Kabanata Sampu

812 39 6
                                    

Nang marating nila ang kamalig ay agad lumapit si zyron sa isang lalaking hindi pa katandaan ang siyang nangangasiwa nito na si mang nonong.

" Mang nonong, may gatas pa po bang natira?"

" Aba para syo apo, palaging meron. Ikaw ba naman palaging tumutulong sa akin sa taniman kaya ipinagtatabi kita. Nandyan na rin yung mais na para sa mga alaga mong manok."

" Yeheeyyy salamat po...makakainom po ulit kami ni lolo ng gatas."

Napapangiti namang nakatingin si remus at camille. Napansin naman sila ni mang nonong at kaya nagtanong ito.

" Tila dayuhan kayo sa komunidad na ito? Ngayon ko lang kayo nakita."

" Opo galing po kami sa malayong komunidad at halos isang buwan kaming naglakbay at nakasalubong namin ang ama ni zyron na si rafael sa gubat sa pangangaso nila kaya kamiy inanyayahang sumama dito sa kanyang lugar."

" Mabuting tao si rafael, siya ang sinusunod ng halos mga tao dito magmula ng mamatay ang naging pinuno ng komunidad na ito bago kami mapunta dito."

" Paano pong namatay, sa sakit?"

" Si lolo julius ni zyron ay maaring magkuwento din sainyo. Alam ko na dun din kayo tumutuloy kaya maari nyo siyang tanungin sa mga pinagdaanan ng buhay ng mga tao dito sa komunidad."

" Ganun po ba. Sige po kakausapin na lang po namin siya para malaman pa namin ang lahat tungkol sa komunidad na ito."

Tumango naman si manong julius kay camille. Si zyron naman ay tila palinga-linga sa loob ng kamalig na wari ay may hinahanap na agad napansin ni manong nonong.

" Ano bang hinahanap mo apo?"

" May bunga pa ba kayo ng niyog lolo?"

" Aba'y meron pang isa diyan sa ilalim ng papag na yun. Kunin mo na lang."

" Ayos ate camille meron pa!"

Agad naman sumuot si zyron sa ilalim at pilit inabot ang nagiisang bunga ng niyog.

" Madami pa iyan ng nakarang linggo dala ng mga kalalakihan galing sa pangangaso. Ginawa na ng mga kababaihan dito bilang mantika o kaya sa mga panluto nila. Ano bang gagawin nyo nyan?"

" Magluluto po kasi si
Ate ng gulay na gabi daw po. Ngayon pa lang ako makakatikim ng ganun mang nonong. Baka masarap."

" Masarap talaga ang laing iho lalo na kung marunong ang nagluluto. Medyo maselan kasi lutuin iyan. Tamang tama iha, may burong karne diyan sa tapayan na iyan bibigyan kita mainam iyan pansahog."

" Naku tamang tama po iyan, kailangan ko nga pangsahog para malasa."

Agad naman tinungo ng matanda ang naturang tapayan at nilagay ang burong karne sa isang malapad na dahon at ibinigay kay camille na inaabot naman kay remus.

" Paano pala ito ala tayong pangkayod ng niyog?" Tanong ni remus.

" Meron po kuya si mama, ginagamit po niya kapag gumagawa siya ng mantika. Ginawa po yun ni papa puwede nating gamitin."

" Ayos yan! Dali uwi na tayo at baka abutan pa tayo ng tanghali dito."

Bago lumabas sa kamalig ay may inabot pang isang lumang lata si mang nonong na may lamang mais at nakabalot na mga luya sa isang malaking dahon. Kaya tinanong ni remus para saan kasi may dala na silang mais pangpakain sa manok ni zyron.

" May dala na po kaming mais, para saan po ito?"

" Ibigay mo sa mama ng mga bata, yan ang niluluto kapag tanghalian dito, kapalit ng bigas noong unang panahon."

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now