Kabanata Siyam

787 37 2
                                    

Papunta ng ilog ay dumaan muna si zyron sa isang lugar na may mga pananim na ibat ibang klase. Umikot ikot siya dito na tila may hinahanap.

" Ano bang hinahanap mo zyron?"

" Sabila po kuya remus?"

" Sabila,aloe vera?...anong gagawin mo dun?"

Sumunod naman si camille sa dalawa at maging ang dalawang kapati ni zyron ay kumuha din ng mga tangkay o dahon ng malalaking sabila.

" Anong gagawin nyo dyan?"

" Gagamitin po namin sa panligo sa ilog. Maganda po ito sa buhok at katawan malambot. Ito ang ginagamit panligo ng mga tao dito at pede din siyang panlinis sa sugat. Ayan nga po at madami naman dito. Madali kasing tumubo at di masyadong nangangailangan ng tubig."

" Ah....gagawin nyong sabon."

" Opo sabon kaso wala ng ganun ngayon. Sabi ni lolo noon daw meron."

Napangiti na lang si remus at camille sa bata at ipinagpatuloy nila ang paglalakad. Nadaanan nila ang ilang matatanda na abala sa mga pananim sa di kalayuan. May ilang kabataan naman na tumutulong samantalang ang iba ay nag aalaga ng mga hayop na baboy, manok, may mga baka na kinukuhanan ng gatas, at may mga kambing. Ang mga produktong nakukuha ay dinadala sa kamalig kung saan maaring humingi doon ang mga mamamayan. May nangangasiwa doon para lahat ay maaring mabigyan. Nakita ni zon ang matandang hinihingian nila ng mga may diperensyang bunga ng mais.

" Mang nonong dadaan po kami pagbalik mamaya. Pahingi po ulit ng dati."

" Ah sige iho, nandoon sa may pahingahan namin kumuha ka na lang mamaya."

" Sige po salamat."

Muli at nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa nakarating sila sa ilog. Malapad ito at di na kalaliman. May mga bato na malalaki na nakakalat sa iba ibang lugar. Ngunit tila walang isdang nabubuhay dahil mababaw lang. Makikitang may ilang mga tao na naroon at nasa iba ibang lugar din. May naglalaba at naliligo. Niyaya sila ni zon sa medyo taas na kabilang bahagi ng ilog at doon ay makikitang may ilang mga bata ang abalang nakapila na sumasalok ng tubig sa bukal. Napapalibutan pa din ng mga ilang puno at halaman ang lugar kaya malilim ito. Ang bukal ay tila hukay na hindi kalaliman. Makikitang malinaw ang lumalabas na tubig dahil sa tila kulay beige na matigas na tila sinemento ngunit ito ay natural na batong malapad at doon sumusungaw ang tubig at napupuno ang hukay saka sinasalok ng mga nagiigib.

" Huwaaawww may tubig tayong makukuha ngayon madaming inumin at panligo din."

" Nawawala ba ang tubig dyan zyron?"

" Opo ate minsan nga po apat na araw wala. Minsan naman tuloy tuloy meron. Pag madalas po ang ulan araw araw meron."

Agad namang nakapagigib ang magkakapatid ng inuming tubig at nagpunta sa di gaanong masukal na kakahuyan sa may bandang taas ng ilog. Nagbabakasakaling mayroon mga puweden makuhang maaring nilang makain o mapakinabangan. Ang paligid ay makikitaan ng ilang mga punong hindi kataaasan. Mga ligaw na halaman, mga tuyong puno na buwal na ginagawang gatong sa mga sulo. May mga maliliit din na halaman na kinuha at inipon ng mga bata at inilagay sa basket na lagayan.

" Mga gulay po ito na puwede pong itong kainin kaya kinukuha po namin. Nagiiwan pa rin po kami dito sa ibang lugar para patuloy po silang dumami para may makukuha pa rin kami at ang ibang mga tao."

Muli silang naglakad lakad hanggang nakakita sila ng gabi o taro. Nakatanim ito na sama-sama kaya malamang may mga ugat ito na malalaki na maari nang pakinabangan.

" Alam namin yan! Gabi dali baka may mga malalaking ugat na yan na maaring ilaga. Masarap din yan." Sigaw ni remus sa mga bata. Agad naman tumakbo ang mga bata palapit sa naturang halaman. Kumuha sila ng sangang maaring panghukay at nagsimula na silang maghukay. Si camille naman ay nanguha ng mga dahon nito at inipon.

" Kumakain ba kayo nito?"

" Naku hindi po ate, makati kasi iyang dahon."

" Puwes akong magluluto nito at siguradong makakain ninyo ito."

" Huwaaaaw! Talaga po?!"

" Oo....may niyog ba ditong nakukuha?"

" Opo kaso bihira na, maghahanap talaga."

" Sige hahanap tayo...o baka sa komunidad doon sa kamalig ay mayroon makakahingi tayo."

" Ay sige po mamaya pagbalik dadaan tayo doon." Nagpatuloy si camille sa pagkuha ng mga dahon ng gabi na sa tingin niya ay puwede nang gawing gulay.

Nang matapos maghukay ng mga pagkaing ugat. Ay muli nilang tinabunan ito at nagtanim pa sa paligid ng mga suhi ng gabi n maliliit pa. Para dumami at kumapal ito sa paligid.

Nang sa palagay nila na medyo may kabigatan na ang mga dala nila ay nagpasya na silang bumalik sa patag. Habang patawid ng ilog ay niyaya muna sila ni zon sa isang parte ng ilog na hindi gaanong madaming bato ngunit mayroon malalaking bato na maaring akyatin. Kumabila sila dito at tumambad sa kanila ang tila hinukay na parte naiipunan ng dumadaloy na tubig ngunit hindi kalaliman na kayang languyan ng batang katulad ni zyron.

Agad na naghubad ng damit si zyron at zon at tumalon na sa tubig kasunod ang kapatid. Napangiti na lang si camille at remus at sumunod sa mga bata para maligo.

Inilabas ni zyron ang dala niyang sabila at binigyan ang mga kapatid. Agad nila tinanggal ang balat nito at ipinahid sa buong katawan at buhok. Kinuskos pa nila nito ang katawan para panglinis maging sa mukha. Saka muling nagbanlaw.

Sa pagkakataong iyon ay inilabas ni remus ang sabon sa bulsa ng mabasa siya at nagsabon sa buhok at katawan. Manghang mangha ang magkakapatid dahil sa bula sa katawan at buhok ni remus at camille. Naengganyo sila na lumapit.

" Huwaaawww ang ganda naman niya ate at kuya at ang bango! Yan po ba ang sabon?"

'' Oo, gusto nyo din bang subukan?"

Iniabot nila kay zyron at agad nitong inamoy amoy at ikinuskos sa katawan. Natutuwang nakamasid naman ang mga kapatid niya at si camille at remus.

" Huwaaaaww ang dulas sa katawan ansarap at ang bango!"

Ikinuskos niya ito sa buhok at agad bumula saka niya ibinigay sa kuya at ate niya. Tuwang tuwa itong naglaro ng bula.

Napapangiti na lang si camille at remus dahil unang pagkakataon na makagamit ng sabon ang mga bata. Nang mapagod kasasabon ng katawan ay nagbanlaw na ang mga ito. Saka muling lumusong at naglaro sa medyo may kalaliman.

Ilang saglit lang ay napansin ni camille na wala sa paligid nila si zyron.

" Teka nasaan si zyron?!"

" Nandyan lang yan ate sa paligid."

" Zyron! Zyron! Zyron!"

Maya maya lang may sumigaw sa kalayuan na nakalutang ang ulo sa may batuhan na tila nagkukubli.

" Nandito lang ako ate, kuya!"

Nakita ito ni camille at sumigaw

" Ano bang ginagawa mo diyan?!"

Nakita ito ni zon at roma kaya natawa ang mga ito.

" Nagpupupo po ako ate, sumakit tyan ko eh!"

Napahagalpak ng tawa si remus dahil tila pumupuwersa pa si zyron na mailabas ang sama ng tiyan sa itsura nito.

" Sige bilisan mo diyan! Pagkatapos tabunan mo yan ng lupa. At maghugas ka may sabon dito."

" Opo!"

Nang matapos sa ginagawa at makapaghugas si zyron ay muli silang naglakad patungo sa patag kung saan naroon ang kamalig ng komunidad.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now