Kabanata Pito

823 37 5
                                    

Nang gabing iyon ay hindi agad nakatulog si camille at remus. Inayos nila ang mga gamit nila. Sa loob ng kuweba ay tila ok naman sa kanila. Hindi mainit ang loob. Malinis hindi katulad ng ibang kuweba sa pagkakaalam nila. Wala ring anumang hayop tulad ng paniki ang naninirahan. Marahil dahil hindi naman ito kalakihan. Ginawa lang para magsilbing tirahan ng tao.

Nagulat si camille ng makitang may inilabas na cellphone at portable solar charger ang asawa.

" Huwag ka nang magtanong, sinabi ito ng papa mo para daw may makuha tayong larawan sa panahong ito, inaasahan niya na baka wala ng kuryente sa panahong ito kung sira na ang mundo. Hindi sila magtataka sa panahong ito lalo na matatanda dahil ang ganitong gamit ay pinaglipasan na ng panahon nila. Baka nga matawa pa sila dito eh."

Inilabas din ni remus ang isang di kalakihang ilawan na may solar panel din na ibinibilad sa araw. Inilawan niya ito at nagliwanag ang kuweba.

" Boyscout ka na yata ngayon rem. Noong nagkakilala tayo ay tila kulang ka pa noon sa disposisyon hahaha."

" Bata pa tayo noon hon kaya ganun."

Nang matapos mag ayos ang mga gamit nila ay nahiga na ang magasawa para magpahinga. Nakaramdam na sila ng pagod dahil sa paglalakbay kasama si rafael.

" Makatagal kaya tayo sa panahong ito camille?"

" Oo naman, mahirap sa umpisa pero kailangan nating makiisa sa pamumuhay na meron sila sa panahong ito. May matutunan tayo sa ginagawa nating ito rem. Alam mo suwerte nga natin dahil hindi pa natin naranasan ito sa panahon natin pero sila hayan talagang sa araw-araw na ginawa yata ng diyos ay ganito ang buhay nila. Pero wala silang reklamo, masaya pa nga sila. At si zyron nakikita ko sa kanya ang kinabukasan ng mundo. May pagmamahal at puno ng pagasa sa kanyang mukha."

" Yan din nararamdaman ko camille, yung aura niya kakaiba, katulad ninyo. Alam ko na siya na ang tinutukoy ng lolo roman sa panahong ito."

" Ang dapat nating malaman ay kung ano ang naging buhay ni rafael bago ang delubyo. Kung 35 na siya ngayon, eh mga limang taon na siya ng maganap iyon. Baka may naalala pa siya sa nakaraan niya."

" Eh bakit hindi natin tanungin si lolo julius?"

" Rem, wala akong maramdaman kay lolo julius tulad ng kakaibang pakiramdam ko kay rafael at zyron iba ito maski sa mga kapatid niya."

" Kung ganun dapat nating makausap talaga si lolo para masigurado natin."

" Bukas uumpisahan na natin ang misyon natin sa panahong ito. Alam kong mahirap sa nakasanayan natin pero kakayanin natin. May kakayahan tayong bumalik sa panahon natin kung mahirapan tayo pero sila ay wala no choice sila eh. Kaya never akong susuko. Dapat makatulong tayo sa mga taong narito."

" Tumpak! Kaya matulog na tayo dahil ang lamig."

" Dagdagan mo kasi ng kahoy yung siga para medyo lumakas ang init dito sa kuweba."

" Payakap na lang pls hon."

" Eh di yumakap ka, huwag ka lang gagawa ng kalokohan diyan rem, ayokong mabuntis sa panahong ito."

" Ganun! Nakakaasar naman!"

" Baka gusto mong iwan kita sa panahong ito!"

" Sabi ko nga matulog na tayo eh."

Yumakap naman si remus sa nakatalikod na nakangiting asawa.

" Hay naku ang hirap talaga makapagasawa ng may kapangyarihan tsktsk. Pero hon maski ang dungis mo at di nakaligo ngayon ang bango mo pa rin haha."

Siniko na lang ni camille ang asawa.

" Itulog mo na yan noh!"
------------------------------------------------------

Kinabukasan ay maagang nagising si camille. Tulog pa ang asawang ay bumangon na siya at lumabas ng kuweba. Napahalukipkip siya dahil sa lamig at hamog na bumabalot sa buong paligid. Nakita niyang may siga na sa harap ng bungad ng kuweba nina rafael kaya lumapit siya rito para matanggal ang nararamdamang lamig. Nandoon ang asawa ni rafael at si lolo julius na umiinom ng nakagawian na nitong inumin sa umaga.

