Kabanata Dalawamput Siyam

705 33 8
                                    

" Rafael, kung gusto ninyong makita ang ilalim na lagusan patungo sa bundok sumama kayo ng iba mong kasamahan!"

Tinungo ni Vannah ang lugar kung saan siya lumabas ng anak na bunso at pinasunod sina rafael, sumunod din si Camille at Remus. Pati ilang kalalakihan ay sumunod din. Matapos makapasok pailalim ang lahat ay inutusan ni Troy ang ilang kalalakihan na gumawa ng paraan para matabunan ang takip para walang sinumang mapunta sa lugar na iyon na may lagusang nakabaon. Ikinalat nila mga sunog na kahoy sa lugar matapos tambakan ng buhangin. Nilagyan din nila ng ilang batong malalaki at malalapad malapit doon at mga sunog na punong niyog.

Matapos ang ginawang pagtakip sa lagusan ay nilisan na ng grupo ang lugar. Naglakbay sa isang mataas na bundok kung saan tatawid sila dito para marating ang dulo ng lagusan na maaring nasa kabila ng bundok na tinatahak na ng grupo. Ang mga sugatan ay maingat na isinakay na lang ng grupo ni Rafael sa mga kabayo.

Samantala sa lagusan kung saan kasama ni vannah ang kanyang ibang mga kasama sa komunidad at ang  grupo ni rafael ay isa-isa ng sumusuot pailalim ng makababa ng hagdang semento. Masikip ang lagusan kung saan kailangang yumuko at dalawang tao lang ang sabay na maglalakad. Madilim ngunit may maaaninag na liwanag dahil sa mga sulo mula sa mga gaserang nakakabit sa gilid ng pader ng lagusan. Habang tumatagal at lumalayo ang nilalakaran nila ay lumuluwag na ito at hindi na sila nakayuko. Tumagal ng halos bente minutos na paglalakad hanggang sa makita nilang maluwang na ang lugar at tila isa na itong maliit na komunidad. May mga taong naroon, bata, matanda,babae, lalaki ay makikitang naroon at nagulat pa sa mga kasama ng kanilang kinikilalang pinuno na si Vannah.

Namangha naman si Rafael at ang kanyang mga kasama dahil alam nilang yungib iyon ngunit may bakas na sinaunang estilo na tila mga partisyon ng mga bahay. Ang iba ay sira na sa ibang panig ng yungib maging ang ilang haligi,dingding at kisame ay medyo may bumagsak.

" Ito ang sekretong ipinagawa ng aking ama noon. Para itong bulwagan noon bago maganap ang delubyo. Dahil sa malalakas na lindol ay nasira na ang ilang bahagi.....ngunit makikita pa ring buo ang pangkalahatang anyo nito." Paliwanag ni Vannah.

Hindi kumibo si Rafael na nakamasid lang sa paligid. May mga kumakain, nagluluto, nagsisiyesta, nakahiga o kaya abala sa ibang gawain. Bagamat madilim at tanging mga sulo ang ilaw ay hindi naging hadlang iyon para sila ay gumawa.

Hanggang sa nagtanong ang isang matanda kay Vannah tungkol sa mga kasamahan nilang naiwan sa komunidad.

Nagtipon-tipon ang lahat at pansamantalang iniwan ang mga ginagawa. Nagbigay puwang naman ang grupo ni Rafael para makausap ni vannah ang mga kasamahang naroon na kung susumahin ay halos mga dalawang daang katao na lamang.

" Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na lubhang napinsala ang ating komunidad. Kinamkam nila lahat at walang natira, lahat ng mga tahanang naroon ay wala na ring naiwang nakatayo dahil sinunog ng mga bandidong nagmula sa dagat. Pinatay ang mga kalalakihan at tinangay ang ilang kababaihang naiwan roon.

" Mama!.....ang aking asawa kumusta siya?!" Tanong ng isang babaeng may kargang bata.

