Kabanata Tatlumpu't Isa

885 34 8
                                    

Matapos makalayo ay muling nagpasya si camille na gamitin ang kanyang kakayahan para makabalik sa komunidad. Pagod na ang lahat sa paglalakbay pabalik at maaring abutin na sila ng dilim. Muli isang liwanag ang lumabas sa kanyang mga kamay at bumalot ito sa lahat ng kanyang mga kasamahan pati sa mga bagay na kanilang dala hanggang sa sila ay maglaho. Isang iglap ay nasa komunidad na sila kung saan naroon na si Zyron sa bukana papasok sa komunidad hinihintay ang kanilang pagbabalik.

" Papa! Papa!" Sigaw ng bata na agad tumakbo at yumakap sa amang kabababa lang ng kabayo.

Agad namang inasikaso ng mga tao ang mga bagay na dala ng grupo ni Rafael. Dinala a g mga hayop sa mga kuwadra at ang mga pantawid buhay ay sa mga kamalig. Si Nera ay sinalubong ng kanyang anak-anakan at tumuloy na sila sa tirahan nito sa kabilang ibayo ng ilog.

Sa kuweba sa burol ay umakyat na din sina rafael kasunod ang mag-asawang camille at remus. Ang kanilang hapunan ay malapit na rin matapos ni Rava at Roma. Nasa tapat naman ng bonfire si Lolo Julius.

" Palamig na ng palamig ang gabi. Malapit na ang kapaskuhan. Noong kabataan ko bago ang delubyo, Enero ang pinakamalamig na buwan at hindi Disyembre. Pero ngayon papasok pa lang ang Disyembre mahaba na ang gabi at sobrang lamig na." Tanging nasabi ng matanda maski balot ito ng makapal na panlamig na gawa ni Rava. Maysuot din itong bonnet na makapal.

" Papa.....buti nga ngayon parang umaayon na sa panahon ang klima ng Pilipinas. Pero noon lalo na ng bata pa kami ni Rafael pagkatapos ng delubyo sabi nyo halos nabalot ng mga usok ang kalawakan."

" Tama Rava....mahaba din ang panahon ng tag-araw na umaabot ng agusto kaya hirap ang mga tao sa paghahanap ng pagkain, pati tag-ulan na naging mapaminsala. Iyon ang sinasabing climate change sa aking kapanahunan." Tugon ni Lolo Julius. Sinangayunan naman ito ni Camille.

" Tama si Lolo, sa aming panahon ay isang usapin na rin ang climate change na sinasabing magiging mapaminsala sa hinaharap kung hindi matututo ang mga tao. Pero ayun....umabuso pa rin ang mga tao marahil sa mga sumunod na taon sa aming panahon kaya heto ang nangyari....ang mga nabubuhay sa panahong ito ang nagdurusa." Paliwanag ni Camille. Humarap na rin sina Rafael at Zyron sa hapag para sa hapunan. Dumating na rin si Zon na may dalang mga butil ng munggo na mula sa pataniman sa kapatagan. Nakalagay ito sisidlan na agad ipinakita sa ina at inilagay sa bilao. Natuwa ito dahil maraming dala ang anak.

" Iyan po yung ibinigay sa akin sa anihan kanina, andami po kasing naani, at sa susunod na araw ay magtatanim na ulit kami mama."

" Salamat anak, bukas gagawa ako ng ginisang munggo, may itinabi akong binilad na karne noong isang araw yun isasahog ko."

" Huwaaaawww ansarap nun mama! Lagyan mo po ng dahon ng malunggay kukuha po ako bukas doon sa pataniman." Masayang sabi ni Zyron. Napangiti ang lahat at nagsimula na silang maghapunan.

Bago magpahinga ay muling nagusap-usap sina Rafael, asawa nito, si Lolo Julius at Mag asawang Camille at Remus. Samantalang ng tatlong kabataan ay abala sa loob ng kuweba sa mga librong bigay ni Camille. Halos mamangha sila sa mga larawan ng mundo bago pa ang naganap na delubyo. Kung saan hindi pa nasisira at naabuso ang kapaligiran sa panahon ng mag-asawang camille at remus. Masaya ang tatlo na pinagmamasdan ito sa ilaw na hiniling ni camille sa kanyang sisidlan. Maliwanag ito at mistulang solar lamp na gawa sa panahon ng mag-asawa. Masaya pang kumakain ng kendi ang tatlo habang nagbabasa.

" Nakakamangha talaga ang iyong kakayahan iha. Lahat ba ng maaring hilingin ay ibibigay ng iyon sisidlan?" Tanong ni Lolo Julius.

" Hindi daw po. Sabi ng kauri kong manlalakbay ng panahon na isang gumagabay sa akin ay mga bagay lamang na labis na kakailanganin ng tao. Pero may limitasyon ito."

" Kunsabagay tama ka iha....hindi maganda na lahat na hiling ay matutupad. Baka lahat ng kailangan ng tao ay diyan na lang hilingin. Makakasasama iyon at baka magkusa ng pagiging tamad ng tao."