Agad siyang binigyan ng asawa ni rafael ng inumin at umupo sa isang troso na ginawang upuan ng pamilya sa labas.

" Salamat."

" Walang anuman camille. Ang asawa mo?"

" Tulog pa siya, ganun yan pag sobrang lamig mahirap gisingin parang mantika ng baboy."

Natawa si Rava at lolo julius sa sinabi ni camille.

" Ang sarap nito, natural ang lasa ng luya at may kakaibang aroma. Sa aming lugar ay may ganito din pero iba ito."

" Iyan na ang numero unong inumin dito sa panahong ito iha. Wala ng kape o gatas tulad noon. Pero sa mga alaga naming baka ay nakakuha pa kami ng gatas para sa mga tao dito lalo na sa mga bata at matanda na kailangan ng nutrisyon."

" Ok lang ganito lolo masarap naman."

" Luya at tanglad iyan camille kaya masarap ang amoy at lasa. Minsan suwerte na may makuhang pulot pukyutan sa gubat si rafael iyon ang ginagawa naming panghalo para minsan may tamis. Mabuti siyang gamot lalo na sa may mga ubo."

" Ganun po ba ang galing naman. Si rafael po?"

" Nasa loob siya naghahanda na muli sa kanyang pangangaso sa gubat. Katulad ng dati ay kasama niya ang isa niyang kapatid at grupo."

" Kapatid?"

Si lolo julius ang sumagot kay camille.

" Hindi niya tunay na kapatid si Troy. Mas bata siya dito ng siguro mga tatlong taon."

" Bakit po hindi nyo alam, di po ba anak nyo sila?"

Hindi na nakasagot si lolo julius ng lumabas na si Rafael sa kuweba. Dala ang mga gamit niya sa pangangaso ay inilapag niya ito sa gilid. Kumuha ng tasa at nilagyan ng asawa ng inumin. Kumuha naman ng nilagang kamote si rava at inilagay sa harap ng tatlo.

" Hayan, kain na para may laman ang sikmura mo sa paglalakbay. Kain na din kayo Pa, camille."

Kumuha naman si camille at lolo julius at binalatan ang kamote at nagsimulang kumain. Habang kumakain sila ay lumabas na din ng kuweba si remus at tinungo ang kinalalagyan ng asawa ng matanaw niya ito.

" Remus, gising ka na pala, saluhan mo na kami habang mainit pa ito."

" Salamat rafael at magandang umaga sainyong lahat."

Tumabi at humalik ito sa kanyang asawa at nagsalo sa inuming luya. Kumain din ito ng kamote na ikinangiti ng asawang si camille dahil ni minsan ay hindi niya itong nakitang kumain ng kamote maski na nagluto ang lola nila sa kanilang panahon.

" Grabe po talaga dito ang lamig."

" Ganyan talaga dito pero mamaya lang pagsikat ng araw ay tirik talaga. Kung noon grabe ang init at lamig ngayon ay tila nabanawasan na ito. Sana lang bumalik na ang temperatura ng mundo sa dati."

" Nasaan na po pala ang mga bata lolo?"

" Tulog pa sila iho. Pero mamaya lang magigising na rin ang mga iyan. Alam nila ang pang araw-araw nilang gawain at hindi na sila kailangan pang sabihan."

" Napakabuti po pala nilang mga bata."

" Dahil mabuting magpalaki ng mga anak ang magulang nila iho."

Napangiti namang napatingin si rafael at asawa nito kay lolo julius at kay camille at remus.
Ilang saglit lang ay nakita ni rafael na nasa babang bahagi na ng burol ang ilang kalalakihan na kinakawayan siya. Kaya agad niyang kinuha ang mga gamit at nagpaalam.

" Puwede ba akong sumama rafael?"

" Marami pang pagkakataon remus na maari kang sumama. Pero makakabuting manatili ka muna rito para makita mo ang buong komunidad at kung paano ang pamumuhay rito sa araw-araw."

" Sige salamat rafael."

Iniabot naman ni rava sa asawa ang pagkaing nakabalot at inuming nasa isang lagayan. Muli ay nagpaalam si rafael at bumaba na sa babang bahagi ng burol kung saan isa-isa ng nagdadatingan ang iba pa nilang kasama at ang mga kabayong ginagamit sa paglalakbay.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now