" Nasugatan siya pero hindi malubha....buhay siya. Ang grupo ng mga dayong iyan ang tumulong sa amin at ginamot nila ang mga buhay na sugatan. Sa ngayon ay hintayin nating makarating sila sa dulo ng yungib na ito. Doon nyo sila makikita at ang ibang nakaligtas."

Dahil sa sinabi ni Vannah ay mabilis na kumilos ang lahat....tinungo ang daan patungo sa sinasabing dulo ng yungib.

Hanggang sa naiwan pansamantala ang grupo ni rafael at muli silang nag-usap ni vannah at ilang kalalakihan doon.

" samakatuwid....dito kayo noon tumira ng pamilya mo noon vannah ng maganap ang delubyo?" Tanong ni Camille.

" Tama! Halos isang taon din yun. Namuhay kami na hindi namin alam nagaganap sa labas. Yung dulo ng yungib ay matagal bago namin nadiskubre at pinagtulungan noon na mas maging maayos ang mga pasikot-sikot sa yungib na ito. Nang madiskubre namin ang bukana ng yungib ay may tubig pa iyon. Gumawa ng bangka ang mga kasama naming nanirahan dito para marating iyon at makalabas. Nagulat kami dahil ang bukana niyon ay may ilog sa labas at napapalibutan ng bundok na matataas. Inakyat ng mga kasama noon ni papa ang matatarik na bundok at ng marating nga nila ay tumambad sa kanila ang lugar ng resorts namin dati na wala na ito. Lubog sa tubig dagat. Wala na ang dating kaunlaran ng lugar bago ang delubyo. Nagkaroon ng panibagong dalampasigan kung saan sa ilalim ng dagat ay naroon ang dating resorts at kaunlaran nito."

" Yung komunidad na ginawa nyo sa dalampasigan ay doon na ba kayo namalagi?" Tanong ni Rafael.

" Hindi kadali dahil halos na-washed-out ang lugar walang natirang mga puno sa lugar maging ang bundok na nakaharap sa dagat. Pero yung bahaging nakaharap sa bukana nitong yungib ay halos hindi nasira. Pero sa pagdaan ng mga taon ay unti-unti ding nauubos ang natirang yaman nito dahil sa dumadami ang taong nanirahan sa lugar na ito. Marami din kaming kasamahan ang nilisan ang lugar na ito ng matantiya nilang ligtas na ang paglalakbay sa ibang lugar. Alam nyo naman kasi na halos hindi gaanong masilayan ang araw ng panahong iyon dahil sa alikabok na nanatili sa himpapawid."

" Alam ko iyon vannah....bata pa lang ako at medyo natatandaan ko pa rin." Sagot muli ni Rafael.

" Nagpasalamat na lang kami noong may mga bandidong lumusob dito ay agad naming natunugan noon. Dito kami nakapagtago pero sinira din nila ang komunidad ay ang mga ibang taong naroon ay kanilang pinaslang katulad ng ginawa ng mga bandidong dagat kanina lamang."

" Hindi nila nalaman na may lagusan dito at ang bukana ng yungib?"

" Hindi.....ibang landas ang dinaanan nila noon."

" Paano ngayon iyan....wala na halos ang kabuhayan ninyo dito?" Tanong ni Camille.

" Sa bagay na iyan ay pag-uusapan naming lahat, ng aking mga kasama. Ang aking anak na panganay na ang namumuno sa komunidad na ito. Marahil malapit na nilang marating ang bukana kaya tayo nang pumunta sa lugar na iyon at nauna ng mga kasamahan namin."

Agad namang tumalima si Rafael at pinasunod ang kanyang grupo. Halos bente minutos na paglalakad ay naaninanag na nga nila ang liwanag sa pinakadulong bahagi ng malawak na lagusang dinadaanan nila ngayon.

" Ayun na ang lagusan....may mga bangkang naroon para ating masakyan sa pagtawid sa bukana." Si vannah na huminto sa paglalakad at itinuro ang lugar kay rafael.

" Si vannah na huminto sa paglalakad at itinuro ang lugar kay rafael

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now