Kabanata LabingIsa

807 35 2
                                    

Kinapunan bago magtakipsilim.

" Ate camille, kuya remus gusto nyo po bang sumama sa akin doon sa burol na pinupuntahan ko? Panoorin po natin ang paglubog ng araw."

" Sige ba, malapit lang ba iyon?"

" Opo!"

Nagpaalam si zyron sa mama at lolo niya na pinayagan naman dahil kasama nito si remus at camille. Dala ang cellphone ni remus ay bumaba na sila sa burol. Hawak ni camille at remus habang naglalakad ang magkabilaang kamay ng bata.

Hanggang sa narating nila ang naturang burol at nagsimula na silang umakyat dito. Habang paakyat ay mararamdamang iba na ang dampi ng hangin sa balat. Lumalamig na ito dahil pagabi na. Ilang saglit lang ay narating na ng tatlo ito. Manghang mangha si camille at remus sa tanawin dahil kitang kita ang kabuoan ng kapatagan at mga burol na may mga kuwebang tirahan at mga kubol sa patag. Makikita din sa kalayuan ang mga tuktok ng ilan pang mga bundok sa kalayuan.

" Ang ganda dito zyron! Dali lapit ka kukuha tayo ng picture."

" Picture po larawan?"

" Oo may dala akong cellphone. Alam ko na maaring hindi mo ito alam pero isa itong gamit sa aming pinagmulan para makakuha ng larawan, video o kaya makapakinig ng musika."

" May nakuwento na po si lolo tungkol sa mga ganyan noong panahon na gamit ng tao. Gusto nyo po bang sabihin meron pa kayong gamit sa inyong lugar na pinagmulan?!"

" Oo, hindi naman kasi lahat nasira ng delubyo o kung anumang naganap noon. May mga nakaligtas ngang tao at syempre may mga bagay o mga gamit ang di nasira o kaya naisalba. At isa na nga itong gamit na ito. Kaya lang wala ng kuryente sa panahon ngayon kaya ang init ng araw ang nagpapagana nito. Gusto mo bang subukan na natin?"

" Opo sige po, kuha tayo nina ate camille ng picture!"

Tuwang tuwa si zyron at labis ang pagkamangha sa mga kuhang larawan na gamit ang cellphone ni remus. Maging ang paglubog ng araw ay kanilang kinunan ng video. Pinakinig din nila ng musika si zyron na napapasayaw at indak pa na ikinatuwang mag asawang camille at remus. Hanggang sa nagpasya na silang bumaba sa kapatagan dahil kumakagat na ang dilim sa paligid. Pinasan ni remus si zyron sa kanyang likod na ikinatuwa nito.

Nang nasa pinaka sentro na sila ng komunidad ay siya namang pagdating ng grupo ng mga kalalakihang mangangaso kasama su rafael na ama ni zyron. Tulad ng dati ay may mga dala ulit ang mga ito, ang para sa lahat ay dinala sa kamalig. Ang mga huling hayop tulad ng mga ligaw na manok ay napupunta sa pamilya ng nakahuli. Marami silang dalang bulig ng saging at mayroon ding niyog. Mga uri ng gulay na puwedeng kainin at mga kahoy na panggatong na hila ng mga baka sa malalaking paragos na nakatali dito.

Nang makita ni zyron ang ama ay agad siyang lumapit dito at nagmano. Kumaway naman si camille at remus.

May dalang isda ang kanilang ama, maging ang ilang kalalakihan.

" Huwaaawww papa! Isda po yan!'

" Oo anak, may natagpuan kaming isang lawa sa may gubat hindi gaanong kalaliman ang tubig kaya nakapanghuli kami. Malamang kami pa lang nakatagpo sa lawa na yun."

" Naku masarap po yan iprito may ginawa yatang mantika si mama at saka po may ginawang gulay na gabi si ate camille kaninang tanghalian ang sarap po papa!"

