Kabanata LabingDalawa

842 44 16
                                    

Sa harap ng pamilya ni rafael sa labas ng kuweba ay nagsimulang magsalita si Camille. Ang tatlong bata naman ay nasa loob na ng kuweba naghahanda para matulog.

Kinakabahan man ay handa na si camille na ipagtapat sa mga ito ang tunay niyang pagkatao at kung saan sila galing ni Rem.

" Alam po namin na misteryo sa inyo ang pagdating namin dito sa inyong lugar." Si remus.

" Hindi kami tagarito sa inyong panahon." Si camille.

" Anong ibig ninyong sabihin?" Usisa ni rafael.

" Taga ibang panahon po kami ng aking asawa....ang panahong nakaraan...bago pa man po ang delubyo maaring buhay pa kami ng aking asawang si remus....isa po akong manlalakbay ng panahon at ito pong edad kong ito ay tamang edad ko sa nakaraan. May misyon po ako na gagampanan para sa panahong ito."

" Akoy naguguluhan apo sa inyong sinasabi..."

" Lolo, katulad ng sinabi ko po ay isa po akong manlalakbay ng panahon.....ang panahon po ng delubyo at bago pa man ito ay di po namin nasaksihang mag asawa dahil narito na kami tatlumpong taon pagkatapos ng delubyo....hindi rin po din namin alam kung kami ay nasawina bago pa man ito o sa mismong panahon ng delubyo....pero alam ko po na nasawi na kami dahil hindi po ako makakapunta sa panahong ito kung ako ay buhay pa dito. At maging sa aking maaring edad sa panahong ito ay patay na ako."

" Kung ganun ay may kakayahan kang maglaho at mapunta sa iba ibang panahon?"

" Oo rafael......isa yun sa kakayahan ng mga manlalakbay ng panahon. Ang aking lolo ay ang huling manlalakbay ng panahon sa aming angkan. Ako ang sumunod at nasa panahong ito ang susunod sa akin."

" Angkan kayo ng manlalakbay ng panahon? At marami kayong naging manlalakbay? Pero nasaan na sila?"

" Wala na sila rafael nasa mundo na sila ng Hora ang mundo ng mga manlalakbay ng panahon at ang kanilang pamilya. Ako ang huli at ito nga ang aking misyon sa panahong ito para sa panibagong manlalakbay ng panahon."

" Paano mo nalaman na nasa panahong ito siya apo?"

" Lolo, may kakayahan po naming makita at mapuntahan ang nakaraan at hinaharap pero wala kaming karapatang baguhin ito dahil ito ang itinakda ng dakilang manlilikha. Ang aming misyon lang ay mapanatiling buhay ang lahi ng mga angkan ng manlalakbay ng panahon dahil sila ang sumisilip sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap....kami ang nagaayos ng mga bagay na lubhang nagpalala ng mga bagay sa hinaharap dulot ng nakaraan. Hindi namin babaguhin ang nakaraan bagkus ay ang leksyon noon ang dadalhin namin sa hinaharap para muling maayos ang hinaharap."

" Napakalaking responsibilidad pala ang meron kayo at napaka kumplikado.....kailangang magingat kung kayo ay napupunta sa nakaraan dahil maaapektuhan nito ang kasakukuyan at hinaharap.....buhay pa ba ang iyong mga magulang?"

" Sa iniwan kong panahon ay ang aking ama na lang....wala na ang aking ina at aking kakambal. Dalawa lang kaming magkapatid at marami din kaming pinagdaanan bago ko nalaman na ako ang nakatakdang maging manlalakbay ng aking panahon.....sa panahon pong ito ay narito na ang susunod sa aking manlalakbay ng panahon....kaya gusto ko siyang maihanda bilang isang manlalakbay ng panahon...alam ko po na malubhang nasira ang mundo sa nangyaring delubyo. Maraming namatay at maraming bansa at mga kontinente ang nawala sa mata. Masuwerte pa rin po tayo dahil maski maliit lang ang ating bansa ay may natira pang kalupaan at buhay....ito po na kung ano ang meron kayo ay ang simula ng bagong lahi ng mga tao sa bansang ito....ang nasa paligid nyo ay ang simula ng buhay kaya dapat nyo itong pangalagaan at paglinangin.....mahirap at matagal pero para po ito sa hinaharap ng mga bagong henerasyon.....sira po ang kapaligiran ninyo kaya dapat itong ayusin para maibalik sa dati, matagal pero unti unti."

" Alam ko ang tinutukoy mo apo.....isa akong guro sa aking panahon at isa sa aking itinuturo ng mga panahong iyon ay pangalagaan ang ating kapaligiran. Sira at kaawa awa na ang kapaligiran sa aking panahon na lubha pang pinalala ng giyera at ang mga trahedyat, kalamidad."

