinsesa Tala at Prinsesa Ma-aram. Ngunit higit si Prinsesa Ma-aram dahil siya ang napiling unang manlalakbay ng panahon ng Diyos ng panahon."

" Napakalaki pala ng kaugnayan natin camille sa mga taong namuhay noong unang panahon at maging sa panahong ito ay narito ang nakatakdang maging manlalakbay ng panahon."

" Tama rafael....at iyon ang iyong anak na si Zyron."

" Ngunit paano ninyo nalaman na ang aking anak na si Zyron ang nakatakdang maging manlalakbay ng panahon? Tatlo silang magkakapatid....hindi natin alam kung sino sa kanila ang pinakahuling mabubuhay sa mundo."

" Rafael.....sa mundo ng Hora ay nakikita na nila ang nakatakdang susunod na manlalakbay ng panahon pagkatapos ko. Maging ang mga kaganapan sa mundo sa aking panahon at sa panahon ni zyron bilang manlalakbay. Ang pagkasira ng mundo ang nagbigay pangamba sa mga manlalakbay na tuluyang maglaho ang lahi ng tao at ang ating angkan kung kaya't nabigyan ako ng misyon para tulungang maibalik sa dati ang ating mundo at maihanda si zyron."

" Pero sinabi mo na hindi dapat baguhin ang nakaraan dahil may magiging epekto ito sa hinaharap? Pero sa gagawin mo maaring maapektuhan ang hinaharap ni zyron."

" Rafael....nandito kami ni remus sa inyong kasalukuyan....ang hinaharap ninyong lahat ay mangyayari pa lang....kaya ngayon pa lang inihahanda na natin si zyron at ang lahat ng tao na nakaligtas sa delubyo ng nakaraan."

" Ngunit sa paanong paraan?" Tanong no Lolo Julius.

" Sisimulan natin yan bukas sa pagsikat ng araw." Nakangiti at buong kumpiyansang sagot ni camille pagtayo niya sa kanyang kinauupuan.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.......
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon