Kabanata Lima

877 39 1
                                    

"Gusto nyo bang sumama sa amin sa pagbabalik sa komunidad?'

" Maari sana kung puwede?"

" Isasama namin kayo dahil delikado sa ganitong lugar, maski ganitong hindi na kasukal ang gubat ay may mga mapanganib pa ring hayop ang gumagala lalo na mga ahas. Sa gabi naman ay hindi ninyo kakayanin ang sobrang lamig. Kaya mas makakabuting mamalagi na muna kayo sa komunidad namin. May lugar pa doon na puwede ninyong pamalagian."

Sa narinig ay napahanga si camille at remus kay rafael, kakikilala pa lang nila dito pero alam nilang isa itong mabuting tao. Ang isa pang gusto nitong masigurado ang apelyido nitong De dios.

Pabalik ng komunidad ay pinasakay ni rafael ang mag asawa sa isang kabayo at itinali sa likod nito ang mga dalahin ng dalawa. Doon lang napagmasdang mabuti ng mag asawang camille at remus ang kapaligiran. Ibang iba na talaga ang anyo nito kumpara sa panahon nila. Sa paglalakbay ay nangunguna ang ilan, sa likod naman sila ni rafael na nakasakay din sa isang kabayo. Hindi maiwasang mapangiti ni camille at remus kapag tinitignan si rafael. Si rafael ay kababakasan ng isang pagiging isang mabuti at matapang na lider. Kung titignang mabuti ay maamo ang mukha nito ngunit kakikitaan mo ng otoridad sa itsura nito. Mahaba ang kanyang buhok na lagpas balikat na may nakataling papusod pataas para hindi matakpan ang mga mata. Moreno ang balat at mas matangkad kay remus at makisig ang pangangatawan. Ang mga kasama naman nito ay halos kapareho ang ayos ng mga buhok, mahahaba.

Sa kanilang paglalakbay kung saan napunta sila sa isang medyo mataas na burol at makikita ang isang tila disyertong kapatagan ay pinatigil ni rafael pansamantala ang paglalakbay. Tinignan niya ang kapatagan at makikita doon ang mga tila gumuhong gusali at mga bahay ang iba naman ay tila buo pa ngunit tinubuan na ng mga ligaw na halaman.

" Nakikita nyo ang lugar na iyan?"

Tanong ni rafael kay camille at remus. Tumango naman ang dalawa.

" Balak naming puntahan sana sa pagbabakasakaling may mga maari pa kaming mga bagay na mapapakinabangan."

" Halika na puntahan na natin."

" Sa ibang araw na lang remus, may mga dapat pa kaming gawin pabalik ng komunidad. Kung pupunta pa tayo diyan ay aabutin tayo ng dilim sa gubat pabalik sa komunidad. Sa ngayon ay babalik na muna tayo. May babalikan kaming mga uri ng halaman na puwedeng kainin kaya aming dadalhin iyon sa komunidad pabalik."

Muling nagpatuloy ang paglalakbay ng grupo at nakita nga nila ang sinasabing halaman na maituturing na gulay sa panahong iyon. Sa kanilang pagbalik ay may nakita pa silang ilang ligaw na grupo ng manok at nakahuli sila ng ilan.

Magtatakipsilim ng sila ay makarating sa tuktok ng isang burol kung saan matatanaw ang buong komunidad at ang ilang burol na malapit dito. Makikitang may mga sulo nang nagsisilbing liwanag sa lugar. Agad muling bumaba ang grupo sa kabilang parte ng burol patungo sa daan ng komunidad. Hindi maiwasang magtaka ng mag asawang remus at camille sa nakikitang itsura ng kapaligiran. Tila maihahalintulad ito sa mga lugar sa mongolia o siberia kung saan naninirahan ang mga nomadic tribes.

" Camille grabe ang bundok at ilang burol, kalbo na talaga at tila disyerto ang kapatagan. May pagasa pa kayang manumbalik sa dati ang ganitong lugar."

" May pag asa rem, hindi pa patay ang mundo. Ang mga nakikita nating kakaiba ay muling babalik sa dati ang mga iyan. Hindi madali pero babalik yan sa dati sa tamang pagbibigay kaalaman sa mga tao sa panahong ito."

Sa pagpasok nila sa bungad ng komunidad ay agad sinalubong ng ilang bata at mga babae ang grupo. Agad nilang nakita si camille at remus na nakasakay sa isang kabayo. Nagtataka man sila pero malugod nila itong binati na tinugunan naman ng kaway at ngiti ng dalawa. Dumiretso ang ilang kalalakihang mangangaso sa isang lugar kung saan tinatawag nila itong kamalig o imbakan. Isa itong malaking kubo kung saan doon nila iniimbak ang mga pagkain na kailangan paghatian ng komunidad. Katabi nito ang mga kural ng ibat ibang hayop na inaalagaan ng komunidad. Mayroon nakatoka dito na magbantay at mangasiwa para masiguradong lahat ng mamamayan ay nabibiyayaan.

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now