" Alam ko po yun lolo....sa aming panahon ay alam namin ang dulot ng pagpapabaya sa kalikasan kaya lang talagang walang pakialam ang mga sumunod na henerasyon.....nasilaw sila sa makabagong teknolohiya na siya ring sumira ng lahat, kakambal ng pagbabago ng teknolohiya ang dapat ay responsibilidad na pangalagaan ang kalikasan pero wala. Hanggang sa ang lahat ay nawala na nga at kayong mga narito ngayon sa panahong ito ang lubhang naapektuhan."

" Alam mo iha, masaklap at masakit sakin ang nangyaring delubyong iyon....halos thirty years old lang ako noon. May asawa at tatlong anak. Nang maganap ang delubyo ay nasa paaralan ako sa dito sa Bataan kami naninirahan ng aking pamilya. Sunod sunod ang nangyaring kalamidad noon hanggang sa isang napakalakas na lindol ang tumama at mga malalaking tipak ng mga asteriod ang bumagsak sa ibat ibang panig ng mundo. Nababalita pa yun sa radyo dahil unti unting nangyayari yun sa mundo. Giyera, tag gutom ang nararanasan din ng tao sa mundo. Lahat yun ay nangyari...."

" Ano po ang nangyari sa pamilya ninyo?"

" Hindi ko na sila nakita.... Malalaking tsunami ang tumama sa pilipinas noon pagkatapos ng malakas ng lindol. Lahat ay nawash out. Hirap at pagod ang naranasan ko noon sa pagtakbo sa kabundukan kasama ko na noon si Rafael....nakita ko siyang umiiyak noon sa isang guhong bahay na malaki. Nasa labas siya ng bahay, madungis at may sugat sa ilang bahagi ng katawan. Ang bahay nila ay durog na durog wala na akong panahon para sipatin kung may buhay pa kaya kinarga ko na si rafael na limang taon. Yun ang totong pangalan at apelyido nya ngayon. Alam niya noon ang pangalan niya pati mama at papa niya pero ang iba niyang kamag anak ay hindi may kuya at ate din daw siya na maaring nasawi na rin."

" So hindi nyo pala siya tunay na anak?"

" Oo apo.....pilit akong lumalapit sa naturang bahay bakasakaling may madala ako sa aming pag alis pero may narinig akong sigawan ng iilang tao na nakaligtas na tumakbo na raw kami sa mga kabundukan dahil lumulubog na ang mga baybayin bahagi ng bataan dahil sa tsunami. Agad na akong tumakbo kasama si rafael at nakikasama na kami sa mga iilang tao na nakita namin na papunta sa mga bulubunduking bahagi ng bataan. Doon ay namuhay kami ng ilang taon kasama ng mga nakaligtas na mga tao. Natuto kaming mamuhay sa gubat na unti unti na ring nasisira ngunit may maari pang pagkuhanan ng aming ikakabuhay. Para kaming bumalik sa nakaraan.....hanggang sa ilang mga tao at kalalakihan ay nagpasyang bumaba at maglakbay pababa ng bundok para makita namin ang kapatagan. Ngunit wala ka ng makita kundi tila disyerto ng buhangin at mga guhong bahay at gusali. Sa mga nadaanan namin mga guho o bahay ay mayroon pa rin kaming naisalbang gamit na maari naming gamitin sa paglalakbay. May mga damit, mga delatang pagkain at iba pa kaming natatagpuan at nahuhukay kaya nagpatuloy kami sa paglalakbay para maka survive. At dito na nga ang pinakamatagal naming pananatili sa lugar na ito."

" Alam nyo po lolo, wala talaga kaming lugar sa panahong ito na pinanggalingan namin....alam nyo po ba na may iba pang grupo ng mga survivor na nasa ibang lugar lamang?"

" Meron apo, noong bata pa si rafael ay nakaengkuwentro na namin sila. Tila mga bandido sila, nangunguha sila ng mga hindi nila pag aari. May mga nasawi sa grupo namin kaya kami noon ay palipat lipat ng lugar."

" Aalamin ko po iyan lolo kung may mga natitira pang katulad nila....pero apo sino ba at nasaan ang tinutukoy mong bagong manlalakbay ng panahon?"

" Si Zyron po lolo, alam ko siya malakas ang kutob ko. Anak siya ni rafael na isang de dios. Si Remus po ay de dios, apo namin sa tuhod si rafael....at ang anak niyang si zyron ang tinukoy ng manlalakbay ng panahon bago ako. Si Zyron ang manlalakbay sa panahong ito."

" LOLA KITA CAMILLE?!" Si Rafael na tila nagulat.

" Oo rafael apo ka namin sa tuhod ni remus."
.
.
.
.
.
Itutuloy..........
-----------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now