" Tamang tama anak gutom nako antagal ko na rin di nakakain ng ganun. Halika na uwi na tayo."

Kinarga na ni rafael si zyron paakyat ng burol. Nakangiti namang naliligayahan na pinagmamasdan sila ni camille at remus na nakasunod sa kanila.

" Kung si rafael ang apo natin sa tuhod rem, hindi maikakaila. Kamukha mo siya, pagtanda mo malamang kamukha mo siya, 25 ka ngayon sya 35 grabe matanda pa sa atin ang apo natin hahaha. Gupitan mo lang siya ng buhok hawig na kayo."

Kung pagmasdan kasi ang mga tao sa komunidad na iyon ay matagal na silang hindi nagpapagupit ng buhok. Pati kalalakihan ay mahahaba ang buhok at ipinupusod na lang ng iba para hindi sagabal sa mukha o mata nila. Maging mga bata ay mahahaba rin ang buhok.

Nang makarating sa taas sina camille at remus ay pansamantalang tumuloy sila sa tinutuluyan nila. Sinalubong naman ng ina ni zyron ang kanyang ama para asikasuhin ito. Kinuha ni roma ang mga isda sa ama at nilinis ito. Si lolo julius naman ay nakamasid lang sa lahat ng ginagawa ng mga kasama.

" Roma anak yung iba iihawin natin yung iba ay prito. Gusto kasi ng lolo at papa mo ay ihaw."

" Opo mama."

Sa loob ay hinatiran ng inumin ni rava ang asawang si rafael ng inumin at dalawang pirasong nilagang saging. Pansamantala itong nagpahinga sa loob.

" Sige pahinga ka na muna diyan at kami na bahala sa labas."

Bigla namang pumasok si zyron sa loob ng kuweba na may dalang plangana at bimpo.

" Papa, bago po kayo magpahinga ay maglinis po muna kayo. Hubarin nyo po damit nyo pupunasan ko likod niyo para mapreskuhan kayo."

" Ang galing naman ng anak ko alam na gagawin."

" Siyempre po mama, wala naman po ako gagawin sa labas kaya tutulong ako sa inyo sa ganito man lang."

" O siya, sige ay akoy magluluto pa."

Agad pinunasan ni zyron ang likod ng ama mga paa, kamay at katawan. Pati buhok ay pinunasan din nito.

" Ayan po papa tapos na! Magpalit po kayo ng damit. At higa kayo ulit, hihilutin ko po ang ulo ninyo."

" Talaga anak marunong kana?"

" Opo, kay lolo nga sakin sya nagpapahilot pag masakit ulo niya at mga paa. Nirarayuma daw siya."

" Hahaha ganun talaga anak pag tumatanda na."

Sa ginawang pagmasahe ni zyron sa ama ay nakaidlip ito at dahan dahang bumaba si zyron sa higaan nito at lumabas ng kuweba.

Sa paglabas niya ay tumulong siya sa kuya niya para magihaw ng isda.

" Ang papa mo zyron?"

" Nakatulog po mama. Maya na lang po natin gisingin pag kakain na tayo."

Lumipas ang ilang sandali ay natapos na rin ang lahat na gawain at oras na ng hapunan.

Ginising na ni zyron ang ama para maghapunan. Sa hapunan ay maganang nagsalo salo ang lahat. Pinuri pa ni rafael ang luto ni camille at remus. Ngunit labis ang pagtataka ni rafael, lolo julius at rava sa sinabi ng mga anak ang tungkol sa ginawa nilang pagligo gamit ang sabon at ang sinabi ni zyron na kumuha sila ng larawan sa burol gamit ang sinabi ang cellphone ni remus.

Nagtatakang napatingin ang tatlo sa magasawa. Kaya nagpasya si camille na....

" Maari po bang mamaya na namin ipapaliwanag ang lahat...may mga bagay po kayong dapat malaman at may mga bagay din kaming dapat malaman sa nakaraan na hindi namin alam."
.
.
.
.
.

Itutuloy.......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon