Kabanata Dalawamput Pito

576 31 0
                                    

" Hindi ko akalain na may komunidad din dito." Si Rafael.

" Hindi mo mapigilan ang mga tao rafael na tumira sa lugar na ito lalot malapit sa dagat na maaring pagkuhanan ng kanilang ikakabuhay." Pahayag ni Nera.

" Ngunit sa nangyari sa komunidad na ito maaring kagagawan ito ng mga bandido sa dagat o kaya sa lupa."

" Mga Pirata ba ang tinutukoy mo rafael?" Tanong ni Camille.

" Oo....iyon din sabi ni Papa."

" Kung noong unang panahon ay mga pirata na at sa ating panahon ay may mga balitang mga pirata din, sa panahong ito ay hindi sila nawala....parang pirates of the carribbean lang." Naiiling na pahayag ni Remus.

" Hanggat may dagat at lupa hindi maalis ang mga bandido sa mundo remus. Sila ang mga taong walang dulot na maganda sa mga taong mabuti at maayos na namumuhay sa panahong ito. Pag-iimbot at kasamaan ay hindi nawawala iyan sa mundo." Sagot ni Rafael.

Samantala narating na ng mga kalalakihang inutusan ni Rafael ang maliit na komunidad sa baba ng burol na malapit sa dagat. Kalunos-lunos ang larawang tumambad sa kanila. Mga sunog na tila nagsisilbing tirahan ng mga taong naroon. Ngunit mga patay na ang mga ito. May mga saksak sa katawan, sunog ang iba sa loob ng nasusunog na tirahan nila at ang iba ay agaw buhay. Nagkalat ang mga kagamitan sa lupa na tila dinaanan ng bagyo. Nakiramdam sila sa paligid sa pag-aakalang naroon pa ang may mga gawa ng malawakang pagpatay sa mga taong naninirahan sa lugar na iyon.

Hanggang sa nagbigay ng senyales ang ilang lalaking napagutusan ni Rafael. Itinapat nila sa araw ang salamin na pabilog sa kamay nila patungo ang liwanag sa burol na kinaroroonan nina rafael kaya ng makita ng lahat ito ay agad na mabilis na bumaba ang lahat.

Nagimbal si Camille at Remus sa nakita dahil unang pagkakataon na nakakita sila ng ganun karaming patay na tao sa kanilang dinadaanan. Agad silang nakabawi sa pagkagulat at mabilis na nilapitan ang ilang may buhay pa na pinagtutulungan na ng mga kalalakihang buhatin at dinadala sa isang lugar para gamutin.

Bilang isang nars ay agad tinignan ni Remus ang mga may sugat na mga tao. May mga may sunog sa katawan at ang iba ay saksak at laslas sa katawan. May mga bugbog sarado din na ilang kalalakihan. Ngunit higit ang mga matatandang pumanaw na. Nataranta si remus sa kanyang gagawin lalo pa at wala siyang gamit para sa pag gamot sa mga iyon. Bilang isang nars ay alam niya ang mga gagawin sa pagkakataong iyon lalot nag-aaral siyang maging doktor

Abala na din si Nera sa paglunas sa mga ibang naroon sa pamamagitan ng kanyang kaalaman sa panggagamot gamit lang ang kanyang halamang gamot. Sa nalililimang bahagi ng komunidad nila iniayos ang mga sugatan.

Sinuyod ng mga kalalakihan ang buong komunidad sa pagbabakasakaling may iba pang nakaligtas na agad naman nilang nakita ang iba pa na parating mula sa malayo. Ngunit nakahanda ang mga armas ng mga ito na nakatutok sa grupo ni rafael.

" HINDI KAMI KALABAN! NAPADAAN KAMI SA LUGAR NA ITO LAMANG PERO SA NAKITA NAMING KALAGAYAN NG MGA KASAMAHAN NINYO AY HAYAAN NINYONG TULUNGAN NAMIN KAYO!" Sigaw ni Rafael.

Natigilan ang mga kalalakihan at ilang babae at bata na nakasunod. May ilan ding sugatan na agad ng nilapitan ng grupo ni rafael para gamutin. Wala ng nagawa ang mga dumating kundi sumunod sa sinabi ng mga dayo sa lugar nila.

Nilibot pa ni Rafael ang buong komunidad at dinig niya ang pag-iyak ng ilang kababaihan,kalalakihan at mga batang naulila. Nakaramdam siya ng awa sa mga mamamayan at galit sa mga taong gumawa niyon.

Naghanap ng lupang huhukayin ang ilang kalalakihan malayo sa dagat. Doon ay sama-sama nilang inilibing ang mga namatay. Halos dalawang hukay na malalim ang ginawa ng lahat dahil sa umabot ng halos isang daan ang namatay. Sa hukay ay nag-alay ng dasal ang lahat para sa mga namatay at tinabunan na ito ng lupa.

Si Camille at Remus ay tila hindi pa rin makapaniwala habang naglalakad pabalik sa komunidad.

" Massacre na maituturing ito hon! Ang lupit! Kung noong unang panahon malupit na ang mundo sa mga digmaan ng mga tribu sa agawan ng nasasakupan.....at sa panahon natin ay alam mo naman madaming patayan....pero sa panahong ito ganun pa din.....malupit talaga ang mundo para sa mga taong mahihina at walang kakayahang maipagtanggol ang sarili laban sa kaapihan!"

Hindi na lang kumibo si camille. Ramdam niya ang poot na nasa dibdib ng asawa. Nagpatuloy ang lahat sa pag-gamot sa mga may sugat.

Hanggang sa nakita nila ang pag-angat ng isang tila takip na malapad at makapal na tabla sa gitna ng isang nasunog na kung susuriing mabuti ay isa itong malaking tirahan sa komunidad na iyon. Iniumang ni Rafael ang kanyang sibat kung sakaling kaaway ito kaya pati na rin ang lahat ay naalarma.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy......
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon