Kabanata LabingPito

696 37 4
                                    

Sa kubol na malaki sa kapatagan ay doon nagtipon-tipon ang lahat ng kabataan na tinawag ni Zyron. Mga batang halos kasing edad niya ay mayroon namang mga kasing edad nina zon at rava. Marami ding mga mas maliliit pa. Kung titignang mabuti ay mas mataas ang bilang ng mga nasa edad ni zyron at kanyang mga kapatid. Hindi gaanong karami ang may mga edad na anim hanggang walo.

Napangiti si Remus at camille dahil abala ang mga ito sa mga sarili nilang mundo.

" Mga bata tama na munang laro....gusto nyo bang matutong magbasa at magsulat?" Sigaw ni Camille.

" OPO!!!" Sagot ng lahat na kabataan.

Napangiti ang mag-asawang camille at remus. Makikita sa mga itsura at pananamit ng mga bata ang hirap na pinagdadaanan nila sa kasalukuyang panahon kung ikukumpara sa nagdaang panahon. Ngunit ganunpaman ay may mga ngiti sa labi ng mga ito at agresibo sa mga bagay na bago sa kanila.

" Ako si Camille...tawagin nyo na lang akong Ate Camille at siya naman si kuya remus ninyo ang aking asawa."

Kumaway namang nakangiti si Remus. Sa kubol ay makikitang may mga may edad na ring mga kabataan ang sumisilip para makita ang ginagawang pagtuturo ng mag-asawa. May malaking tila lumang pisara sa loob at mga tila batong kulay puti na ginagamit pangsulat sa pisara.

" Mga bata... Mamaya pagkatapos kayong turuan ni ate camille ay tse-tsek-apin ko kayo para malaman ko kung may mga sakit kayo. Isa akong doktor sa aming pinanggalingang malayong komunidad. Kaya kami naparito para kayo ay matulungan na makapamuhay ng maayos may alam sa nakaraan dahil hindi tayo makakausad sa hinaharap hanggat hindi tayo matututong muli sa mga bagay na natutunan noon ng mga tao. Pero ang ating pag-aaralan lang ay ang mga bagay na nakabuti sa mga tao. Hindi ang nakasira sa lahat ng buhay sa mundo."

Nagpalakpakan naman ang mga bata. Alam ni camille na wala siyang maipakitang libro na pambata kaya ang isang lumang encyclopedia ni lolo julius ang dinala niya,  saka mga pagbigkas muna ng mga letra ang kanyang itinuro. Mga salitang mahahaba at ang kahulugan nito sa ingles.

Masayang tinuruan ni camille ang bata ng mga letra....mga bagay tulad ng mga hayop,halaman at kung ano pa kung ano sa ingles ito.

" Mga bata.... Alam nyo ba kung bakit kelangan ninyong matutong magbasa at umintindi ng ingles?"

Agad tumayo si Zyron na nasa harapan. Itinaas pa nito ang kanyang mga kamay.

" Mam! Mam! Mam ako po!"

" Zyron.....alam mo na mam ang tawag sa mga gurong tulad ko???"

" Opo ate...este mam....sabi po ni lolo ay mam,madam o teacher sa ingles ang tawag sa inyo noon."

" Very good zyron! Teacher nga ang tawag sa akin sa ingles. Pero bakit kelangan ninyong matutong bumasa at umintindi ng ingles?"

" Para po kami ay makapagbasa ng mga libro na mula pa sa nakaraan tagalog man ito o ingles. Sa pagbabasa po ay may matututunan kami na maaring makatulong sa aming pamumuhay sa kasalukuyan." Sagot ni zyron. Pumalakpak naman si camille at remus pati na rin mga bata.

" Tama si zyron mga bata kaya kailangan matuto kayong lahat dahil alam kong may mga libro pa rin naman kayong naisalba sa panahong ito na inyong mapapakinabangan. Maging kami man ng aking asawa ay may librong ipapakita sa inyo."

" OPO MAM!" Sagot ng mga bata.

" Ngayon ay tuturuan ko kayo ng isang kantang ito ang pambansang awit ng pilipinas. Alam nyo ba yun?"

" Hindi po....sagot ng karamihan...." pero tumayo si zyron. " Ako po mam alam ko!"

" Talaga sige nga kantahin mo...pero bago mo kantahin ay isusulat ko muna ang liriko ng kanta sa pisara para malaman ng lahat." Agad tumakbo sa pisara si zyron at kinuha ang isang basahan para burahin ang isinulat ni camille. Napangiti na lang ang magasawa at muling bumalik sa pagkasalampak sa lapag si zyron.

Sa pisara ay isinulat na ni camille ang Lupang Hinirang.

" Lupang Hinirang...ito ang pambansang awit ng Pilipinas. Alam ko na kaya nyo na din basahin maski papano ito dahil tagalog at may alam na din kayo sa pagbabasa maski bago pa kami dumating ng asawa ko. Ngayon zyron ituro mo na kung paano awitin ang Lupang Hinirang."

Sa gitna ng mga bata ay masayang kumanta si Zyron. Kung saan ang ibang bata naman ay sumasabay na nakatingin sa pisara....pilit binabasa binibigkas ang isinulat ni camille. Hanggang sa inulit ulit ng lahat ang pambansang awitin ng Pilipinas sa nakaraang panahon. Sa pag-ulit ng mga bata ay napamilyar na rin sila sa ritmo nito at masayang kumakanta. Nang matapos silang kumanta ay mga simpleng mga pagtuturo sa mga bata tungkol sa nakaraang buhay ng mga tao noong unang panahon ang ikinuwento ni camille. Tuwang-tuwa ang lahat lalo na si Zyron na nasa harapan. Si remus naman ay nagdo-drawing ng mga bagay na ipinapaliwanag ng asawa.

Nang matapos si camille sa kaunting kaalaman na ibinigay niya sa mga bata ay pumila naman ang mga ito sa asawang si remus para tsek-apin ang mga paslit na tila sabik na makausap ang doktor na una pa lang nila nakilala. Naroon din si Nanay Selma na isang Matandang Nars ng komunidad para tumulong. Sa edad nitong 62 ay masasabing malakas pa ito. Siya ay isa ng nars bago pa maganap ang delubyo.

Nagusap sila ni Remus ng mga bagay na kakulangan sa komunidad saka hinarap ang mga bata.

Karamihang natuklasang sakit ng mga kabataan ay malnutrisyon, sakit sa balat, sipon, mga sirang ngipin at ang karamihan ay mga kuto dahil sa kakapalan ng buhok.

" Mga bata....bukas maaga kayo dito ha....dahil gugupitan kayo ni Mam Camille. Dapat hindi ganyan mga buhok ninyo....hindi magandang tignan.

" OPO!!" Sagot ng lahat.

Kinagabihan bago magpahinga sa kuweba ay nagpasyang kausapin ni camille ang manlalakbay ng panahon na si Oman. Inilahad niya ang kanyang kamay at lumabas doon ang liwanag na nag-anyong orasa. Saka na lumabas na rin ang lamparang may tatlong mukha ng panahon ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Pinihit niya ang nasa takip nito at biglang nagliwanag saka lumabas ang nakakasilaw na liwanag kung saan ang manlalakbay ng panahon ay lumitaw.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now