" Tama po lolo. Kaya hindi ko po talaga ginagamit ang aking kakayahan na kung tutuusin ay makakagaan sa pamumuhay ng mga tao sa panahong ito."

" Akoy natutuwa iha sa iyong pananaw sa buhay. Hindi ko labis maisip na nabuhay ako sa panahong nalalapit na ang delubyo kung saan labis na pagkaganid sa kapangyarihan ang umiiral sa mundo. Pero may isa palang nabubuhay sa aking nakaraan na tulad mong may kakayahan at kapangyarihang kakaiba."

" Lolo.....hindi po kasi nakakabuti ang labis na paggamit ng kapangyarihan nagiging sanhi po niyan ang pagkagahaman ng tao."

" Iyon nga ang nangyari sa aking panahon na siyang tumapos ng lahat, halos nabura ang mundo pati ang lahing tao. Masuwerte pa rin kami dahil kami ay nakaligtas at nabuhay dahil sa panginoon. Sabi nila noon gugunawin ng diyos ang mundo, pero tao ang gumunaw nito.at sumira....mahal ng diyos ang tao kailanman hindi niya hahayaang mawala sa mundo ang kanyang mga nilikha."

" Opo lolo....kaya nga po nabubuhay pa kayo at dumadami pa rin ang mga tao.sa panahong ito ay dahil kayo at ang mga susunod pang henerasyon ang siyang magbabalik ng dating anyo at ganda ng mundo. Sabi nga po nasa diyos ang awa nasa tao ng gawa." Tugon ni camille sa matanda na napangiti na lamang.

Dinagdagan ni Rafael ng kahoy ang siga para umapoy pa ito. Habang gumagabi kasi ay lumalamig at ang hangin ay lumalakas. Makikita din sa kapatagan sa baba ng burol ang gitnang bahagi ng komunidad na nagkakasiyahan ang mga mamayan. May mga kumakanta at sumasayaw sa gitna ng bonfire.

" Papa.....kanina po pala sa aming paglalakbay ay may natagpuan kaming isang komunidad sa isang lugar dito sa Bataan. Nakalagpas na po kami doon sa may palatandaang pang nakikita at nabasa kami. Mariveles Bataan po at malapit nasa dagat ang komunidad na naroon na aming natagpuan kung saan nasusunog na at maraming patay na tao."

Isinalaysay ni Rafael ang naganap sa kanilang paglalakbay. Natakot si Rava sa balita ng asawa. Pinakalma naman siya ni Camille. Naiiling na lamang si Lolo Julius.

" Kahit anong panahon talaga hindi mawawala ang kasamaan ng ibang natirang mga tao sa mundo. Hindi ba nila alam na pare-pareho tayong nagdusa sa pagkasira ng mundo! Bakit hindi na lang sila gumawa ng kabutihan at hindi yung nananamantala sila sa kahinaan ng ibang tao at ang kabuhayan ng mga ito ang inaagaw nila!"

" Hindi na po mawawala sa mundo ang mga taong tulad nila lolo! Sa amin mang panahon ay maraming ganyan!" Dagdag na pahayag ni Remus.

" Mga bandidong dagat o pirata, mga bandidong lupa o tulisan..pare-pareho lang sila mga demonyong nabubuhay pa rin sa mundo!"

" Akoy nangangamba papa sa nangyari sa komunidad na iyon na baka balikan pa sila ng mga bandido. Balak ko sanang sila ay hikayatin na lumikas sa komunidad natin at makipagtulungan, o kaya ay tulungan sila na mapalakas ang kanilang hukbo na magtatanggol sa komunidad. Sa nakita ko kasi ay kulang ang kanilang kakayahan na lumaban. Pangingisda kasi ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Yung isang komunidad nila na tago ay doon sila mag-uumpisa muli. Pero hanggang kelan sila ligtas doon. Iyon ang aking pangamba papa."

" Huwag kang mag-alala Rafael! Maari kitang tulungan anumang balak mo! Pero may naisip akong paraan para hindi dumanak ng husto ang dugo sa lugar na iyon!" Mungkahi ni Camille.

" Hikayatin natin silang lumikas sa lugar na ito para magsimula dito. Lalo na yung mga kababaihan, mga bata, kabataan at mga may edad na. Ang lugar na iyon ang gagawin nating isang lugar na pagkukuhanan natin ng kabuhayan dahil sagana pa ito. May mga tao tayong itatalaga doon para magsanay sa pakikipaglaban at ipagtanggol ang lupang iyon, pero sila din ang nakatalagang magpalago ng likas na yaman doon."

" Maganda ang iyong suhestiyon iha. Pero paano......masyadong malayo ang lugar na iyon dito." Si Lolo Julius.

" Ako na pong bahala sa bagay na iyon lolo." Nakangiting sagot ni Camille."
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

THE GLASSHOUR 3Where stories live. Discover now